Melissa Ricks reprises Dina Bonnevie's role in TV remake of Underage

"Hindi na ako bata. Kailangan unti-unti na yung transition into adult. Nineteen na ako, next year 20 na ako. So, hindi na puwede yung puro pa-tweetums," says Melissa Ricks.


From the very start ay hindi natali sa roles na pa-tweetums ang Star Circle Quest graduate na si Melissa Ricks. Medyo mature na ang character na ginampanan niya noon sa Pedro Penduko. Iba rin ang character na ginampanan niya sa teleseryeng Iisa Pa Lamang, kung saan nakipagtagisan siya ng husay sa mga batikang mga artista gaya nina Ms. Susan Roces, Gabby Concepcion, Cherry Pie Picache, at iba pa.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Melissa last Sunday, February 15, ibinalita niya na kasama siya sa TV remake ng Regal movie na Underage. Gagampanan niya rito ang role noon ni Dina Bonevie. Makakasama ni Melissa sina Empress Shuck at Lauren Young na gaganap naman sa mga role noon nina Maricel Soriano at Snooky Serna. Mga leading men nila rito sina Matt Evans, AJ Perez, at Rafael Rosell.

"Medyo challenging siya," ani Melissa. "Medyo may skin na ipapakita. Sensitive din yung mga scenes, pero okay naman siya. Another step for me as an actress."

Handa na ba si Melissa sa pagkukumpara sa kanila ni Ms. D when it comes to acting at sariling paraan sa role na gagawin niya?

"Oo naman," sagot niya. "Pero yung atake ko kasi sa role, it's gonna be different. Pati yung istorya, iniba nila nang kaunti, so mabibigyan ng sarili naming twists. So, hindi kami masyadong mape-pressure na maano yung ginawa nila before, kasi sobrang successful daw yung movie na yun dati."

KISSING SCENES. Kung si Kim Chiu ay nakikita nang may kissing scenes sa primetime series na Tayong Dalawa, open din daw si Melissa sa bagay na ito. Nagma-mature na rin naman kasi ang mga role na kanilang mga ginagawa.

"Kasi, hindi na ako bata. Kailangan unti-unti na yung transition into adult. Nineteen na ako, next year 20 na ako. So, hindi na puwede yung puro pa-tweetums."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROBI DOMINGO. Naging very open si Robi Domingo na isa sa showbiz crushes niya si Melissa. Ano'ng masasabi ni Melissa tungkol dito?

"Flattered ako na crush niya ako, siguro kahit sino naman. Mabait siya, enjoy siyang kasama, okey naman, magkaibigan kami. Saka yung mommy ni Robi saka mommy ko, classmate sila nung mga bata pa sila. Taga-Pulilan din kami tulad nila. Yun ang connection namin ni Robi. Dapat nga kasama siya sa Underage, pero di siya natuloy kasi may school siya.

"Hindi ako nagko-close ng doors, pero gusto kong pagbutihin ko ang mga trabaho ko. Uunahin ko muna yun. Maraming ibinibigay sa aking mga project na dapat seryosohin ko naman," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN