Rufa Mae Quinto is used to being single on Valentine's Day

"Umiyak talaga ako, pero okay lang naman ang umiyak, di ba? At least nawawala rin 'yong luha after," explains Rufa Mae when asked why she was teary-eyed when she got to the press conference of her newest endorsement.


Kapansin-pansin ang pagdating ni Rufa Mae Quinto sa press conference ng bago niyang endorsement na Philosophy by Mikaela, kung saan kasama niya bilang endrosers sina Ruffa Gutierrez at Pops Fernandez, kagabi, February 12, sa Imperial Palace Suites, Timog Avenue, Quezon city.

Bukod sa pagka-late nito, halatang-halata ang halos namumugtong mga mata at sobrang pamumula ng katawan ng sexy comedienne. Kaya naman nang matapos ang Q&A, agad na nilapitan ng entertainment press si Rufa Mae.

Hindi naman ikinaila ni P-chi, popular na pangalan ni Rufa Mae sa showbiz, na umiyak siya bago siya pumunta sa press conference. "Well, siyempre, tao lang din, di ba? Lalo na ngayon magba-Valentine's Day. Buti na lang I have a Valentine show at the Manila Hotel," nakangiting sabi ni Rufa Mae.

Gayunman, hindi niya masabi kung sino ang naging dahilan ng kanyang pag-iyak. Pero siniguro nito na: "I think sa puso. Kasi, di ba, I have to be honest, hindi naman madaling mag-isa. Pero, I'm good naman being alone."

Aminado ang dalaga na maaring dinapuan lamang siya ng tinatawag na "Valentine blues."

"I'm sure naiintindihan ng iba 'yan, di ba?" sambit ni Rufa Mae. "Kasi, tuwing magba-Valentine's, siyempre kapag may okasyon, nagiging sensitive ka. But at the end of the day, lilipas din naman ang mga araw, so asikasuhin ang work na lang."

Nasanay na rin diumano ang sexy comedienne na mag-isang magdiwang sa Araw ng mga Puso.

"Actually, hindi naman ako sensitive, e," sabi niya. "Sanay naman ako na tuwing Valentine na nagsho-show lang ako. Happy din ako na sumasaya din naman yung mga [nanonood], napupuno din naman yung venue, so happy ako na may kasama ako tuwing Valentine's Day."

Dagdag niya, "I'm used to it na. Mahigit isang taon na rin na single and sanay na rin ako. Baka nga hindi ko na alam ang feeling, alam mo 'yon? So, I'm okay, bangs lang ang katapat niyan! At kung gusto kong humaba ang hair ko, kahit walang guy, magpapa-hair extension na lang ako!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IS IT BECAUSE OF JON AVILA? Patuloy na kinulit ng press kung ano ang naging dahilan ng kanyang pagluha. Ngunit naging matigas si Rufa Mae at hindi siya talaga nagbigay na anumang impormasyon.

Sa pangungulit, isang reporter ang nagtanong kung dahil daw ba ito kay Jon Avila, isa sa mga naging leading men niya sa pinakahuli niyang pelikula na Status: Single. Matatandaan na naging bukas si Jon noon sa kanyang paghanga sa Kapuso star.

"Hindi. Bakit ako iiyak sa kanya? Kaibigan ko siya, e. Rerespetuhin ko siya," maiksing sagot ni Rufa Mae. Sabay sabing, "I hope you understand guys. Kailangan ba on TV pa ako maiyak?"

Iniiwasan na rin daw ni Rufa Mae ang masyadong maging bukas sa kanyang mga romantic relationship.

Aniya, "Siguro dumating na ako sa time na baka akalain nila na 'yong private moments ko sine-share ko na lahat, alam mo 'yon? Baka matakot naman sa akin ang mga guys. So, being single, kailangan may part na discreet muna in the meantime. 'Yong lovelife ko, darating din 'yan."

Sa huling pangungulit ng media, tinanong si Rufa Mae kung hindi ba talaga niya puwedeng ibahagi ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

"Kung sa kanya nga hindi ko nai-share, e," nakangiting sagot niya. "Kung may ise-share man ako, unang tao, sa kanya muna. E, since hindi ko naman na-share, inangkin ko na lang. Hindi niya alam [na iniyakan ko siya]. At kung sino man siya, wala akong sinasabi."

Kahit walang date, muling sinabi ni Rufa Mae na masaya na rin siya at magkakaroon siya ng show bukas, February 14, sa Manila Hotel kasama sina Ai-Ai delas Alas at Rico J. Puno.

Sa susunod na linggo naman ay lilipad patungong States si Rufa Mae para sa kanyang US Tour. Mananatili siya roon hanggang sa buwan ng Marso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN