JC Tiuseco credits Survivor Philippines for all the blessings coming his way

"After Survivor, ang daming opportunity na nagbukas, na siguro nasa akin na rin yung kailangan ko talagang mag-workshop, magtiyaga, masipag. Kasi yung mga dumarating naman sa akin, hindi naman palaging ganyan, so kailangan magsipag," says JC Tiuseco.


Image model na rin ang kauna-unahang Survivor Philippines winner na si JC Tiuseco. Kagabi, February 12, sa Trinoma Garden ay ni-launch siya bilang pinakabagong celebrity endorser ng Penshoppe at ng bago nitong fragrance line na Elements.

During the launch, nagpakitang-gilas si JC sa pagsasayaw, kasama ang isang babae ng mala-James Bond ang style. In fairness, kaya rin pala niyang sumayaw kaya marami sa audience ang nagulat sa naipakita niya.

"Actually, medyo nervous nga ako. Ngayon lang kasi ako nagsayaw ng may ganitong crowd. Tapos, ballroom pa, may pagka-James Bond," pag-amin ni JC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng grand launch.

LIFE AFTER SURVIVOR. Ano ang pakiramdam niya na ang daming blessings na dumarating sa kanya ngayon magmula nang manalo siyang Pinoy Sole Survivor?

"Siyempre, sobrang thankful ako kay God. Ang dami Niyang ibinibigay na blessings sa akin, tapos okey naman ang health ko ngayon. Wala naman akong nararamdamang sakit. Sobrang thankful lang ako at very supportive pa ang family ko sa akin," saad ni JC.

Masasabi niya ba na sobrang laki ng nagawa ng Survivor sa mga tinatamasa niyang blessings ngayon?

"Sobrang laki ng nagawa ng Survivor," pagsang-ayon niya. "After Survivor, ang daming opportunity na nagbukas, na siguro nasa akin na rin yung kailangan ko talagang mag-workshop, magtiyaga, masipag. Kasi yung mga dumarating naman sa akin, hindi naman palaging ganyan, so kailangan magsipag."

Nagwo-workshop daw si JC ngayon sa University of the Philippines. Umaasa rin siya na sooner or later ay magkakaroon na rin siya ng opportunity for an acting job, bukod sa pagiging host niya ng Unang Hirit.

"At least, kung may dumating man na acting job sa akin, ready ako."

Drama-action daw ang gustong gawin ni JC.

"Siyempre, sa Survivor kasi, ang daming action na rin na na-try ko run. Tapos, yung other side naman is drama. Feeling ko, mas madali akong makakapag-deliver kapag ganoon," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SURVIVOR SEASON 2. Magsisimula na raw ang audition ng GMA-7 para naman sa second season ng Survivor Philippines. How does he feel na magkakaroon na ng ikalawang batch ng castaways?

"I'm very happy, kasi yung mga next na makaka-try nun... Siyempre, ilang thousands of people na gustong makasali sa Survivor. So, yung mga piling makakasali lang ang makaka-experience ng mga nagawa namin. Sa totoo lang, ang hirap, pero kapag pinagawa sa amin [castaways] lahat ang Survivor, gusto ulit naming gawin."

May advice ba siya sa mga gustong mag-audition for Survivor?

"Sa mga gustong mag-audition, just be yourself. Kasi hindi mo naman makukuha kung gagayahin mo sinuman sa amin na naunang maging Survivor. Just be yourself. Kasi, doon din nila makikita kung sino ka talaga. May psychiatrist din at makikita nila kung ano ang personality mo at hindi mo madadaya. Kung akala mo nalusutan mo na sila, hindi, e. Malalaman at malalaman nila kung ano ang personality mo," pahayag ni JC.

Kung may chance daw na makasama si JC bilang isa sa mga judge ay gugustuhin daw niya. Iba raw siguro ang feeling na dati sila ang dyina-judge at ngayon ay sila naman ang mamimili among thousands na gustong sumubok.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN