FIRST READ ON PEP: Alma Moreno's new husband is the mayor of Marawi City

Although actress-politician Alma Moreno refused to divulge the identity of her new husband, a PEP source revealed to us that the name of her husband is Sultan Fahad "Pre" Salic, who is the mayor of Marawi City in Mindanao.


Nasa gitna ulit ng kontrobersiya ang dating aktres na ngayon ay konsehala ng Parañaque na si Alma Moreno pagkatapos lumabas ang inililihim sana na pagpapakasal through civil rites niya sa mayor ng isang bayan sa Mindanao kamakailan. (Click here to read related story.)

Sa ngayon ay ayaw pang ilantad ni Alma ang ilang mahahalagang detalye tungkol sa kanyang napangasawa at sa kasalang naganap. Pero ayon sa isang mapagkakatiwalaang source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nabigla raw si Alma sa ginawa niyang desisyon. Wala pa raw kasi sa plano ni Alma ang mag-asawang muli sa puntong ito dahil priority ni Alma ang kanyang pagiging konsehala sa Parañaque, bukod sa kanyang mga anak.

"Wala munang love-love. Kasi hindi naman pinaplano 'yan. Sobrang love ko ang pagiging councilor ko sa Parañaque. Ngayon lang ako magsisimula nang mag-isa ako. Pero kung may magtitiyaga at marunong makibagay sa pamilya ko, why not?" pahayag ni Alma sa isang panayam.

Sa nakaraang 18th birthday party ng pamangkin ni Alma at mainstay ng I Love Betty La Fea na si Kristel Moreno sa Manila Pavillion noong January 15, dito unang namataan ng aming source ang napangasawang mayor ni Alma. Katabi raw ni Alma ang mayor sa long table, kung saan nakaupo rin ang mga kapatid ng actress-politician na sina Jeanette at Sonny Boy.

Si Sonny Boy ang bunsong kapatid ni Alma at ama ni Kristel na nakulong sa Davao City. Pansamantalang nakalabas si Sonny Boy nung nakaraang Pasko para makapiling ng kanyang anak na si Kristel.

Mulato raw ang kulay ng napangasawang mayor ni Alma at tamang-tama lang daw ang taas at laki ng katawan nito. May hitsura raw yung lalaki at bagay sila ni Alma. Hindi rin daw DOM yung guy dahil mas bata ito kay Alma. Dahil mukhang bata pa rin naman si Alma kaya they look a lovely pair habang tahimik pero sweet na magkatabi sa table.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat tumangging magbigay ng detalye si Alma tungkol sa katauhan ng kanyang napangasawa, bukod sa pagiging mayor nito sa isang bayan sa Mindanao, napag-alaman ng PEP mula sa isa pang source ang pangalan nito. Ang napangasawa ni Alma ay si Sultan Fahad "Pre" Salic na mayor ng Marawi City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN