It was Rustom Padilla's sister who named him "BB Gandanghari"

"When I saw him on TV when he arrived, I wasn't that shocked talaga. Konti lang naman because I was expecting na gano'n nga ang mangyayari. Before he left kasi, hindi pa naman siya gano'n ka-decided sa gusto niya. But now that he did it, I am proud of BB. BB did what BB wants," says Rema Padilla-Ohno (right) about Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari.


Dumalo sa grand launch ng pinakabagong primetime series ng GMA-7 na Totoy Bato kagabi, February 15, ang isa mga kapatid ni Robin Padilla na si Rema Padilla-Ohno. Kasama nitong dumating ang ina nilang si Eva Cariño-Padilla at ilan pa nilang mga kamag-anak.

Sa naging panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rema ay napag-alaman namin na siya pala ang nagbigay ng pangalang "BB Gandanghari" sa kapatid nilang si Rustom Padilla. Kuwento ni Rema, sa magkakapatid ay siya talaga ang close kay Rustom kaya naiintindihan niya ang mga pinagdaraanan nito.

"Nakuha ko yung name na Gandanghari sa isang girl na sumali sa isang local beauty pageant. Maganda kasi ang tunog. It's a combination of female and male personalities. Ganda for the female and hari for the male. So, bagay talaga for BB.

"Yung BB naman is really for Binibini. It's the dominant female essence in the name. And it stands nga for "be all what you want to be." That's BB's personality talaga," paliwanag ni Rema.

Naikuwento rin ni Rema na noong mga bata pa sila ay alam na niyang may kakaiba kay Rustom. Marami raw kasing napagdaanan na hindi maganda sa kanyang kabataan si Rustom kaya hindi niya ito masisi kung unti-unting lumalabas ang tunay na pagkatao ng kanyang kapatid.

"Kami naman, we never judged him for what he turned out to be," sabi ni Rema. "Sabi ko nga sa kanya, for as long as wala kang sinasaktan na tao at wala kang ginagawang masama, no one will ever judge you. Lahat sila ay tatanggapin ka for who you are and not for what you have become.

"Mabait 'yang si BB and alam ko ang mga naging problema niya sa buhay. Gusto lang namin siyang maging masaya. Yun din ang gusto niya, to be happy at walang humuhusga sa kanyang pagkatao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa telepono pa lang daw nakakausap ni Rema si BB at hindi pa sila nagkikita ng personal. Huling usap daw nila ay noong nasa Batangas si BB at may photo shoot na ginagawa. Inamin ni Rema na hindi siya masyadong nagulat sa pag-uwi ni BB galing U.S. na nakadamit pambabae na ito.

"I was not that shocked because noong una siyang nagdamit-babae sa Urian Awards [last year] ako ang kasama niya. Ako ang nagpaayos sa kanya ng gano'n, kasi yun ang gusto niya. Kaya when I saw him on TV when he arrived, I wasn't that shocked talaga. Konti lang naman because I was expecting na gano'n nga ang mangyayari. Before he left kasi, hindi pa naman siya gano'n ka-decided sa gusto niya. But now that he did it, I am proud of BB. BB did what BB wants."

Aware din si Rema na hindi pa nagpapakita si BB sa kanilang ina na si Mrs. Eva Cariño-Padilla at sa kapatid nitong si Robin. Kung hingin daw ni BB na mamagitan si Rema para maging maganda ang muling pagkikita nito sa kanilang pamilya ay handa niyang gawin ito. Pero nakakasiguro si Rema na hindi na niya kailangan na mamagitan dahil bilang pamilya ay matatanggap nila si BB nang buong puso.

"I don't need to intervene because I know that things will fall into place. Pamilya kami, e. And that is what family does—we support and love each other.

"I know na medyo hindi pa oras for them to meet, pero darating din 'yon and it will just be a normal thing for a family. There's no need for drama or any explanation. We are a family and as a family, nandoon ang love namin for one another. Maging si BB man siya o hindi, mahal namin siya and that will never ever change," saad ni Rema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN