Dennis Trillo is in no hurry to endorse men's underwear

"Kailangang composed ka palagi. Yung composure mo, yung disposisyon mo sa buhay, yung mga prinsipyo mo sa buhay, kailangan stable siya. Kasi kailangang matibay na pundasyon yung mga prinsipyo mo sa buhay para maging matatag ka," says Dennis Trillo about weathering the storm.


Sa presscon na ipinatawag ng GMA-7 para sa huling linggo ng telefantasyang Gagambino ay muling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bida ritong si Dennis Trillo.

Natanong namin sa aktor kung kaya rin ba niya ang pagpapaseksing ginawa ng kapwa niya Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa mga pictorial nito para sa Cosmopolitan magazine at Bench.

"Hindi ko pa alam, e," sagot ni Dennis. "Siguro kapag ganun na kaganda ang katawan ko. Hindi kasi ako masyadong nagwu-workout, ngayon pa lang ulit ako nagsisimulang maging fit. Hindi pa naman talaga kailangan, pero siguro balang-araw."

Dati raw ay may mga offer din siya to endorse underwear brands, pero tinanggihan niya dahil pa siya ready. May chance ba na makita ng kanyang fans si Dennis endorsing a men's underwear brand.

"Siguro 'pag may magandang venue. Ayokong pilitin. Ibig kong sabihin, halimbawa may magandang offer, magandang layout sa billboard, maganda yung brand... hindi natin masabi," sabi niya.

If the price is right?

"Lahat-lahat na. All in all, kasama na yun."

CARLENE AGUILAR. Nakita na rin daw ni Dennis ang FHM cover at pictorial ni Carlene Aguilar, ang ina ng anak niyang si Calix Andreas.

"Nakita ko. Okay naman, maganda yung pagkakuha. Magaling yung photographer, artistic ang dating, hindi naman parang bastusin."

Artista na rin si Carlene at Kapuso na rin gaya ni Dennis. Kasama si Carlene sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang nina Dingdong at Marian Rivera. Ano ang masasabi ni Dennis tungkol dito?

"Masaya ako na ano... Siyempre, may trabaho siya and nabigyan siya ng magandang project, ng chance na makasama si Marian at si Dingdong at makatrabaho si Direk Joyce Bernal."

Dream din pala ni Dennis na ma-handle siya ni Direk Joyce.

"Kasi ako, paborito ko siyang direktor, gusto ko rin siyang makatrabaho. Nauna pa nga siyang [Carlene] makatrabaho si Direk Joyce kesa sa akin. I'm sure makakatrabaho ko rin si Direk Joyce in the future. And kay Carlene, masaya ako na may trabaho siya at nagtitiwala ang GMA sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halimbawang may darating na proyekto na magkakasama sila ni Carlene, papayag ba siya?

"Hmmm...okay lang din. Wala naman sigurong problema dun."

WEATHERING THE STORM. Isa si Dennis sa mga artistang nakaranas na rin ng pag-ulan ng intriga at problema sa buhay. Ano ang kanyang ginagawang diskarte para malusutan ang mga negatibong pangyayari sa buhay niya?

"Matututunan mo rin yun. Siyempre, hindi mo maiiwasan na may darating na mga problema sa buhay mo, sa career. Along the way, matututo ka sa mga yun, marami kang mapupulot na aral.

"And nagiging plus factor yun sa 'yo," patuloy niya. "Kasi kumbaga, nadadagdagan yung experiences mo, yung knowledge mo, yung kaalaman mo sa buhay. Ano lang, kailangan lang na huwag kang mawawalan ng pag-asa, huwag kang mawawalan ng hope.

"And kailangang composed ka palagi. Yung composure mo, yung disposisyon mo sa buhay, yung mga prinsipyo mo sa buhay, kailangan stable siya. Kasi kailangang matibay na pundasyon yung mga prinsipyo mo sa buhay para maging matatag ka."

Todo rin ang suporta sa kanya ng pamilya niya.

"Sobrang wala akong masasabi sa family ko. Mula nung nag-artista ako, sobrang support nila sa akin."

Never din daw siyang sinisi ng pamilya niya sa kahit na anong desisyong ginawa niya in the past and at present.

"Never, never! Lagi silang nakasuporta. Kung saan ako magiging masaya, dun sila. Kaya sobrang mahal ko ang pamilya ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN