Iwa Moto wants to bring ailing dad to Manila

"Sabi ko nga sa kanya, tutal medyo wala namang nag-aalaga sa kanya doon. Sabi ko sa kanya, para mas maalagaan siya at saka mabigyan talaga siya ng suporta, dito na lang siya. E, hindi na siya pinapayagan ng ospital na lumabas. Wala na po akong balita sa family niya [sa Japan]. As far as I know, naghiwalay po sila ng asawa niya dahil po iniwanan na siya," Iwa Moto says about her father Hiroaki Iwamoto.


Umaasa pa rin si Iwa Moto na gagaling pa ang kanyang Japanese father, na si Hiroaki Iwamoto, na nakaratay pa rin sa isang ospital sa Japan sanhi ng sakit nitong liver cancer.

"He's still in the hospital. Pero I think he's doing great kasi ano, e, medyo tumatawa siya 'tapos tumatawag na siya sa phone. At saka hindi na siya yung madalas in pain. So, hopefully sana may pag-asa pa," pahayag ni Iwa sa interview sa kanya ng Startalk na ipinalabas kahapon, February 14.

Balak sana ni Iwa na muling dalawin ang ama sa Japan. Nauna na niya itong dinalaw sa bansa nito last year kung saan nailabas si Hiroaki mula sa kulungan at dinala sa ospital.

"Kasi yung sister ko, she's going to Japan this March. Hopefully po makasunod ako."

Pero ang talagang nais ni Iwa ay ang maiuwi ang ama sa Pilipinas.

"Bawal daw, e. Actually, yun nga ang plano namin. Sabi ko nga sa kanya, tutal medyo wala namang nag-aalaga sa kanya doon. Sabi ko sa kanya, para mas maalagaan siya at saka mabigyan talaga siya ng suporta, dito na lang siya. E, hindi na siya pinapayagan ng ospital na lumabas. Wala na po akong balita sa family niya [sa Japan]. As far as I know, naghiwalay po sila ng asawa niya dahil po iniwanan na siya," paglalahad pa ni Iwa.

Kung sakali mang matupad ang pangarap ni Iwa na maiuwi ang ama, siya na raw mismo ang mag-aalaga at sasagot sa lahat ng pangangailangan nito.

"Kahit naman masama yung loob namin ng kapatid ko sa kanya dahil nga hindi namin siya nakasama, he's still our dad. And whatever happens mahal pa rin namin siya."

HAPPY LOVELIFE. Bagama't may bahid ng lungkot tungkol sa pinagdadaanan ng kanyang ama, happy naman si Iwa Moto sa kanyang lovelife kaya masaya rin niyang ipinagdiwang ang Valentine's Day kahapon. Going strong pa rin ang kanilang relasyon ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Mickey Ablan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mickey na ba ang kanyang huling pag-ibig?

"I'm happy with him and, hopefully, sana siya na, di ba? Lahat naman ng mga tao kapag na-in love they want na yun na ang last. Pero kung hindi man, magiging happy pa rin ako, lalo na ngayon marami akong work," positibong sagot ni Iwa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN