Hero Angeles on daring roles: "Magtatagal tayo sa usapang trunks!"

"Kung kailangan sa eksena at kung kaya ko, oo. Maganda yun, kasi hindi naman ako puwedeng mag-stick sa isang klase ng character, dapat may variation," answers Hero Angeles when asked if he is open to playing bold roles.


Napapanood sa hapon (Paano Ba Ang Mangarap) at gabi (Luna Mystika) sa GMA-7 si Hero Angeles. Kaya naman thankful siya sa kanyang career.

"Masaya, kasi may afternoon, may primetime, yun nga lang yung Paano... saglit lang, dedbol lang agad," natatawang sabi ni Hero sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kakaiba ang naging experience ni Hero while doing Luna Mystika.

"Actually, nung simula, hindi ko alam kung paano buhayin yung character ko kasi first time kong magka-fantaserye na kontrabida 'tapos medyo ilang pa ako sa costume.

"Ang problema ko, yung costume. Kasi yung costume namin, kalahati open. Ang hirap sa akin, during tapings, kasi kapag hubad, lalo na last year yung mga panahon na sobrang lamig, nalalamigan kaming lahat, kahit yung ibang artista.

"Nagagawan naman ng paraan, nilalagyan ng kapa, so, nako-cover din yung likod. So okey naman.

"Bukod dun, siyempre kailangan kong ibahin yung character ko kasi dapat powerful siya kaya kapag taping, mino-modulate ko yung boses ko. Idea ko lang yun, 'tapos sinabi ko sa kanila, kina Direk, okey naman sa kanila.

"Tsaka dapat hindi kami magmukhang umaarteng tao, iba dapat yung arte namin kesa sa tao, dapat mukha kaming nakakatakot at nakakainis."

Sa pagpapakita ng katawan lang siya nahirapan.

"Actually, nung una ayoko talaga. Nung storycon namin dati pinapakita yung mga costumes, actually yung original niya vest lang tapos naka-pants, e, hindi siya mukhang nakakatakot, so, iniba nila.

"Yung pictorial, iba rin, pinaiba nila kasi hawig sa costumes ng Kamandag. Nung nasa set na kami, bago na ulit. Kagaya ni Mark Herras, ayaw pa niyang ma-expose yung katawan niya.

"Mas lalo ako, hindi ako sanay talaga, pero wala akong magagawa kasi part ito nung character, so paninindigan ko."

Hanggang saan ang kaya ni Hero na pagpapa-sexy?

"Hindi pa muna ngayon, hindi ko pa kaya. Hindi pa ako comfortable.

"Yun ngang sa Paano Ba Ang Mangarap, binabasa ko yung script, may scene na lovemaking namin ni Jennylyn [Mercado]. Ini-imagine ko, 'Paano kaya ito, magtatanggal kaya kami ng damit? Na ang matitira na lang kumot?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ang eksena pa namin, sa tabing-ilog. Naisip ko, malamang wala talaga ito [damit], pero since afternoon soap siya hindi puwede yung ganun ka-intimate na eksena.

"Ginawan na lang nila ng paraan na hanggang sa mga kissing na lang, 'tapos tumatalon na lang yung eksena, parang alternate yung love scene namin ni Jen 'tapos love scene nina Mark at Chynna [Ortaleza]."

INDIE DARING. Paano kung isang indie film na heavy drama na pang-award pero daring ang role, tatanggapin kaya ni Hero?

"Kung kailangan sa eksena at kung kaya ko, oo. Maganda yun, kasi hindi naman ako puwedeng mag-stick sa isang klase ng character, dapat may variation.

"Kung kailangan talaga, at kaya ko, gagawin ko."

How about "exposures" like butt exposure?

"Ah, yun hindi! Hindi ko kaya."

Kung pagsusuotin siya ng trunks o underwear?

"Hindi pa, e, hindi pa talaga. Siguro magtatagal tayo sa usapang trunks! Ha-ha-ha!

"Puwede akong mag-trunks pero hindi pa sa ngayon."

So, anong pagpapaka-daring ang kaya niyang gawin?

"Siguro i-up lang yung level ng maturity ng role, hindi sa paghuhubad. Kasi kung paghuhubad, hindi ko pa talaga kaya.

"Siguro kapag mas okay na ang katawan ko."

PLAYING GAY. Tinanong din ng PEP si Hero kung okey lang din ba sa kanya na gumanap ng gay roles.

"Yung gay roles, okey naman. Before, sa ABS, sa mga workshops namin nung contest pa lang [Star Circle Quest], pinag-portray na kami ng ganun."

E, paano naman kung intimate scenes with another male actor?

"Yun ang hindi ko pa alam, titingnan ko sa script, depende sa script."

Paano kung si Mark Herras ang gaganap na lover niya?

"Baka maging comedy yun, tiyak na magtatawanan kami palagi," tumatawang sinabi pa ni Hero.

Kung siya ang papipiliin ng aktor na makakatrabaho sa isang gay movie, sino kaya ang pipiliin niyang makaeksena?

"Hindi ko masabi, e! Siguro kung... hindi ko masabi, kung sino man yung ibibigay na kaeksena, if ever."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero papayag siya na gumanap sa ganung tema o kuwento?

"Kung sa TV siguro, hindi ko pa kaya."

Pero kung sa movie, gagawin kaya niya?

"Depende sa script, sa istorya," sagot ng former Kapamilya actor.

SHOWBIZ CRUSHES. PEP asked Hero about his showbiz crushes.

"Si Nadine Samonte, nagagandahan ako sa kanya. At sina LJ Reyes at si Iza Calzado," masiglang sagot ni Hero.

Gusto ni Hero na mabigyan ng chance na makatrabaho si Iza.

"Kapag nakikita ko siya, kapag nagge-guest siya sa Walang Tulugan, nagagandahan ako talaga sa kanya. At mahusay siyang artista.

"At yun pa ang ano ko, na gusto kong magkaroon ng parang malalim na story 'tapos gusto ko siyang makatrabaho.

"Dream ko na makatrabaho ko si Iza, na kami ang magkapareha."

Kabilang din daw sa mga crushes niya sa showbiz sina Anne Curtis at Kristine Hermosa. Pero kung papipiliin si Hero kung sino ang ide-date niya among his crushes, sure na sure na sagot ni Hero ang pangalang Nadine Samonte.

"Si Nadine! Kasi hindi ko pa siya nakakausap nang matagal, puro 'hi', 'hello', ganu'n. Na-introduce na kami before, pero hindi na kami ulit nagkita, ang tagal na."

Pero paano ito, may boyfriend na kasi si Nadine?

"Hindi ko naman aim na maging kami. Siguro friends lang, or gusto ko lang siyang makilala. Before kasi napapanood ko siya sa StarStruck, batch 1 sila, napapanood ko sila. Kasi bago mag-start yung SCQ namin, napapanood ko sila, sila nina Jennylyn.

"Naku-cute-an ako sa kanya, 'tapos magaling siyang umarte, puwedeng kontrabida, puwede ding bida. Tapos nag-afternoon soap siya, nag-primetime soap siya, nag-bida na siya.

"Kahit anong genre ng palabas puwede siya, flexible siya. Sobrang ina-admire ko yung mga ganung tao."

WORKING WITH FORMER RIVALS. Being a Star Circle grand questor, ano ang feeling na katrabaho niya ngayon ang mga StarStruck Ultimate Survivors na sina Mark at Jennylyn?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatawa kasi hindi ko talaga ine-expect. Dati kasi nagsayaw kami sa Star Awards, nag-showdown kami at nag-exchange partners pa kami. Nanalo pa kami ni Jen ng Male and Female Face of the Night."

May special production number kasi silang apat noon nina Jennylyn, Mark at Sandara Park sa Star Awards for Movies ng PMPC noong 2005.

At ngayong mas close na siya kina Mark at Jennylyn and the other Kapuso young stars... "Down-to-earth sila, dati kasi hindi ko alam kung paano mino-mold ang StarStruck artists. So hindi ko alam kung paaano makikisalamuha sa kanila.

"Until nung ano...ang una ko kasing nakatrabaho sina Kris [Bernal] at si Aljur [Abrenica] sa Dyesebel. Tapos sumunod kong nakatrabaho si Mark.

"Mabait, mabait sila.Welcome ako sa kanila, never silang nag-ano na 'Ay taga-ano 'yan, huwag nating pansinin!' "Wala silang ganun. Nakakatuwa kasi hindi ko in-imagine na magiging close kami," nakangiting pagtatapos pa ni Hero sa panayam sa kanya ng PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN