LJ Reyes insists she was not courted by the late Marky Cielo

"Dapat siguro magpahinga muna ko sa mga relationship. Tama na muna. Huwag na muna. Inisip ko rin, isang factor rin siguro yun kung bakit hindi siya nagwo-work out. Siguro dapat ma-feel ko muna for a long period of time na single ako. I could live to learn on my own," says LJ Reyes.


Sa nakaraang press conference ng Totoy Bato ay inamin ni LJ Reyes sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nag-break na sila ng non-showbiz boyfriend niya, na apo ng may-ari ng SM chains. November last year pa raw nang mag-break sila, pero naging tahimik lang si LJ tungkol dito kaya hindi masyadong nabalita.

Bakit sila nag-break?

"Bakit? E, ayoko nang magsalita! Basta, hindi lang talaga magwo-work out yung ganoong relationship. Mahirap! Ang hirap! Yun lang daw ang nasabi ko!" natatawa niyang sabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nine months din ang itinagal ang relationship nila ng kanyang ex-boyfriend. Kaya ipinaalala namin sa kanya na nang huli siyang makausap ng PEP, sinabi niya na napaka-supportive ng boyfriend niya sa kanya at may advantage ang magkaiba nilang mundo.

"Oo, mahirap lang talaga siya. Ayoko nang magsalita, kasi sana lang... Sana lang nga, wala na lang din masulat about him. Parang, huwag na lang."

Is she entertaining new suitors?

"Hindi rin. E, wala namang nanliligaw!" tawa niya.

Baka kasi may impression ang mga lalaki na sila pa rin ng non-showiz boyfriend niya?

"Ah, hindi ko alam. Hindi rin naman kasi ako palabas-labas. Hindi rin naman ako ano...kapag may occasion lang. Birthday ng mga kaibigan, saka lang ako lumalabas. Usually, nagmu-movies lang ako, kasama ang mga talagang kaibigan ko. Yung kilala kong mga kaibigan talaga."

May communication pa ba sila ng ex-boyfriend niya?

"Hindi pa kami nakakapag-usap lately, pero after ng breakup, meron namang mga exchange ng texts, oo. Pero lately, wala pa."

Masasabi ba niyang good breakup naman ito?

"For me, maayos naman. Okey naman."

LOVELESS ON HEARTS DAY. Pero kahit daw wala siyang boyfriend noong nakaraang Valentine's ay nag-enjoy pa rin daw siya.

"Kasama ko yung mga friends ko sa school. Lumabas kami, tapos kumain ng dinner. E, gimikero yung mga yun, so napasama ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling na mag-Valentine's na walang boyfriend?

"Actually, super tagal na talaga na hindi ako nagkakaroon ng Valentine's Day na single. So, enjoy naman ako dahil walang pressure na kailangan maggawa ka ng surprise. Kailangang mag-prepare ka ng gift. Masaya rin pala na single ka."

Happy ang lovelife ng ex-boyfriend ni LJ na si Alfred Vargas ngayon at may bagong girlfriend na rin. Ano ang masasabi ni LJ dito?

"Well, I'm happy for him," nakangiti niyang sabi.

Parang nagkabaligtad sila ng sitwasyon?

"Okey lang yun! Kanya-kanya lang 'yan!" tawa niya.

Sa palagay niya, bakit kaya hindi nagwo-work nang matagal ang mga nagiging relationship niya?

"Siguro kasi, dapat siguro magpahinga muna ko sa mga relationship," sagot ni LJ. "Tama na muna. Huwag na muna. Inisip ko rin, isang factor rin siguro yun kung bakit hindi siya nagwo-work out. Siguro dapat ma-feel ko muna for a long period of time na single ako. I could live to learn on my own."

THE LATE MARKY CIELO. Kasabay ng pananahimik ni LJ last year ang biglang pagkamatay ng kapwa niya StarStruck graduate na si Marky Cielo. Kasabay rin nito ang paglabas ng mga isyu na nagtuturong isa raw siya sa naging cause of depression ng namayapang young actor. Iba't ibang isyu ang naglabasan na hindi nagawang sagutin noon ni LJ.

Sa burol ni Marky ay kapansin-pansin ang paghagulgol ni LJ nang todo kaya nabansagan tuloy siyang "crying lady."

"Dyusko! Lahat ng nagtatanong sa akin, sinasabi ko nga yun na noong time na yun, marami kasi akong problema. Alam naman ng lahat na close kami. Hindi lang kami ni Marky kundi pati mga kapatid namin kay Tatay Rommel [Gacho, their manager], di ba? E, it so happens na sa lahat sa aming magkakapatid, siya yung pinaka-maaasahan mo talaga. Kasi, good listener yun, adviser. Napakabait na tao talaga. Siyempre, yung taong pinagsasabihan ko, biglang nawala. Parang, ang hirap..." paliwanag ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nami-miss ba niya si Marky?

"Oo, lalo na kapag sumasayaw. Kasi, idol ko 'yan sa sayaw, e. Ang galing-galing niyang sumayaw. Siyempre, kapag nagsasayaw kami, lalo na sa 'Sayaw One' [segment in SOP] at alam naming 'eto ang steps na talagang gusto niya, parang kami yung, 'Sayang, sana nandito si Marky kasi, gusto niya 'to, e.' Kasi meron kaming sayaw noong last Sunday [sa SOP] na maganda talaga yung sayaw namin. Lahat kami, parang naisip namin siya," kuwento ni LJ.

Aside from dancing, ano pa ang nami-miss niya kay Marky?

"Makulit kasing talaga yun, e. Kahit ano'ng mangyari, makulit talaga siya. Tahimik, pero maaasahan mo siya kapag kailangan mo siya. Ganoon."

May mga lumabas na balita na binasted daw niya si Marky. Totoo ba ito?

"Hindi naman!" tanggi ni LJ. "Actually, 'eto na lang, ang dami-rami ko rin naririnig. Siyempre, noong time na nangyari yun, wala na akong time para magbasa pa ng mga diyaryo. At the same time, ayoko na rin mag-explain. Parang feeling ko, hindi rin naman ako ang dapat na nag-e-explain."

Wala bang katotohanan na nagkaroon sila ng unawaan noon?

"Wala talaga," sagot niya.

Pero nanligaw ba sa kanya si Marky?

"Hindi," mabilis na sagot ng dalaga. "Pero alam naman namin. Open naman siya about it na crush niya ako. Pero walang nangyaring ligawan. Minsan nga, nagbibiro 'yan na ang bilis daw kasi nila Alfred, ganyan. Pero nagbibiro lang siya ng ganoon. Wala namang nangyaring ligawan. Alam ko, alam naman yata ng marami na crush niya ako."

Sa ngayon, sino ang masasabi niyang mga ka-close niya sa showbiz?

"Ang pinaka-close sa akin ngayon si Chariz Solomon. Si ate Tess [Bomb], sila Tatay [Rommel]...si Say Alonzo. Kami-kami pa rin magkakapatid dito. Kami-kami pa rin ang close," pagtatapos ni LJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN