Sock it to me, says Dingdong Dantes on recent flak hurled at Marian Rivera

Dingdong Dantes stands by his leading lady Marian Rivera in Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. He said he does not believe all the bad news about Marian and that with Marian, "what you see is what you'll get."


Sa pagsisimula pa lang ng teleseryeng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, may ilan nang nagkomento at pumuna na sobrang sexy at daring daw ng nasabing teleserye, at dapat ay sa mas late na timeslot ang nasabing soap opera.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong Dantes recently ay agad namin siyang hiningan ng reaksyon tungkol dito.

Mahabang paliwanag ni Dingdong: "Maganda naman kasi na iba naman ang ginagawa namin, compared sa mga ginagawa namin dati. As actors or actresses, dapat may bago naman kaming inihahain sa audience.

"With regards sa klase ng istorya at [approach] , I believe naman it's still something acceptable sa ating mga viewers, especially, sa mga ganung oras. Kung anuman ang nakikita nila before, siyempre it's part of the story, yun ang establishment ng pagmamahalan ng dalawang characters, pero siyempre, as it goes, mawawala yun.

"Kumbaga yun ang simula ng mas maganda pang mga kaganapan sa mga susunod pang kabanata. Like what I've said, it gets more exciting. Di naman puro yun lang ang laman nun, it's the heart of the story that is most important.

"Saka, so far wala pa naman kaming natatanggap na reklamo, wala naman akong natatanggap na ganun. Like I've said, I believe in the project and the heart of it is a very good love story."

RATINGS WAR. Mahigpit ang labanan pagdating sa ratings. May mga panahon na nakakaungos ang katapat nilang programa at may panahon na sila naman. Tuloy may mga pagdududa na sa parehong ratings company (AGB Nielsen at TNS Media Survey) na nagbibigay ng impormasyon kung aling show ang mas marami ang nanood at kung anong show ang di masyadong tinangkilik.

Nagbigay ng kanyang reaksyon ang aktor hinggil sa pagdududa ng ilan sa mga figures and statistics ng dalawang research and survey companies.

"Iisa lang naman ang source niyan and I believe, of course, kung ano ang natatanggap namin. Ever since naman yun ang naging basehan magmula noon, so, yun ang pinaniniwalaan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre di mo naman puwedeng ipagkaila na importanteng bagay ang ratings, pero bukod dun, importante rin yung fulfillment namin as actors, kung maganda talaga para sa amin yung istorya."

LOLIT AS PR TO MARIAN. PR ni Dong si Lolit Solis at ngayon ay kinuha na ring PR ni Marian ang beteranong showbiz reporter-TV host-talent manager. Sinasabing si Dingdong daw ang nagmungkahi kina Marian na ito ang kunin bilang PR. Marami tuloy ang nagtatanong kung bunsod kaya ng pagrerekomendang ito ni Dong kay Lolit kina Marian ay dahil naaalarma na rin siya sa mga negatibong publisidad na lumalabas tungkol sa kapareha.

"Siyempre desisyon pa rin 'yan ni Marian at ng manager niya. At the end of the day, manager pa rin niya ang masusunod. Yung mga bagay na ganyan, di na namin pinag-uusapan, ayaw na naming ilagay sa balikat namin, kasi siyempre nagtatrabaho kami. Gusto naming magdesisyon ang mga dapat magdesisyon.

"Saka even before naman, since na kay Nay Lolit na ako, we protect each other when it comes to things like that. Kumbaga kung may mga di tamang nasasabi at kung may pagkakataon ako, nililinaw ko rin.

"Epekto sa love team [ng negatibong publisidad]? Hindi... kasi di naman ako naniniwala na may mga negative publicities sa kanya at wala akong naririnig. Kung mayroon man, misinterpretation and something na kailangan lang klaruhin.

"Si Marian kasi, what you see is what you'll get at yun ang nagustuhan sa kanya ng tao. Kung ano siya nung nakilala siya, ganun pa rin siya, di siya nagbabago, so walang dapat baguhin."

Nabanggit na rin lang ang mga negatibong publisidad kay Marian, kamakailan ay may lumabas na isyu na inisnab daw at hindi nagpabeso si Marian kay Sam Milby sa isang event last December. May pinuntahan din daw na event ang aktres na nagsalita raw ito na dapat ay lumapit sa kanya ang nag-invite dahil dapat daw ay magpasalamat ito na pumunta siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IN DEFENSE OF MARIAN. Dinepensahan naman agad ni Dingdong ang kapareha tungkol sa mga nabanggit na negatibong isyu laban kay Marian.

"Kung may nangyari mang ganyan, di ako naniniwala kasi si Marian, kung may nakikita siyang alam niyang kasama niya sa industriya, talagang magalang at bumabati siya.

"Siyempre ang istorya pag pinasa-pasa na, nag-iiba na 'yan, e. Sinuman ang nagsabi nun, ikuwento niya sa akin para malaman ko yung totoo, 'tapos aalamin ko yung totoo talaga. Kung ano ang talagang nangyari bago ako mag-comment."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN