Jennica Garcia admits problem in her relationship with Mart Escudero

"Tungkol po sa sinasabing may anak na siya, ako na po ang nagsasabi na wala pong katotohanan 'yon, wala po siyang anak. Kung anuman po ang dahilan ng problema namin, hindi po 'yon tungkol doon, pero ibalato na lang ninyo sa akin, sa amin na lang po 'yon ni Mart," says Jennica Garcia about boyfriend Mart Escudero.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jennica Garcia sa pocket presscon na ibinigay ng GMA-7 para sa kanila ni Dennis Trillo kaugnay ng Gagambino kahapon, February 12, sa Icings Coffee Shop sa Sct. Lozano, Quezon City.

Naitanong kay Jennica kung ano ang gagawin niya bukas, Valentine's Day, February 14. Balita kasing nagkakalabuan na sila ng boyfriend niyang si Mart Escudero. Nabalita pa ngang nag-break sila dahil nalaman ni Jennica na may anak na raw ang boyfriend niya at siya pa raw ang nilapitan ng babae na sabi'y ina ng anak ni Mart.

Halatang nahirapang sumagot agad si Jennica. Pero aniya, "Sa ngayon po, may problem kami ni Mart, but I'm moving on. Pinag-uusapan po namin ang problemang 'yon at kung anuman po ang maging outcome, sana maging friends pa rin kami.

"Tungkol po sa sinasabing may anak na siya, ako na po ang nagsasabi na wala pong katotohanan 'yon, wala po siyang anak," diin ni Jennica. "Kung anuman po ang dahilan ng problema namin, hindi po 'yon tungkol doon, pero ibalato na lang ninyo sa akin, sa amin na lang po 'yon ni Mart.

"Saka wala naman po akong negative na masasabi tungkol kay Mart. Naging mabait po siya at mabuting boyfriend sa akin. Kaya nasasaktan po ako sa mga maling balita na ibinabato sa kanya. Mas marami po kaming magandang pinagsamahan sa more than one year na naging kami, kaya sana po ay matigil na rin ang maling balita sa kanya."

Bakit matagal na ang issue tungkol sa breakup nila, pero hindi siya nagsasalita at side lamang ni Mart ang naririnig ng entertainment press?

"Hindi po kasi alam ng mama ko at papa ko [Jigo Garcia] ang nangyayari," paliwanag ni Jennica. "Baka po magulat sila kung basta ako magsasalita. Gusto ko po, sa akin manggaling ang balita. Si Mama, alam na po niya. Pero hindi na rin po siya nagsasalita dahil na-explain ko naman sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Papa, hindi pa po niya alam. Noong dinalaw niya ako at ng mga kapatid ko sa taping ng Gagambino, maghapon sila doon, pero hindi kami nakapag-usap ni Papa dahil sunud-sunod din ang take ko. At parang hindi naman 'yon ang proper place para pag-usapan namin 'yon. Dadalawin ko na lang po siya one of these days dahil tapos na nga kami ng taping ng Gagambino."

TRABAHO LANG, WALANG PERSONALAN. Kung wala na sila ni Mart, paano kung may bago siyang project pagkatapos ng Gagambino at si Mart pa rin ang makakatambal niya?

"Wala pong problema sa akin, buong-puso ko po 'yong tatanggapin," nakangiting sagot ni Jennica. "Kasi mas okey po sa akin kung siya pa rin ang makakatambal ko. Mas magiging panatag at comfortable ako, kasi nga may matagal na rin kaming pinagsamahan."

Bukod sa Gagambino ay magkasama rin sina Jennica at Mart sa "Bulong ng Puso" episode ng Dear Friend, ang Sunday drama anthology hosted by Marvin Agustin and Jolina Magdangal.

"Hindi po namin hinahayaan na makagulo sa trabaho namin ang personal na nangyayari sa amin," paniniguro ng anak ni Jean Garcia. "Tulad po ng nasabi ko na, mas comfortable po ako na siya ang kasama ko."

FRUIT OF HER LABOR. On a lighter note, tinanong ng PEP kay Jennica kung ano ang nabili na niya mula sa talent fee niya sa Gagambino na inabot din ng 18 weeks.

"Nakabili po ako ng sarili kong car, a white Grandia," sagot niya. "Aalis po ako sa February 28 for a week's vacation sa Thailand with my best friend, Yvonne. Sarili ko pong gastos 'yon. Pagbalik ko rito sa first week of March, magbu-Boracay naman po kami nina Nadine [Samonte], Isabel [Oli], and Glaiza [de Castro]. Matagal na naming plano 'yon at gagawin na namin since tapos na ang Gagambino."

Sina Nadine, Isabel, at Glaiza rin ang kasama ni Jennica sa post-Valentine date nila. Manonood daw sila ng Valentine concert ng Side A, MYMP at Freestyle, Love 2 Love 2 Love sa Araneta Coliseum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At 18, Jennica stands 5'6". Wala ba siyang balak sumali sa Bb. Pilipinas?

"Naku, hayaan na lang po natin 'yon kay Rich [Asuncion, fellow GMA-7 talent]. Hindi ko po kayang maglakad sa harap ng mga tao na naka-two-piece swimsuit," sabi ni Jennica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN