JC de Vera reportedly transferring to ABS-CBN

"I have no idea sa plano ni Tita Annabelle [Rama, his manager] dahil sa March pa mag-i-end ang contract ko sa GMA-7. Personally, ayokong lumipat. Para sa akin, dito ako nakilala at ayokong hindi maging loyal sa GMA-7. Sila ang nag-buildup sa akin at ayokong ibang network ang makinabang sa pagbi-buildup sa akin," says JC de Vera about blind-item reports that he will be transferring to ABS-CBN


Unang lumabas na blind item ang balita tungkol sa isang Kapuso actor na lilipat diumano sa ABS-CBN. Isasama raw ang aktor na ito sa isang big project ng Kapamilya network at makakatambal ang isa sa prized talents ng ABS-CBN. Hihintayin lang daw na mag-expire ang kontrata nito sa March.

Ngayong araw ay pinangalanan na si JC de Vera ang GMA-7 talent na magiging Kapamilya na raw. Isa raw siya sa magiging leading men ni Judy Ann Santos sa nurserye nitong Habang May Buhay. Plano rin daw ipareha si JC kay Shaina Magdayao kung nasa ABS-CBN na ang aktor.

Kung totoong may Shaina project pa si JC after Habang May Buhay, posibleng hindi lang siya hihiramin para itambal kay Judy Ann kundi tuluy-tuloy na ang paglipat niya sa ABS-CBN. Baka ipareha rin siya kina Bea Alonzo, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Sarah Geronimo, at iba pang kaedad niyang female stars ng Kapamilya network.

Bago pa pumutok ang balitang lilipat siya sa ABS-CBN, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JC sa last interview sa kanila ni Rhian Ramos para sa nagtapos na nilang primetime series na Lalola. Tinanong namin siya kung totoong aalis siya sa GMA-7 at lilipat sa ABS-CBN.

Aniya, "I have no idea sa plano ni Tita Annabelle [Rama, his manager] dahil sa March pa mag-i-end ang contract ko sa GMA-7. Personally, ayokong lumipat. Para sa akin, dito ako nakilala at ayokong hindi maging loyal sa GMA-7. Sila ang nag-buildup sa akin at ayokong ibang network ang makinabang sa pagbi-buildup sa akin," sabi ni JC.

At the same time, binanggit ni JC na nakadepende pa rin sa kanyang manager ang mga susunod niyang desisyon dahil nirerespeto niya ito.

"Anuman ang maging desisyon ni Tita Annabelle, rerespetuhin ko. May work pa naman yata ako kahit ilipat ako," dagdag na pahayag ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si JC kung may say ang artistang gaya niya sa magiging desisyon ng kanyang manager. Halimbawang hindi siya pumayag, susundin ba siya ni Annabelle?

"Lagi akong may say pagdating sa career ko," sagot niya. "Pero 'pag alam kong makakatulong sa career ko, hindi na ako kumukontra. Mas may experience si Tita Annabelle kesa sa akin at siya na ang bahala sa akin."

Pero sabi ni JC, hintayin na lang daw ang March sa kanyang magiging desisyon.

At press time, wala pang balita kung ano ang next project ni JC pagkatapos ng Lalola. Malabong sila uli ang pagtambalin ni Rhian dahil leading lady ni Richard Gutierrez ang young actress sa Zorro. Akala pa namin ay tama ang narinig namin na sina JC at Rhian ang pagtatambalin sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Coffee Prince dahil yun ang kumalat na balita sa GMA Network.

Tinanong din ng PEP si JC kung kaya na niya ang ginagawa ni Dingdong Dantes sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Bukod kasi sa kissing scenes ay may love scenes din si Dingdong sa primetime series nila ni Marian Rivera.

"Siguro makakaya ko, pero hindi pa ngayon," sagot niya. "Hindi ko pa kayang gawin yun dahil bata pa ako. Kung isasabak ako sa mga ganung role, hindi ako natatakot sa backlash, trabaho yun. Pero may tamang panahon at right project para gawin ko yun," pahayag ni JC, who will trun 23 on March 10.

Valentine's Day na bukas. Kung tuloy pa rin ang balak ni JC, yayayain niyang lumabas si Rhian at kakain sila na favorite nilang gawin.

Hindi raw siya nagse-celebrate ng Valentine's Day. This year lang yata siya magse-celebrate with his favorite leading lady, na kanyang iiwan 'pag natuloy siyang lumipat sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN