FIRST READ ON PEP: Dennis Trillo-Heart Evangelista team-up is cancelled

"Kumbaga ang mindset ko, next project ko is with Heart. Sa lahat ng mga interviews ko, siyempre tuwang-tuwa ako at sinasabi ko tuloy na tuloy. 'Tapos nalaman ko na lang hindi na tuloy," a disappointed Dennis Trillo said. But he refused to disclose the reason behind the cancellation of the team up with Heart Evangelista. Instead: "Mas mabuti siguro si Heart na ang magsabi. Mas maganda yung ganun, na sa bibig na mismo niya manggaling. Kasi baka magkaroon pa ng misunderst


Nanghihinayang si Dennis Trillo na hindi na matutuloy ang pagsasama nila ng crush niyang si Heart Evangelista para sa susunod sanang project ng aktor sa GMA-7. Nakatakda sanang magsama sina Dennis at Heart para sa Sine Novela Presents Muling Buksan Ang Puso pero bigla na lang nalaman ni Dennis na hindi na nga matutuloy ang tandem nila.

"Nanghihinayang talaga ako. Nakaramdam din ako ng konting disappointment. Kumbaga ang mindset ko, next project ko is with Heart. Sa lahat ng mga interviews ko, siyempre tuwang-tuwa ako at sinasabi ko tuloy na tuloy. 'Tapos nalaman ko na lang hindi na tuloy.

"Well, nakakalungkot pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na magkakatrabaho rin kami kasi nasa GMA lang siya. Kami-kami lang ang nandun. Siguro, hindi lang ngayon, pero may ibang projects pa naman na puwede. I'm sure in the future, magsasama pa rin kami." Ito ang sagot ni Dennis sa tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang feeling niya na hindi na tuloy ang pagtatambal nila ni Heart during the mini-presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng Gagambino. Ginanap ang mini-presscon sa Icings Restaurant sa Quezon City, kahapon, February 12.

Hindi maiiwasan na may lalabas na isyu na si Heart diumano ang tumanggi sa project at sa pakikipagtambal kay Dennis. Paano kaya niya iha-handle ang intrigang ganito?

"Alam ko naman kung ano yung totoong dahilan, e. So, kung meron mang lumabas na ganung isyu, okey lang sa akin. Kung hindi ko alam yung totoong dahilan, 'tapos bigla kong nalaman, siguro maapektuhan ako or magtatampo. Malulungkot ako ng sobra. Pero alam ko naman yung totoong dahilan ni Heart, e. Ganun talaga, hindi pa siguro time," paliwanag pa ni Dennis.

So, ano nga ba ang dahilan ni Heart?

"Mas mabuti siguro si Heart na ang magsabi. Mas maganda yung ganun, na sa bibig na mismo niya manggaling. Kasi baka magkaroon pa ng misunderstanding o baka ma-misinterpret pa ng mga tao. Si Heart na lang po ang kausapin n'yo," pakiusap pa ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano na ang mangyayari sa project niyang ito? Tuloy pa ba?

"Puwede pa rin naman daw pong ituloy. Kukuha na lang po ng bagong leading lady. Kung hindi man itutuloy, baka bagong project na lang ang ibigay sa akin. Makikipag-usap pa po kami ulit sa GMA."

Ang Muling Buksan Ang Puso ay ang susunod sanang TV project ni Dennis after Gagambino, na magtatapos na sa Pebrero 20. Parte ito ng bagong two-year contract ni Dennis sa GMA.

Ano ang feeling na pinag-renew siya ng GMA-7 ng kontrata at itinuturing pa rin siyang isa sa top actors ng network?

"Masaya ako kasi nagtiwala ulit sila sa akin. And para sa isang artista, masuwerte ako na isa ako sa mga artistang pinapa-sign nila ng network contract. Hindi kasi lahat ng artista, pinapa-sign nila, e. Kaya pahahalagahan ko ito nang husto and this year talagang pagbubutihin ko ang mga projects na mapupunta sa akin."

GOODBYE, GAGAMBINO. Ayon kay Dennis, sa nalalapit na pagtatapos ng Gagambino, mas kapana-panabik na mga eksena at mas tumitinding aksyon ang dapat abangan ng mga manonood.

"Mas matitinding pagdurusa at aksyon pa ang mararanansan ni Bino. May confrontation at fight scenes ako kina Polo Ravales, who plays Harold, at Nadine Samonte as Celine. Makakalaban ko rin si Zoren Legaspi. Pero, siyempre, kasama ko namang lalaban sina Isabel Oli, Jean Garcia, Jennica Garcia at Raymart Santiago."

Sabi ni Dennis, ang Gagambino raw ang isa sa most memorable teleserye na kanyang ginawa. Mas napalapit daw kasi siya sa mga bata dahil dito.

"Parang feeling ko every time na makikita ako ng mga bata... pakiramdam ko parang role model na tinitingala nila. Nakakataba ng puso na na-appreciate ng mga tao ang Gagambino, lalo na ng mga bata."

Ano ang mami-miss niya sa Gagambino?

"Ang mami-miss ko yung action scenes na ginagawa namin doon, dahil yung susunod kong gagawin, siguradong wala nang ganung action dahil drama nga, sabi ng GMA. Kaya subaybayan nila ang mga kapana-panabik na mga huling araw ng Gagambino. Abangan nila ang big ending ng Gagambino."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEXT PROJECTS. Habang wala pang teleseryeng ginagawa si Dennis ay regular naman daw siyang mapapanood SOP every Sunday, kung saan patok na patok sa mga televiewers ang sing and dance segment nilang tatlo nina Marvin Agustin at Gerald Santos. Mostly ay pambabaeng kanta ang binibigyan nila ng kakaibang interpretasyon. Sa Sunday nga raw, Pebrero 15, ay kaabang-abang din ang Beyonce medley nila.

Bukod sa SOP at guestings sa mga shows ng GMA, ano pa ang iba niyang pagkakaabalahan?

"Siguro magbabakasyon sandali. Pero ayokong magtagal na walang ginagawa. Marami kaming aasikasuhin sa next album ko. May movies din akong gagawin. Baka maisingit din ang paggawa ng indie movie. At least productive pa rin kahit sabihin nang wala muna ako sa primetime o sa dramarama."

Nakatakda ngang gawin ni Dennis ang tatlong pelikula under Regal Films: My Other Man to be directed by Maryo J. delos Reyes, ang horror film na Tarot kung saan makakasama ni Dennis si Marian Rivera under the direction of Jun Lana, at isang film festival movie na wala pang title. Gusto niya rin daw gumawa ng indie movie.

Sabi niya ay magbabakasyon muna siya sandali after ng Gagambino. Makakasama ba niya ang anak niyang si Calix sa bakasyon na ito?

"Gusto ko siyang makasama. Gustong magplano ng isang something na puwede ko siyang maka-bonding. Importante yun, e. One year and five months na siya, e. Nagiging makulit na."

RECORD-BREAKING LIVE CHAT. Samantala, tuwang-tuwa naman si Dennis nang ibalita ng PEP sa kanya ang official figures na nakuha ng kanyang pakikipag-live chat sa kanyang mga fans, kung saan na-break niya ang sarili niyang record in terms of dami ng mga questions ng mga chatters sa www.iGMA.tv, ang official website ng GMA-7. Ang live chat na ito na in-organize ng GMA New Media Inc. (NMI) ay ginanap last February 5 sa mini studio sa NMI office sa GMA Network kaugnay na nga rin ng pagtatapos ng Gagambino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa official figures na nakuha namin mula kay Ms. Connie Macaraeg-Tungul ng NMI, ang bagong record na nai-set ni Dennis last February 5 ay 1,815 questions within the duration of two hours of live chat, kumpara sa 1,497 questions na naitala niya last October 28, 2008. Pang-apat na live chat na ito ni Dennis para sa NMI. At ayon na rin mismo sa NMI, si Dennis talaga ang isa sa most requested Kapuso artists na gustong maka-chat ng mga fans.

Ano ang feeling na na-beat niya yung record niya mismo?

"Sobrang saya kasi kumbaga mas lalong dumadami yung chatters. Mas madaming sumusuporta sa iyo sa website natin sa iGMA.tv, kaya kahit sariling record ko yung na-beat ko, overwhelming pa rin. Thank you sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN