Sam Milby says it's none of his business that Anne Curtis reportedly kissed a non-showbiz guy

"She's free naman to do what she wants. I won't ask, it's none of my business. Kung magkaroon man siya ng someone right now, it's something I'll definitely accept, kasi wala akong karapatan. I'll be okay," says Sam Milby about ex-girlfriend Anne Curtis.


Nang mabalita na nagkabalikan sina Sam Milby at Anne Curtis, nilinaw agad ng Fil-Am actor-singer na walang balikang nangyari sa kanila ng ex-girlfriend. Kung mayroon man daw silang ine-enjoy ni Anne, ito ay ang unti-unting pagbabalik ng friendship na nawala noong nag-break sila.

Known for his honesty and sincerity, lalo lang nakumpirma ang binitawang salita ni Sam nang mabalita na nakita raw sa Fiamma Bar si Anne na may kahalikan na isang non-showbiz guy. Kasama niya sa bar ang ilang mga kaibigan.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa ASAP '09 last Sunday, February 15. Kinuha namin ang reaksiyon niya tungkol sa lumabas na balita kay Anne. Hindi ba siya masasaktan o magtatanong man lang sa ex-girlfriend kung totoo nga ang nasabing isyu?

"Kung totoo man o hindi, I would know," sagot ni Sam. "She's free naman to do what she wants. I won't ask, it's none of my business. Kung magkaroon man siya ng someone right now, it's something I'll definitely accept, kasi wala akong karapatan. I'll be okay."

Nilinaw rin ni Sam ang lumabas na report na nakikita raw siyang ka-date ang isang Singaporean model.

"Wala, I don't even know a model from Singapore, wala akong kilala. Hindi ko alam kung saan galing 'yan. I don't even go out."

Sa tinatakbo ng mga pangayayari, mukhang malabo nang magkaroon ng second chance ang relasyong Sam-Anne.

"I can say that we're lot better than before nung kabi-break lang namin," sabi ni Sam. "Sometimes we have this awkwardness. But honestly, we don't even text that often. We just see each other in work, yun lang. I don't know if she's even moved on.

"We're working in building the friendship. Sometimes we feel the friendship is really back and we even have the time that we were sweet in Dyosa, but there's awkwardness minsan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last Valentine's Day, Sam greeted Anne through text. But he celebrated the occasion with his co-Pop Icons—Piolo Pascual, Erik Santos, Christian Bautista, and Mark Bautista—in Cebu kung saan sila nagkaroon ng show.

Kung ang iba'y pumapasok sa rebound relationship after a breakup, iba naman ang paniniwala rito ni Sam.

"It's something you can't force. You shouldn't force it. If it happens, it happens. It's not I'm searching for it. Sometimes, it's good to be single. Kasi sometimes people jump from one relationship to another, they become dependent, they always need somebody."

Naging controversial ang relationship nila ni Anne noon, ultimo simpleng pag-aaway nila ay naging laman ng mga balita. Just like Anne, Sam wants his next relationship to be discreet and private.

"Ako, medyo kasi sometimes it's too out in the public, it can really affect your career. Medyo mahirap if it's too public. I don't think there's anything wrong if people know if you're together. Pero huwag na yung mga detalye na pati mga away n'yo alam nila."

Sa February 21 na ang Pop Icons concert sa Araneta Coliseum. By March ay magsisimula nang mag-taping si Sam ang telesreyeng pagtatambalan nila ni Angel Locsin. Tuloy na rin ang shooting ng pelikula nila ni Bea Alonzo under Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN