Francine Prieto: "Sa totoo lang, ayokong mag-asawa."

"Hindi naman porke't mataba ka or may laman, hindi ka na puwedeng mag-wear ng underwear. So, ang akin lang, okey lang sa akin yung mga ganoon, kung anuman ang mga sinabi nila. Ang hindi ko lang gusto yung sinabi nilang pinagtawanan daw ako. Bakit, mukha ba akong katawa-tawa noon?" says Francine Prieto to those who laughed at her during the Bench Blackout fashion show last year.


Sumalang ang aktres na si Francine Prieto sa "Intriga Crossfire" segment ng Showbiz Central last Sunday, February 15. Ang limang hosts ng show ang mismong magtatanong kay Francine.

Maintriga agad ang unang tanong ni Pia Guanio kay Francine. Balitang-balita raw kasi na naghihirap na si Francine at nagbebenta na ito ng kanyang mga ari-arian. Totoo ba ito?

"Well, unang-una, dati pa, mahilig akong magbenta. Like kapag nagpalit ako ng cell phone, ibebenta ko ang lumang cell phone ko para pandagdag ko sa pambili ko ng bago. At ngayon, dahil nagpa-feng shui kami ng bahay at yung main door namin, katapat mismo ng gate, malas daw yun. Kaya lahat ng blessing ko, walang nangyayari dahil palabas lahat.

"So, pinasara na namin at pinapalitan na namin yung mga gamit sa loob. So, ngayon, dinidispatsa ko siya. Siyempre, maraming haka-haka na baka naghihirap na ako kaya ibinebenta ko. Hindi kaya! Ultimo mga gamit ko, gusto ko ng new batch," mahabang paliwanag ni Francine.

FRIENDS OR LOVERS? Ang tanong naman ni Raymond Gutierrez ay tungkol sa lovelife ni Francine at ang napapabalitang boyfriend nito na isang businessman, si Philip Cu-Unjieng. Madalas din daw silang nakikitang magkasama sa events and parties.

"Si Philip ay matagal ko nang kaibigan, 2004 pa ay magkaibigan na kami. At siyempre, madalas ko ngang sinasabi na yung mga tao, nagugulat dahil unang-una, yung age gap namin, ang layo. Pangalawa, medyo sa society siya, tapos ako naman showbiz. Pero parang iisa rin kasi sa entertainment din siya dahil nagwo-work din siya sa isang magazine.

"Si Philip, mabuting tao 'yan. Ngayong wala akong manager, siya ang tumutulong sa akin minsan. At special siya sa akin at kahit sa family ko dahil napakabait na tao niyan. Sabi ko nga, 'Lahat ng ginagawa mong tulong sa akin, sana sa ibang tao, may kapalit na good karma sa 'yo.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Romantically?

"Hindi naman," sagot ni Francine. "Kasi ako, priority ko talaga trabaho muna. Para ngang gusto ko nang kalimutan muna ang pag-ibig."

WEIGHT ISSUE. Mo Twister focused on Francine's weight issue. He asked Francine kung nagkaroon na ba siya ng eating disorder.

"Feeling ko, last year, nag-research ako. Mahilig akong mag-research, e. So, feeling ko dahil sa stress ko. Sabi ko, bakit kapag stressed ako, napapakain ako ng marami. Nagugutom ako. So, nagkaroon nga yata ako ng emotional eating disorder na hindi ko naman alam dahil hindi ko naman siya kinu-consult sa psychiatrist, di ba?

"Pero sa tingin ko, nagkaroon ako [ng weight problem] dahil sa stress. Pero binago ko muna yun. Tinanggal ko muna lahat ng causes ng stress ko. Tapos nag-start na ako mag-diet. Well, hindi pa siya... Kasi ang goal ko, kasing payat ako ni Pepe Smith, e, wala pa siya, ang layo pa, e. Pero sa ngayon, happy naman ako sa katawan ko. Pero alam ko, kailangan ko pang mag-lose ng marami."

Tinanong naman ni Rufa Mae Quinto kung ilang pounds na ang nabawas sa kanya.

"Hindi ko alam. Hindi ako naniniwala sa timbangan."

Ano naman ang puwedeng i-share ni Francine sa mga kababaihan na gustong mag-lose weight nang hindi sila himatayin?

"Ako talaga dati, tamad talaga akong mag-workout. So, dati talaga, diet pills! Lahat ng diet pills, tine-take ko 'yan at hindi ako sumusunod sa instruction. Kapag sinabing isang pill lang, dalawang pills...apat! Para mabilis ang result.

"Kaya last year, nagkaroon ako ng fracture. Dahil 'yan sa kada-diet. Mula noon, ayoko na. Kaya medyo matagal ang paglu-lose ko ng weight, kasi ginagawa ko na sa natural na paraan. Nagwo-workout, nagte-tennis. Nagdya-jogging.

"Sa foods, hindi na ako nagda-diet kasi ang dami kong hindi kinakain. Pizza pa rin ang favorite ko. Pero alam mo, sa tingin ko, hindi mo naman kailangang maging payat. Kasi kapag payat ka, hindi rin minsan maganda. Kailangan mo lang maging confident kung anumang meron ka. At mahalin mo ang katawan mo. Like ako ngayon, I love my curves!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Pero kasi tayo sa TV, talagang tumataba tayo."

Ayon naman kay John Lapus, nandoon siya sa Bench Blackout underwear and denim fashion show at narinig daw niya ang mga sigaw ng mga tao sa likuran niya na mataba si Francine. The next day sa mga tabloid, ganundin ang mga naisulat tungkol sa kanya. Gaano ba kasakit sa isang tulad niya na dahil mataba siya, ang tingin nila ay wala siyang karapatan sa showbiz?

"Well, sinagot ko na 'yan. Hindi naman porke't mataba ka or may laman, hindi ka na puwedeng mag-wear ng underwear. So, ang akin lang, okey lang sa akin yung mga ganoon, kung anuman ang mga sinabi nila. Ang hindi ko lang gusto yung sinabi nilang pinagtawanan daw ako. Bakit, mukha ba akong katawa-tawa noon?

"Hindi naman siguro lumalaylay ang tiyan ko. Ang kapal naman siguro ng mukha ko kung rumampa pa ako ng ganoon... Oo, alam ko, nag-gain ako ng weight, pero alam ko na okey pa rin kaya pumayag akong mag-fashion show noon."

Ngayon ba ay nagda-diet siya para sa sarili niya o sa career na rin?

"Sa lahat na," sagot ni Francine. "Kasi noong nag-gain ako ng weight, hindi ako nakakahinga minsan. Ultimo bra ko, hindi magkasya sa akin. Kaya sabi ko, 'Ano ba ito? Hindi ba puwedeng wala akong bra?' So, yun."

NO TO MARRIAGE. Ang huling tanong ay mula kay Pia uli. Nakikita ba niya ang kanyang sarili ending up with Philip?

"Hindi ko alam...hindi ko alam talaga. Sa totoo lang, ayokong mag-asawa. Sabi ko, mahal ang annulment."

Bakit, is it borne out of a bad experience?

"Hindi ko alam," at bigla ay naging emosyunal at napaiyak si Francine. "Hindi ko alam. Parang ang sad ng mga experiences, mommy ko, yung mga kaibigan ko... So, ayoko lang.

"Hindi ko alam. Puwedeng magbago ang isip ko pagdating ng araw. Siguro kapag forty na ako, puwede!" tawa naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

One of these days, a man will come into your life and prove you wrong...

"Alam ko naman...alam ko naman marami silang sinasabi sa akin. Pero kapag nakilala na nila ako, malalaman nila kung sino yung tunay na ako," pagtatapos ni Francine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN