Toni Gonzaga on being "heir apparent" of Kris Aquino: "Walang papalit sa kanya dahil nag-iisa lang siya."

"Si Ate Kris, kung ano ang nasa isip at nararamdaman niya, sinasabi niya talaga, walang siyang preno. That's what's kakaiba kay Ate Kris. Siya lang yata ang nakakagawa ng ganun, yung hindi niya ine-edit kung ano ang nararamdaman o gusto niyang sabihin," says Toni Gonzaga about her idol Kris Aquino.


Sinabi ni Kris Aquino, during the time na nakaramdam siya ng fear tungkol sa kanyang hosting career, na kung may isa mang TV host na kinaalarmahan at nararamdaman na maaring pumalit sa kanyang trono—ito ay walang iba kundi si Toni Gonzaga.

Kilala sa kanyang frankness and honesty, mismong si Kris ang nagkuwento na napaginipan niya si Toni replacing her as the Queen of Talk; reflection lang na sa subconscious ng mahusay na TV host ay nandun nga ang takot at pangamba na mawala sa kanya ang titulo.

Last Sunday, February 15, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni at kinuha namin ang reaksiyon niya tungkol sa sinabi ni Kris.

"Matagal na yun, last year pa yun," saad ni Toni. "Alam mo naman si Ate Kris, ganun talaga siya, palabiro lang yun. Pero napaginipan niya pala talaga ako, so ibig sabihin iniiisip niya pala ako. Iniisip ko rin naman siya palagi, pareho pala kami.

"Nung makarating sa akin 'yan, ano naman ang ipi-feel mo dun? Ayoko namang mag-feeling hanggang sa sinabi sa akin yun ni Ate Kris nung in-interview ko siya sa E-Live, siya mismo ang nagsabi sa akin.

"Si Ate Kris, kung ano ang nasa isip at nararamdaman niya, sinasabi niya talaga, walang siyang preno. That's what kakaiba kay Ate Kris. Siya lang yata ang nakakagawa ng ganun, yung hindi niya ine-edit kung ano ang nararamdaman o gusto niyang sabihin."

For Toni, wala pa ring papalit sa trono ni Kris as Queen of Talk.

"Alam mo, walang papalit sa kanya dahil nag-iisa lang siya. Hindi ako anak ng bayani at hindi ako anak ng presidente. Puwede lang siyang tularan o hangaan sa mga achievements niya. Pero wala sigurong makakapalit sa kanya dahil kanya-kanya namang estilo 'yan."

Toni recalled her fondest memories with Kris, lalo't sa simula pa lang ng paglipat niya sa ABS-CBN from GMA-7 ay wala itong pangit na ipinakita sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahal ko si Ate Kris, ang bait niya sa akin," sambit ni Toni. "Dati, nung bago ako dito, natatakot ako sa kanya kasi baka mataray or hindi namamansin sa mga bagong artista. Pero nagulat ako dahil kilala niya ako agad. She's really aware of her environment, kilala niya talaga ang mga tao sa mundong ginagalawan natin."

Bukod kay Kris, inisa-isa ni Toni ang iba pang mga TV hosts, mapa-local man o international, na hinahangaan niya.

"Pagdating sa seryoso, mga news, hardcore facts, si Ms. Korina Sanchez. Tito Boy naman when it comes to longevity of his career, pagiging spontaneous and the wisdom he has already in the business, kahanga-hanga. Sa international, I love watching Ellen Degeneres. Rachel Ray is funny. I also like David Letterman," paglilista ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN