Mark Anthony Fernandez has no plan to have another baby yet

"Dalawa na po ang anak ko—si Chelsea, 10 years old, at si Cameron, 7 years old. Gusto ko pong ihanda ang future ng mga anak ko kaya thankful ako sa GMA-7 sa sunud-sunod na projects na ibinibigay nila sa akin simula po nang lumipat ako sa kanila," says Mark Anthony Fernandez.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark Anthony Fernandez sa thanksgiving merienda na ibinigay ng GMA-7 para sa success ng telefantasya nilang Luna Mystika. Ginanap ito sa Executive Lounge ng GMA Network Center kahapon, February 12.

Nakakatuwa ang bonding ng members ng cast ng telefantasya na dumating. Bukod kay Mark, nandoon din sina Heart Evangelista, Dante Rivero, Gardo Versoza, Sheryl Cruz, Romnick Sarmenta, Mosang, Hero Angeles, Kris Bernal, Aljur Abrenica, Luis Alandy, Michelle Madrigal, Jace Flores, at Marky Lopez. Wala sina Mark Herras at Iwa Moto dahil nagpa-drug test sila sa Camp Crame.

Sige ang pa-picture taking ng grupo sa pangunguna ni Direk Mike Tuviera dahil ilalagay raw nila ang mga ito sa kani-kanilang Facebook accounts.

VALENTINE'S DAY. Bukas, February 14, ay Valentine's na. Pero ayon kay Mark, wala pa raw silang plano ng wife niyang si Melissa kung saan sila magse-celebrate.

"May taping po kasi kami tomorrow [February 13] sa Bataan, kaya tiyak po na umaga na ng February 14 ang balik namin sa Manila," paliwanag ni Mark Anthony. "Siguro po, para hindi kami mahirapan sa traffic, sa isang resto na lang doon sa amin sa Las Piñas kami magdi-dinner. Pero yung Valentine gift ko po sa kanya, naibigay ko na."

Wala pa ba silang balak sundan ang anak nila?

"Hindi na po muna," sagot niya. "Pero kung bibigyan kami ulit, bakit po hindi. Dalawa na po ang anak ko—si Chelsea, 10 years old, at si Cameron, 7 years old. Gusto ko pong ihanda ang future ng mga anak ko kaya thankful ako sa GMA-7 sa sunud-sunod na projects na ibinibigay nila sa akin simula po nang lumipat ako sa kanila."

Unang ginawa ni Mark Anthony sa GMA-7 ang Impostora. Sinundan ito ng Kamandag, Ako Si Kim Sam Soon, at Luna Mystika. Hindi pa man siya tapos mag-taping ng Luna Mystika, naka-schedule na siyang magsimula ng bagong soap, ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na All About Eve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos kasi ng Ako Si Kim Sam Soon, maraming requests na natanggap ang GMA Network na bigyan agad ng follow-up soap si Mark. Bukod sa guwapo raw ay mahusay pang aktor.

IF MARK WERE SINGLE... Kaharap ni Mark Anthony ang katambal niyang si Heart habang kausap siya ng PEP. Naitanong sa aktor kung sakali ba na binata pa siya, at ngayong wala nang boyfriend si Heart, liligawan ba niya ang dalaga?

"Kung hindi ko man po siya liligawan, sapat na sa akin na nakatrabaho ko siya," sagot ni Mark. "Nirerespeto ko po siya at matingnan ko lang siya, kuntento na ako at puprotektahan ko rin siya.

"Nalaman ko nga po na wala na sila ng non-showbiz boyfriend niya at hindi naman siya nagkaila nang tanungin ko siya. Biro ko sa kanya, siguradong maraming lalaking nagdiriwang ngayon dahil wala na siyang boyfriend. Marami po akong kakilala na nagsasabi sa akin na ipakilala ko sila kay Heart, dahil hangang-hanga sila sa kanya.

"Si Heart po kasi, bilang katambal, sobra sa inaakala ko. Ang husay niya sa pag-arte at wala siyang reklamo sa mga ipinagagawa sa kanya ni Direk Mike Tuviera, na hindi ko rin matatawaran ang kagalingan sa pag-handle sa lahat ng mga artista niya at sa project na ito. Ang hirap po kasi ng dual role niya as Luna and Celestina, lalo na ngayong pareho na silang tao, double ang take niya dahil dalawang characters siya.

"Ako po naman, ibinigay ko nang buong puso ang acting ko rito. Kaya pagkatapos po ng taping namin, mami-miss ko silang lahat kasi talagang nakapag-bonding kami nang husto sa taping namin sa Bataan at Bulacan," lahad ni Mark.

Hindi pala napapanood gabi-gabi ni Mark ang Luna Mystika, pero ipinapa-record daw niya ito. Gusto raw kasi niyang panoorin ito kapag tapos nang maipalabas.

ALL ABOUT EVE. Sa ngayon, inaayos na ang schedule ni Mark dahil may cruise scenes ang bago niyang teledrama sa GMA-7, All About Eve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Excited na nga po ako, hindi pa nagsisimula ang taping namin," nakangiting sabi ni Mark. "Bukod po sa reunion soap namin itong All About Eve nina Sunshine [Dizon], Iza [Calzado], at Jean [Garcia], na nakasama ko sa Impostora, first time ko po ito na magku-cruise. Kasama ko sa cruise sina Sunshine, Iza, at Alfred [Vargas]. Sa Singapore po kami. I will play the role of Kenneth, pero hindi ko pa po alam kung ano ang exact role ko. Si Iza po ang katambal ko rito at si Direk Gil Tejada, na direktor din namin sa Impostora, ang magdidirek nito."

Ilan pa sa makakasama ni Mark sa All About Eve ay sina Richard Gomez, Eula Valdes, at si Eric Quizon. Si Eric ay based na ngayon sa Hong Kong, pero nagustuhan ang role na in-offer sa kanya ng GMA-7. Tuwing weekend ay babalik siya ng Hong Kong para sa trabaho niya roon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN