Sarah Geronimo admits she is still being courted by Mark Bautista

"Sa tingin ko naman, darating din yung araw na magiging ready ako for a relationship, for a commitment. Pero as of now, hindi pa po talaga. Pero hindi ko po idine-deny na ako po talaga ay may hinahangaang tao. Meron akong inspirasyon. Yung sinasabi ko po noon pa na inspirasyon ko, siya pa rin po hanggang ngayon ang inspirasyon ko," says Sarah Geronimo.


Simula nang i-announce ni Sarah Geronimo na puwede na siyang tumanggap ng mga manliligaw ay isa-isa nang lumitaw ang mga pangalan ng mga lalaking nali-link ngayon sa young singer-actress.

"Ang masasabi ko lang po, ang panliligaw naman po, hindi naman 'yan mapipigil. Hindi mo naman puwedeng sabihin na huwag, no way. Parang ang yabang mo naman pag ganun. Ako lang ay nagpapasalamat na rin kung sino man ang nakaka-appreciate sa akin.

"Sa tingin ko naman, darating din yung araw na magiging ready ako for a relationship, for a commitment. Pero as of now, hindi pa po talaga. Pero hindi ko po idine-deny na ako po talaga ay may hinahangaang tao. Meron akong inspirasyon. Yung sinasabi ko po noon pa na inspirasyon ko, siya pa rin po hanggang ngayon ang inspirasyon ko," masayang pahayag ni Sarah nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa presscon ng You Changed My Life kahapon, February 17, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

RAYVER CRUZ. Most recent nga na nali-link ngayon kay Sarah ay si Rayver Cruz, na kasama rin sa cast ng You Changed My Life. Hindi ba sila nagkaroon ng ilangan sa shooting?

"Kay Rayver po, wala po kaming naging ilangan."

How is it working with Rayver?

"Magaling po siya, professional. He's always willing to learn."

Inaalagaan ba siya ni Rayver sa set?

"Okay naman po. Lahat naman po kami nag-aalagaan doon."

Kumusta na ba sila ni Rayver ngayon? Nanliligaw na ba siya?

"Ligaw? Hindi ligaw, e, kaibigan, magkaibigan kami. Nakakausap, nagkakatawanan."

Meron bang kumausap sa kanya na huwag munang masyadong pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Rayver para hindi maapektuhan ang publicity ng movie nila ni John Lloyd?

"Opo, hindi ko naman po ide-deny 'yon," pag-amin ni Sarah. "Pero yun naman, magkaibigan pa rin kami ni Rayver. Ako naman po, lagi naman po akong ready na sagutin ang mga tanong n'yo. Depende na lang po sa inyo yun kung ibi-bring up n'yo, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARK BAUTISTA. Apektado raw ang isa pang manliligaw ni Sarah na si Mark Bautista sa paglabas ng isyu tungkol sa kanila ni Rayver. Ano ang reaksyon niya rito?

"Kasama ko siya sa tour, e, si Mark."

Ang tinutukoy na tour ni Sarah ay ang U.S. tour niya ng kanyang The Next One concert at matagal ding mawawala si Sarah sa Pilipinas. March 10 ang alis niya at by last week of April pa siya babalik ng bansa.

Posible bang magkausap sila nang masinsinan ni Mark sa U.S.?

"Siguro, kasi matagal din po kaming hindi nagkatrabaho. Yun na rin po yung chance, parang bonding na rin namin."

Sa mga lalaking nakapaligid sa kanya, sino yung pinakamatiyaga sa panliligaw?

"Si Kuya Mark, ay Mark na lang pala!" sambit ni Sarah.

Ano na ba ang mga naibigay sa kanya ni Mark bilang parte ng kanyang panliligaw?

"Si Mark po kasi yung hindi into material things, e. Mas more siya sa pagpapakita ng care niya, yung concern na ipinapakita niya, yung support, lalo na kapag magkatrabaho kami."

May possibility ba na mahulog ang loob niya kay Mark dahil madalas nga silang magkasama?

"Ako naman, vocal naman po ako sa pagsasabing mahal ko si Kuya Mark—ay, si Mark—bilang kaibigan. Kung made-develop man yun into something romantic, yun po ang hindi ko masasagot."

Between Rayver and Mark, sino ang mas malapit sa puso niya ngayon?

"Ano ba yun? Hindi, siyempre si Mark po ay ilang taon na kaming magkasama niyan. Kumbaga, kasangga ko na siya, parang package deal nga kami, di ba? So, mas masasabing kong mas kilala na ako ni Mark, kilalala na namin ang isa't isa. Si Mark din kasi, nirerespeto niya kung ano ang gusto kong mangyari sa career ko. 'Eto, nagdadalaga pa lang ako, nirerespeto niya yung desisyon ko. Hindi niya ako pinipilit at never siyang nag-take advantage kapag magkasama kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADMIRER FROM U.S. Meron pa raw isang admirer si Sarah. Keith ang pangalan nito at pinadalhan niya ng roses si Sarah last Valentine's. Hindi niya pa raw nami-meet ang lalaking ito.

"Taga-U.S. po siya, e. Nagpadala rin po siya ng letter na parang introduction sa sarili niya. Pagpunta ko po sa U.S. sa March for a series of concerts doon, baka ma-meet ko siya doon."

Malaki ba ang kinalaman ng Mommy Divine niya kaya hindi pa siya nagkaka-boyfriend?

"Si Mommy naman kasi bilang magulang, alam niya ang kapasidad ko. Kumbaga, nakikita na rin niya na hindi pa ako ready. Kasi siyempre, mother instinct, di ba?"

JOHN LLOYD CRUZ. Hindi naman itinatago ni Sarah ang paghanga niya kay John Lloyd, ang kanyang leading man sa You Changed My Life, ang sequel sa kanilang blockbuster hit na A Very Special Love.

"Kasi po, kapag ganyan naman kaguwapo, kabait at ka-professional kay Lloydie ang leading man mo, siyempre hahangaan mo talaga. I think wala namang masama doon sa paghanga na yun. At ang magandang naidudulot noon sa pelikula ay yung kilig talaga. Kaya sana kung ano yung nakita nilang kilig sa A Very Special Love ay makita rin nila yun dito sa You Changed My Life."

Sabi ni John Lloyd, nakakahawa raw ang pagiging masayahin at very positive outlook ni Sarah. Paano naman na-change ni John Lloyd ang life niya simula nang magtambal sila?

"Isa pong blessing na makatrabaho ko si John Lloyd Cruz at maging si Direk Cathy Garcia-Molina. Simula po nang makatrabaho ko sila, ang daming magandang nangyari sa buhay ko. At ako, mas naging inspired magtrabaho. Kumbaga, iba po talaga yung experience ko while doing A Very Special Love at ngayon nga ay itong You Changed My Life. Yung sinasabi ni John Lloyd na nakakahawa ang pagiging masayahin ko, sila yun e, sila ang dahilan kung bakit ako ganun. Kung bakit ako laging jolly, laging naka-smile."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Showing on February 25, ang You Changed My Life ay idinirek muli ni Cathy Garcia-Molina. Bukod kina Sarah, John Lloyd at Rayver, kasama rin sa pelikula sina Rowell Santiago, Dante Rivero, Irma Adlawan, Al Tantay, at marami pang iba.



Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN