Ruffa Gutierrez says it was Kris Aquino who recommended her for Ruffa and Ai

"This is my third show, so ibang Ruffa ang mapapanood nila sa Betty, ibang Ruffa sa The Buzz, at ibang Ruffa naman dito sa Ruffa and Ai," says Ruffa Gutierrez about her new morning talk show with Ai-Ai delas Alas.


Pumirma ng kontrata kahapon, February 12, ang TV host-actress na si Ruffa Gutierrez, kasama ang comedienne na si Ai-Ai delas Alas, para sa pinakabagong morning talk show ng ABS-CBN, Ruffa and Ai.

Papasok ang Ruffa and Ai sa timeslot na iiwanan ng Boy & Kris nina Boy Abunda at Kris Aquino, na lilipat naman sa primetime via the showbiz talk show SNN.

"This is an answered prayer," sambit ni Ruffa tungkol sa kanyang bagong show. "Matagal ko nang pinagdarasal na mabigyan ako ng show na hindi lang tsismosa ang alam kong gawin, 'yong makialam sa lovelife ni Ai-Ai. Dito, at least, madami akong magagawa sa morning. Ito talaga ang masasabi kong answered prayer. I'm very, very happy sa blessing na 'to."

Sa pagdating ng bagong show na ito, mas lalong magiging abala si Ruffa. Bukod kasi sa Ruffa and Ai, mayroon din siyang Sunday entertainment talk show na The Buzz at kabilang din siya sa comedy-drama series na I Love Betty La Fea.

Gayunman, hindi alintana ni Ruffa ang pagod sa pagkakaroon ng bagong programa dahil aniya, "Ito naman very light, fun, and high energy. Actually, ito, masaya lang ito, e. It's gonna be very informative. At the same time, kakaibang morning. Talagang puwede kaming mag-interview ng guests. Hindi na kasi uso ngayon 'yong isang theme lang the whole show. Kumbaga, it's very different, even me myself, I don't even know what to expect."

Isang magandang oportunidad din daw ang Ruffa and Ai para maipakita pa ni Ruffa ang kakaiba niyang karakter na hindi alam ng publiko.

"Ipapakita naman namin 'yong ibang side ni Ruffa," pahayag niya. "Like, si Ruffa kilala nila as maldita at sinasampal-sampal si Betty [Bea Alonzo] sa I Love Betty La Fea. This time naman, friendly ako kapag morning. Sa The Buzz naman, medyo cute na glamorosang tsismosa. So, dito naman, iba't ibang side ng Ruffa ang makikita nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMPETING WITH SIS. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ni Ruffa na sa kanyang bagong proyekto, makakatunggali niya ang matagal nang morning talk show SiS ngGMA-7, kung saan isa sa mga host ang kaibigan niyang si Carmina Villarroel, kasama ang magkapatid na Janice at Gelli de Belen.

"First of all, I'm very happy na that SiS has been there for a long time. Siyempre, friend ko si Carmina, who also said good luck to me. But I don't watch their show, so I don't know what I'm up against," ani Ruffa nang tanungin siya kung may nararamdaman siyang pressure.

Dagdag ni Ruffa, ayaw naman niyang isipin na ang kanilang programa ang magiging pinakamatinding makakalaban ng SiS. Pero susubukan daw niya, kasama si Ai-Ai, na magiging competitive para sa morning timeslot.

"Ako, I'm very competitive. Sinalang na ako sa Miss World and everything, sanay na ako diyan. But for me, siguro more than being competitive, I should work on myself first, work on my show, to make sure that we're giving everyone a good show every morning.

"I think with me and Ai-Ai, we're just gonna do our best every morning to give everyone a good show. Kumbaga, we're here to give everyone a different putahe naman. Katulad nga ng sabi ko kanina, baka bored na sila [viewers] doon sa kabila, wala na silang ibang choice, at least nandito na kaming dalawa ni Ai-Ai."

KRIS AQUINO'S BLESSING. Gaya ng nabanggit, papalitan ng Ruffa and Ai ang Boy & Kris simula sa Lunes, February 16. Magkakasama sa The Buzz sina Ruffa, Boy, at Kris.

Bago pa man makabuo ng espekulasyon ang mga tao, agad nang nilinaw ni Ruffa na may basbas ng kanyang co-host na si Kris ang pagtanggap niya sa kanyang bagong show. Sa katunayan, si Kris pa raw ang nagrekomenda kay Ruffa para maging host ng nasabing programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fairness to Kris, talagang she said she recommended me, both she and Tito Boy. So, I'm very thankful kay Kris. Wala pa akong kaalam-alam, ikinuwento na niya sa akin. Sabi niya sa akin, huwag daw akong maging tsismosa.

"Siyempre, ayaw ko namang maniwala sa kanya kasi even if she's my friend and tini-tip niya ako, anything can happen. Alam mo naman, unless big boss ang magsabi sa 'yo or unless nilatag sa 'yo... In this business, today na sa 'yo, bukas iba naman," sabi ni Ruffa.

Kaya lubos ang pagpapasalamat ng aktres sa kanyang co-host sa The Buzz. "Thankful ako sa kanya na may blessing niya. I think importante 'yon na binigay niya sa amin itong timeslot na ito na magaan sa loob ni Tito Boy at ni Kris."

Kinuha na rin ni Ruffa ang pagkakataong ito upang pabulaanan ang mga usap-usapan na diumano'y may hidwaan sa pagitan nila ni Kris.

"People think na magkaaway kami!" natatawang pahayag ni Ruffa. " But ako naman, like I always say, I have strong friends—you know, Gretchen, Kris, my mom [Annabelle Rama], Tita Daisy Romualdez. Everyone is so mataray like me."

Sa huli, tinanong si Ruffa kung may nararamdaman ba siyang pressure sa kanyang bagong show.

Napangiti lamang ito at sinabing, "Hindi pa ako napa-pressure. I'm so excited right now. Baka Sunday night pa. As of now, talagang masayang-masaya ako!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN