Ara Mina clueless about non-stop issue linking her to Manny Pacquiao

"Talagang nato-torta na ang utak ko, bakit hindi mamatay-matay ang isyu na yun. Bakit? Wala naman talaga kaming naging relasyon, as in wala talaga," says Ara Mina about the non-stop issue linking her to boxing champ Manny Pacquiao.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ara Mina kanina, February 18, sa story confence ng indie film na Marino na ginanap sa Golden Fortune Restaurant sa T.M. Kalaw, Manila.

Ayon kay Ara, na gumaganap siya bilang maybahay ng bida ritong si Allen Dizon, kung sa lahat ng pelikulang ginawa niya ay may sexy scenes siya, sa Marino ay hindi siya magpapakita ng kanyang katawan.

"Iba ang magpapa-sexy dito, hindi ako," sabi ni Ara.

Matagal na ring hindi gumagawa ng sexy films si Ara. Hindi ba niya nami-miss ang mga role na nagpapa-sexy siya?

"Hindi, kasi ang dami ko nang nagawang ganun, e," sagot niya. "Dito kasi sa Marino, yung role ko hindi ko kailangang magpa-sexy. Gusto ko lang suportahan itong movie. Di ba, supportive naman ako kung maganda yung story? Sinusuportahan ko yung mga indie films. Kasi producer din naman ako."

Kasama rin sa Marino, na iprinodyus ng ATD Productions ni Allen Dizon, sina Krista Ranillo at Bangs Garcia. Sa pagkakaalam ni Ara ay isa sa dalawa ang siyang magpapa-sexy sa pelikula.

"Kasi yung asawa ko, magkakaroon ng kabit. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang magiging kabit ni Allen," ani Ara.

Anong payo ang ibibigay ni Ara sa mga baguhang nagpapa-sexy sa movie?

"Basta ano, dapat hindi lang pagpapa-sexy ang kaya nilang gawin. Kailangang may ilabas din silang akting para ano... Kasi hindi naman forever yung pagpapa-sexy. Pag napatunayan mo na marunong kang umarte, magtatagal ka sa industriya."

ARA & MANNY IN ONE SHOW. Natutuwa si Ara dahil abala na naman siya ngayon. May mga TV guetings siya, may mga pelikulang gagawin, at may mga out-of-the country shows. Bukod dito, kasama rin siya sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Totoy Bato na pinagbibidahan nina Robin Padilla at Regine Velasquez.

"Happy ako kasi napuno yung schedule ko, yung February and March. At happy ako dahil binigyan ulit ako ng GMA ng project," sambit ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Speaking of Totoy Bato, kasama rin dito ang Pambasang Kamao na si Manny Pacquiao. Sa presscon ng nasabing serye ay hindi dumating sina Ara at Manny. Iniiwasan ba niya na magkita sila ni Manny dahil hanggang ngayon ay nali-link pa rin sila sa isa't isa?

"Luma na yung isyu na 'yan, My God! Dapat kami naman ni Robin ang maintriga!" biro ni Ara.

Paliwanag niya, "Nasa Qatar kasi ako kaya hindi ako nakarating sa presscon. Padating pa lang ako that night. So, parang ayaw ko namang i-harass yung sarili ko. 'Tsaka guest role lang naman ako.

"Hindi ko siya iniwasan. Kayang-kaya ko siyang harapin, di ba? Baka siya ang umiwas," biro niya ulit.

Okay lang ba kay Ara na magkita sila ni Manny kahit kasama ang asawa nitong si Jinkee Pacquiao?

"Oo, why not? Isasama ko rin yung sa akin. Joke!" tawa ulit ni Ara, na mayroon na ring boyfriend na businessman.

Sa Totoy Bato ay wala namang eksena na magkasama sina Ara at Manny dahil asawa ni Robin ang papel ng aktres. Pero okey lang ba sa kanya na muling makatrabaho at makasama sa pelikula ni Manny?

"Sa movie? Ah...parang huwag na muna. Kasi baka bumalik na naman yung isyu sa aming dalawa. Tama na yung ganyan-ganyan. Kasi, parang masyado akong na-trauma," saad niya.

May dapat ba talagang iwasan?

"Wala namang dapat iwasan. Kaya lang, hindi ko alam kung bakit ang init-init ng mata ng mga tao sa amin ni Manny. Para kaming love team!" tawa niya.

Bakit nga ba hindi mamatay-matay ang isyu sa kanila ni Manny?

"Yun nga ang iniisip ko, bakit hindi mamatay-matay? Talagang nato-torta na ang utak ko, bakit hindi mamatay-matay ang isyu na yun. Bakit? Wala naman talaga kaming naging relasyon, as in wala talaga," diin ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN