Gagambino stars clear issues hounding them

Gagambino stars Dennis Trillo, Katrina Halili, Nadine Samonte, Isabel Oli, Polo Ravales, Krissa Mae Arieta and Benjie Paras answer questions regarding the issues about them.


Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng GMA telefantasya na Gagambino sa Pebrero 20, matapang na hinarap ng mga stars nito ang mga intrigang kinasasangkutan nila sa kanilang live guesting sa Startalk kahapon, February 14.

Sa interview ng mga hosts ng Startalk na sina Joey de Leon, Lolit Solis, Butch Francisco at Ricky Lo, isa-isang sinagot nina Dennis Trillo, Katrina Halili, Nadine Samonte, Isabel Oli, Glaiza de Castro, Polo Ravales, Krissa Mae Arieta at Benjie Paras ang mga isyung ibinabato sa kanila.

DENNIS STILL HOPES TO WORK WITH HEART. Una nang naibalita dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi na nga matutuloy ang pagsasamahan sanang project nina Dennis Trillo at Heart Evangelista, ang Sine Novela Presents Muling Buksan Ang Puso (click here for related story). At muli nga itong kinumpirma ni Dennis sa Startalk.

Disappointed nga ba siya? Bakit hindi na matutuloy?

"Hindi ko pa alam talaga kung matutuloy siya o hindi. Pero kung matuloy man o hindi, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na makatrabaho siya. Kung hindi matuloy, siguro hindi pa oras. Kung matuloy, e, di mas okey. Nandito lang naman kami sa GMA, e, imposibleng hindi kami makagawa ng project together," pahayag ni Dennis.

Very vocal si Dennis sa pagsasabing crush niya si Heart. Puwede niya kayang ligawan si Heart?

"Well, siyempre alam nating napakaganda niya, talented. Halos lahat humahanga sa kanya. Isa lang ako sa mga honest na nagsasabing humahanga talaga ako. Yung posibilidad, siyempre maraming posiblidad. Pero ayoko namang madaliin na kahit ano. Pero kung posibilidad ang pag-uusapan, hindi malabo syempre."

Gumawa na ba siya ng first step? Nagpadala na ba siya ng flowers, lalo na birthday ni Heart kahapon, February 14?

"Oo nga birthday niya at saka Happy Valentine's Day. Yung sa question, wala pa, e. Kasi bihira pa yung magkasama kami ng matagal talaga. Sa SOP, bihira naman kaming mag-usap. At saka natatameme ako kapag nakikita ko siya, e. Naii-starstruck ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natanong din kung gaano sila kadalas magkita ng anak niyang si Calix.

"Madalas, kapag pumupunta ako sa house nila. Or kapag palipat ako ng location, tapos may matagal na time in between, yun dadalaw ako. Mas madalas kaysa dati.

Nandun ba ang nanay ni Calix na si Carlene Aguilar, kapag dumadalaw siya?

"Minsan nandun. Minsan mga lolo't lola niya lang."

Baka naman si Carlene talaga ang dinadalaw niya at hindi si Calix?

"Hindi naman. Kapag pumupunta ako doon madalas wala si Carlene."

Sa huli, nagpasalamat naman si Dennis sa top rating ng Gagambino, mula sa simula hanggang sa pagwawakas daw sana.

"Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng sumuporta mula simula hanggang sa matapos ang Gagambino. Sana po subaybayan nyo ang huling linggo ng Gagambino."

KATRINA'S NEW DRAMA PROJECT. After ng Gagambino, balik-drama na naman si Katrina Halili sa kanyang next project sa GMA-7, ang 8-week episode ng Dear Friend, hosted by Jolina Magdangal and Marvin Agustin.

Ano ba ang mas challenging sa kanya, ang action fantasy na tulad ng Gagambino o isang drama series?

"Actually, pareho naman po silang mahirap. Mahirap po yung mga fight scenes. Pero, siyempre, iba rin po yung sa acting para mahasa ka sa drama. Mas mabigat sa dibdib. Na-miss ko na yung acting sa Magdusa Ka, ngayon Dear Friend naman," paliwanag ni Katrina.

Ibinalita ng Startalk na naghahanap pa ng magiging leading man ni Katrina para nga sa Dear Friend. Pero matapang na sinabi ni Manay Lolit na dapat si Alfred Vargas ang maging leading man ng seksing aktres. Kung hindi raw si Alfred ay hindi raw matutuloy ang project.

Okay ba kay Katrina si Alfred na maging leading man?

"Opo naman, nagkasama na po kami ni Alfred before sa movie na Gigil."

Sinasabing kasama rin daw sa pinagpipilian na maging leading man niya ang Survivor Philippines castaway na si John Lopez, na nali-link ngayon kay Rochelle Pangilinan ng Sexbomb. Okey din ba sa kanya si John?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman pong problema doon. Syempre ang GMA naman po ang bahala. Sila naman ang magde-decide."

Magkakasama raw kayo ni Yasmien Kurdi sa Dear Friend, wala kayang mangyaring patalbugan sa inyong dalawa?

"Wala po. Magkaibigan po kami ni Yasmien. Excited po akong makatrabaho siya. First time ko po siya makatrabaho ulit after four years. Joyride ko pa siya nakasama, e. Excited na ako."

How about yung movie project niyang Miss X na isu-shoot pa raw sa Amsterdam, tuloy pa ba ito?

"Tuloy pa po. Nakausap po ng manager ko si Boss Orly [Ilacad of OctoArts Films]. Inaayos pa po yung script at saka yung schedule. Pero matutuloy po."

Naitanong din kay Katrina kung kumusta na siya after ng kinasangkutan niyang kontrobersiya sa hiwalayang Vicki Belo at Hayden Kho?

"Okey naman ako. Tuluy-tuloy pa rin ang trabaho ko. Hinarap ko naman po ng maayos yung isyu na yun. So, sana matapos na...tapos na pala."

Wala ba siyang balita tungkol sa dalawa?

"Busy po kasi ako sa taping, e."

Nang matanong naman si Katrina tungkol sa kanyang boyfriend na si Kris Lawrence ay ngumiti lang ang dalaga at iniba na ang usapan.

NADINE DENIES WEDDING WITH NON-SHOWBIZ BF. May bali-balita na ikakasal na raw si Nadine Samonte sa kanyang non-showbiz boyfriend this year. Gaano ito katotoo?

"Grabe naman yun. Wala, wala pa. Wala pang plans and if ever naman, siguro hindi pa ngayon iyon," paglilinaw ni Nadine.

How about next year?

"Hindi pa. Hindi pa puwede. Marami pang work."

Kahit may boyfriend na si Nadine, bali-balita pa rin ang pagkakaroon daw ng crush ni Hero Angeles sa kanya. Anong reaction niya dun?

"Okey lang. A, ganun. Thanks, thank you. Parang ganun. Yun lang, kasi hindi ko naman siya kilala personally, e. Hindi pa kami nagkakasama sa isang trabaho, so, wala akong ma-comment e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero flattering?

"Oo naman, siyempre."

Matutuwa ba si "Non-showbiz Boyfriend?"

"Hindi ko alam. Nung nalalaman-laman naman niya iyon, parang wala lang. Parang okey lang sa kanya."

So, alam niya?

"Oo, alam niya. Wala naman akong itinatago sa kanya."

ISABEL IS LOVELESS BUT HAPPY. After her breakup with Paolo Contis, na ngayon ay boyfriend na ni EB Babe Lian Paz, wala pang bagong lalaking nagpapatibok sa puso ni Isabel Oli sa ngayon. Ano ang pakiramdam ng loveless on Valentine's Day?

"Happy ako. Okey naman. Eto nagpo-promote ng Gagambino. May trabaho mamaya," sambit ni Isabel.

Nami-miss ba niya ang ex-boyfriend niyang si Paolo Contis ngayong Valentine's?

"Siyempre, three years din kami. Pero ngayon kasi okey na okey ako, e. Happy lang talaga ako ngayon."

May intriga na hindi raw nagugustuhan ni Paolo ang pagbisita ni Isabel sa bahay nito. Ano'ng reaksyon niya rito?

"Actually, noong nagpunta ako sa bahay nila, kinuha ko lang yung dog ko. Yun lang yun and yung mommy niya at saka ako, hindi namin pinag-usapan si Pao talaga."

Pero wala na ba talaga siyang feelings para kay Paolo?

"Basta he'll always be special to me."

Kapag sinasabing naka-move on na ay may ipinalit ka na. Totoo bang may manliligaw si Isabel na isang basketball player at nagde-date na raw sila?

"May kaibigan ako. I'm not dating one right now. I go out lang. No dating muna."

Noong ibinalik ni Isabel yung singsing kay Paolo, iyon na ba ang huli nilang pagkikita?

"Actually, noong ibinalik ko yung singsing, nasa cool off stage kami noon, e. Matagal na yun."

So, ibig sabihin nagkasolian na bago pa naging sina Paolo at ang bagong girlfriend nitong si Lian Paz?

"Yes."

GLAIZA MEETS JENNYLYN. Mainit na pinag-uusapan ang pagkaka-link ngayon ni Glaiza de Castro kay Patrick Garcia, na dating karelasyon ni Jennylyn Mercado. Ano ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Patrick Garcia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Friendship, yun lang," sagot ni Glaiza.

Ngayong Valentine's, ano ang lakad nila?

"Wala."

Nag-text ba siya ng Valentine greeting?

"Bumati naman, oo."

Meron bang gift?

"Wala."

Glaiza was asked kung saan ang punta niya after her interview in Startalk.

"SOP rehearsal. And meron kaming fellowship sa church later."

Kasama sa fellowship si Patrick?

"Hindi. Churchmates ko lang."

Kapag sinasabing Patrick, kakabit noon ang pangalang Jennylyn Mercado. Kahapon nga ay nagkita sa dressing room sina Glaiza at Jennylyn. Si Glaiza kasi ay para mag-promote ng pagtatapos ng Gagambino, habang si Jennylyn naman ay para mag-promote ng Sine Novela Presents Paano Ba Ang Mangarap with Mark Herras. So, ano ang nangyari sa pagkikita nilang dalawa?

"Nagbatian kami. Ano ba ang dapat mangyari? Nag-usap kami ng konti. Nagkumustahan."

Ano ang pinag-usapan nila?

"Yung buhok ko. Nagpagupit kasi ako kamakailan lang."

Totoong hindi raw siya tumabi sa upuan ni Jen?

"Hindi, may kausap kasi ako."

Pero may tension ba?

"Wala."

Ikaw ba dapat may ibusina o ipaalam kay Jennylyn sa puntong ito about Patrick?

"Wala, walang ganun."

POLO AND KRISSA MAE HOPE TO BE FRIENDS AGAIN. After mabalitang nagkakamabutihan sila last year, kaagad ding nabalita ang pagkakagalit nina Polo Ravales at Krissa Mae Arieta.

Galit pa ba si Krissa Mae kay Polo?

"I've moved on, like I said sa mga interviews. So, there's no reason to be mad. Just looking forward to a happier, brighter future," ani Krissa Mae.

Ano na ang pakiramdam ni Polo kay Krissa Mae?

"Siyempre, new year na ngayon. Gusto ko nang kalimutan yung mga nangyari last year lalo na sa akin," sabi ni Polo.

Gusto pa rin bang maging kaibigan ni Krissa Mae si Polo?

"Hindi po ako plastic, ha. I would like us to be okay eventually. Pero ang hirap kasi talaga dito sa showbiz, nape-pressure. Minamadali, di ba? With time, and with respect to Polo din, I'm sure we'll be friends din. Because at one point, we were very close. There was just some mishaps that happened. We're fine and hopefully we become friends again."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi ni Polo tungkol dito?

"Time lang naman talaga ang makakabalik nung friendship, e. Pero we're okay. Ngayon kasi magkasama naman kami sa Gagambino."

Sa huli, nagbatian pa ang dalawa ng Happy Valentine's Day at nagyakap.

BENJIE'S NEW INSPIRATION. May bagong inspirasyon daw ngayon si Benjie Paras sa katauhan ni Railey, ang bagong baby ng kanyang second wife. Ano ang feeling na brand new father ulit siya ngayon?

"Eto, nag-a-adjust ulit. Pero ngayon medyo okey na. Kasi noong una yung baby siyempre kapag umiyak gising ka lagi. Pero nandun naman yung wife ko. Siya halos yung gumagawa. Sa umaga lang kapag may time, kinukuha ko yung baby. Palitan kami," masayang wika ni Benjie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN