Heart Evangelista is not yet ready to fall in love again

Asked when will she fall in love again, Heart Evangelista answered: "Maybe three Valentine's later, not now. Ayoko pa talaga."


Marami ang may crush kay Heart Evangelista. Kapag nga may survey among male celebrities ng mga crushes nila, halos hindi nawawala ang pangalan ni Heart.

Pero si Heart kaya, sino naman ang nasa top-five list ng crushes niya or sino ang sexiest men for her?

"Hmmm... sino kaya? Sexiest? Or not naman...sexiest ba talaga, or whatever, ha?

"Sam Milby is one. John Lloyd [Cruz] is one. Richard Gutierrez, definitely. Si Dennis Trillo and then si Aljur Abrenica.

"Feeling ko ano 'yan [Aljur], meron siyang malaking chance. Nararamdaman kong magiging big star 'yan," pahayag ni Heart nang makapanayam ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

NOT READY. Kung papipiliin siya ng makaka-date niya sa Valentine's Day among the five men, sino kaya?

"Sino kaya? Well, piliin ko na si Dennis Trillo. Because, siyempre, nakakakilig din when people tell me na, 'Crush ka niya!' ganyan-ganyan.

"But I'm not ready. Maybe three Valentine's later, not now. Ayoko pa talaga."

Very vocal si Dennis sa pagsasabing crush nito si Heart. Kaya tinanong namin si Heart kung gumawa na ba ng move si Dennis para manligaw sa kanya?

"Hindi."

Kapag umaksyon na ito?

"Well, I'm not ready. Sasabihin ko sa kanya, 'Dennis, I'm not ready now.'"

WANTS NORMAL LIFE. Nakikita ba niya ang sarili niya na magkagustong muli sa isang lalaking may anak na after her relationship with Jericho Rosales?

"Ahm...it's inevitable, minsan it's inevitable. But it depends now. Kasi minsan, yung circumstances, medyo magulo. I don't think I'd like that.

"As much as possible, I want my life, my future family's life to be normal.

"And iba pa rin yung feeling na kayong dalawa, first time ninyong magkakaanak together. It's nicer, so as much as possible... Hindi pa naman ako ulit nai-in love... i-background check mo na yun."

Heart's ideal marrying age?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I always wanted to get married young. Mga...actually before, I wanted to get married twenty-five [years old]. And hindi naman na mangyayari yun, so siguro mga twenty-seven."

Pero wala pa naman siyang twenty five.

"Sabagay, oo, malay natin, next year. Ha-ha-ha! Pero hindi siguro. Engaged next year, puwede, I don't know, pero wala pa naman akong relationship. But that's my ideal age.

"Because ayoko ng maraming boyfriend, ayoko ng maraming nali-link sa akin, ayoko nang ganun, gusto ko isa lang. And I also wanna have children, not so old and not so young. Kahit dalawa. Thirty-years old meron na akong isa, thirty- two years old meron ako ulit isa, then finish na, stop na.

"Dalawa lang, then magpapaganda na lang ako nun," tumatawang nasabi pa ni Heart.

BIRTHDAY WISH. Ang birthday wish ni Heart who's turning twenty-four this Valentine's Day ay...

"For my parents to have long life. Hindi para sa sarili ko ang wish ko, long life for them because that's also for me, because I don't think I'd know what to do without them."

How about a material wish?

"Ahm... material? The right investments, I guess. Like property... real estate. I have, but I wanna develop that. Like condominiums, maybe ganyan, it's the best, I mean like rental.

"Well, it's nice to buy a building, but I mean, I don't know if I can. That's my wish."

Personal wish for herself.

"That I will just be happy at the moment, to be alone by myself. That I don't have to rely on anyone, yun lang."

REASON FOR BREAKUP. One month nang loveless si Heart ngayon, after breaking up with her non-showbiz boyfriend of seven months. Ano ba ang naging reason ng breakup?

"Actually, coz he comes from a very private family, I don't wanna keep on talking about it. Ayoko namang sabihin nila na... But I'll be... in general... but you know that's life, the only constant thing is change.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sometimes it's hard to accept, but you grow, you earn wisdom from it, you just have to wake up and continue with your life."

Connected ba sa career ang reason?

"No, it's personal."

About change lang?

"No, it's just ano e... you feel it, e. Parang it cannot be. I dunno why, it's just cannot be, e, parang ganun."

Nag- fell out of love ba si Heart?

"No," mabilis na sagot ng dalaga.

So, may feelings pa siya for her ex?

"It's a natural thing, that I still feel and when I ... ganun kasi ako, 'pag na-in love ako, pang-forever na yun, e. So, it's ano, e, I just have to be mature about it and you know, live my life and be okay. Anyway, hindi naman ako ipinanganak na kambal kami, di ba? So...I was born without him, so, okay lang ako."

Iniyakan niya ba ang paghihiwalay nila?

"Oo naman. Pero okay na ako, ganun talaga, e. Actually it's not about crying, it's ano, e, detaching yourself emotionally. But I'm okay, I've been through it before, even worse, so, I'm okay."

ANNABELLE AS MANAGER. Busy si Heart ngayon sa Luna Mystika ng GMA-7, and after nito ay sa hosting naman daw siya magiging busy.

"Meron akong Fashionistas By Heart and then I'm gonna wait for the next project naman na mas okey. Ganun ang ano ni Tita Annabelle, ayaw niya ng panghapon yata.

"Movies, I'm hearing meron. Pero puro inquiries pa lang."

Kumusta si Tita Annabelle Rama as a manager?

"She's fun! She's fun because she's so, like, kunwari ako, ayoko yung mga haggle-haggle na kung ano, natetensyon ako sa ganun. So like... kasi yung mommy ko, ano siya, e, finesse, demure. Si Tita Annabelle, ano siya, 'Hindi, hindi puwede yan, 'Day! Achuchuchu! 'Day, hindi puwede 'yan!' Ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, alam mo yun? May ganun! That's what we need, e, we need somebody like that. E, ang daddy ko, ganun ang daddy ko. Parehas ni Tita Annabelle. Pero ang daddy ko, more on the tago.

"And Tita Annabelle knows what she's doing."

Nag-away na ba sila ni Tita Annabelle?

"Hindi pa naman, I don't wanna get on her bad side! Ha-ha-ha-ha!"

Kahit tampuhan?

"Wala din."

Lahat ng ginagawa ni Tita Annabelle for Heart's career, okey sa dalaga.

"Oo naman! Ako, anything she gives me, if she gives me the go-signal that it's okay, I trust her, I'll do it."

WITH GMA-7 ALL THE WAY. Willing ba si Heart to work with ABS-CBN again?

"No."

Bakit naman?

"I've moved on, e! And I'm happy where I am now, and if my career is to end already, I'll end it here [GMA-7].

"If I were to get married and everything, I wanna end it here."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN