Aljur Abrenica will miss his tikbalang costume after Luna Mystika ends

Aljur Abrenica says he has no problem if gays find him sexy in his tikbalang costume. "Okey lang, okey lang sa akin, at the same time natutuwa ako kasi may napapasaya ako na mga tao."


Nalalapit na rin ang pagtatapos ng Luna Mystika kaya tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aljur Abrenica kung sino ba ang mami-miss niya kapag wala na ang show.

"Si Heart [Evangelista], sina Luis Alandy, si Marky Lopez at Jade Lopez. Lalung-lalo na yung mga staff, sina Ms. H [Helen Sese, the show's executive producer] lahat sila, mami-miss ko din.

"Mami-miss ko rin yung tikbalang costume ko."

Inamin ni Aljur na sa umpisa, nailang siya sa kanyang costume.

"Nailang ako at first. Nag-topless na ako dati pero minsan-minsan lang, dito sa Luna Mystika, palagi, sa buong show nakahubad po ako."

Aware ba si Aljur na pinagpantasyahan siya dahil sa costume niya, lalo na ng mga bading?

"Aware po ako, siyempre natutuwa din po ako kasi may nag-admire sa akin."

Admiration na may malisya.

"Okey lang, okey lang sa akin, at the same time natutuwa ako kasi may napapasaya ako na mga tao."

PROUD BRO. Very protective and proud kuya pala si Aljur.

Ang younger brother niya kasing si Avin ay guwapo rin at hunk na tulad ni Aljur, kaya naman may mga offers rin kay Avin na mag-artista.

Pero sa ngayon, mismong si Aljur ang may ayaw na mag-showbiz ang kanyang kapatid dahil mas gusto ni Aljur (at maging ni Avin mismo) na i-prioritize ang pag-aaral nito ng first year sa kursong nursing sa Angeles University Foundation.

Pero paano kung dumating ang punto na kahit ayaw ni Aljur ay gusto na talaga ni Avin na mag-artista?

"Matalino yung kapatid ko, hindi niya iisipin yun kasi alam naman niya yung patakaran," bungad na pahayag ni Aljur nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Paano kung gusto ng kapatid niya na kumita ng pera?

"Kaya naman niyang kumita nun. Nagmu-model-model naman siya na hindi nakakaapekto sa pag-aaral niya.

"At kaya ko naman siya bigyan ng pera, basta nandito lang ako 'tsaka alam ko na hindi niya ako susuwayin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May usapan na kami, sabi niya, 'Sige, kuya, sa 'yo 'yan [ang pag-aartista], ako muna yung mag-aaral.' Na kapag nakatapos na siya, dun na lang niya isipin ang showbiz," pahayag pa ni Aljur sa PEP.

Very proud si Aljur sa academic achievement ni Avin.

"Sa buong batch nila sa school, siya ang top sa lalaki sa nursing, pangatlo siya, babae yung first and second. Sobrang daming estudyante dun kaya proud na proud talaga ako sa kanya.

"Ever since nung maliit pa kami, elementary pa lang kami, gifted na siya, siya yung taong hindi nag-aaral ng leksyon, papasok lang 'tapos pag-uwi naglalaro, pero paglabas ng result ng exams, ang tataas. Ang galing!

"Bibilib ka talaga. One of a kind ang kapatid ko. Siya, gifted siya sa memorization," may pagmamalaking kuwento pa ni Aljur about Avin.

E, sino ang mas guwapo sa kanilang dalawa?

"Siyempre, iba-iba kasi taste nila, e. May nagsasabi na ako, may nagsasabi na siya. Kaya sa akin, ano naman, sa akin no big deal kung sino ang mas guwapo.

"Pareho kami," natatawang saad pa ni Aljur.

Pero mas matangkad si Avin at 5'10" at si Aljur naman ay may height na 5'8". At mas hunky si Avin.

"Mas malaki ang katawan niya sa 'kin. Pero hindi siya nagdyi-gym, pero maganda ang katawan niya.

"Never siyang nag-gym, sa sarili lang, push-ups at sit-ups lang siya sa bahay. Ako kasi nagdyi-gym na, maliit kasi ang build ko, yung brother ko, malaki yung build niya kaya kahit mag-ano lang, mga simpleng work-out lang, bumibilog siya.

"Build na talaga niya yun, nagmana siya sa dad ko."

"Kapag may kumukuha [kay Avin], ako ang kinakausap, kung puwede, sige go po agad, basta puwede sa schedule, basta Sabado, ayan puwede.

"Kapag may pasok, hindi puwede, araw-araw po siya may pasok, mula Monday hanggang Friday, kaya ayoko po 'pag weekdays hindi puwede. Pero yung Family Feud, Tuesday yun, may pasok siya, pero since minsan lang naman, pinalabas ko siya sa school, pero yung a-absent siya regularly, ayoko. Pero 'pag once in a while lang or once a week, minsan po pumapayag ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi si Aljur ang nagpapaaral sa kapatid niya.

"Dad ko ang nagpapaaral sa kanya, yung kinikita ko po ngayon, sa akin lang yun, may savings ako. Yung gastos ng family namin, dad ko pa rin.

Ang pinakamahal na binili niya from his showbiz earnings ay ang kanyang sasakyan.

"Yung kotse ko, yung Fortuner, pero down pa lang yun hanggang ngayon hinuhulugan ko pa."

PLAYING A GABBY ROLE. After Luna Mystika, bida na sila ni Kris Bernal sa Sine Novela Presents Dapat Ka Bang Mahalin.

Nakakadama ng pressure si Aljur na isang role na dating ginampanan ni Gabby Concepcion ang ipinagkatiwala sa kanya.

"Nakaka-pressure kasi napanood ko na [sa VCD], napakagaling na aktor ni Gabby, kung hindi ko man siya mahigitan, mapantayan ko man lang sana.

"Kaya nakaka-pressure, nakakakaba, nakaka-challenge at siyempre natutuwa ako. Gabby Concepcion yung role, e, 'tapos ipinagkatiwala nila sa akin.

"First na pagbibidahan namin ito ni Kris sa Dramarama sa Hapon, may nerbiyos talaga, pati si Kris, kami pong dalawa ninenerbiyos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN