Nadine Samonte apologizes to the fans of Hero Angeles

"Flattered ako na sa dami ng artista ng GMA-7, na-single out niya ako at yun nga, inamin niyang crush niya ako. Thank you na rin. But honestly, hindi ko pa siya masyadong kilala dahil hindi pa kami formally introduced at hindi pa kami nagkakasama sa trabaho. Wala akong ibig sabihin sa sinabi kong hindi ko siya kilala, nagsasabi lang ako ng totoo," explains Nadine Samonte about her initial reaction when she found out that Hero Angeles (inset) has a crush on her.


Kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaction ni Nadine Samonte sa pagtatampo ng ilang fans ni Hero Angeles dahil sa anila'y not-so-pleasant reaction ng young actress sa inamin ng young actor na crush siya nito.

Sana man lang daw ay nag-thank you si Nadine sa pag-a-admire sa kanya ni Hero. Sa halip, "Hindi ko siya kilala," ang sagot nito. Hindi 'yan nagustuhan ng fans ng Star Circle Quest winner.

Kung hindi kilala ni Nadine si Hero, bakit daw naikuwento ng binata sa entertainment press sa presscon ng Paano Ba Ang Mangarap? na nagbatian sila sa shoot ng TV plug ng GMA-7 talents.

Ipinarating ng PEP kay Nadine ang pagtatampo ng fans ni Hero. Nag-sorry naman ang StarStruck alumna kung may na-offend siyang supporters ng young actor.

"Flattered ako na sa dami ng artista ng GMA-7, na-single out niya ako at yun nga, inamin niyang crush niya ako. Thank you na rin. But honestly, hindi ko pa siya masyadong kilala dahil hindi pa kami formally introduced at hindi pa kami nagkakasama sa trabaho. Wala akong ibig sabihin sa sinabi kong hindi ko siya kilala, nagsasabi lang ako ng totoo," paliwanag ni Nadine.

Nabanggit ni Nadine na kahit sa guesting ay hindi pa sila nagkakasama ni Hero. Kung nagkakasama man sila paminsan-minsan sa SOP, wala rin daw silang chance mag-usap.

"Siguro 'pag nakita ko siyang madalas may masasabi na ako sa kanya. Mabuti pa nga si Sandara Park [Hero's runner-up in SCQ], nakasama ko sa isang show sa Boracay at okey naman siya," sabi ng young actress.


FRIENDSHIP IN GAGAMBINO. Bukas, February 20, ay magtatapos na ang fantaseryeng Gagambino, kung saan gumaganap si Nadine sa role ni Celine na very much in love kay Bino (Dennis Trillo) kahit kasal na siya kay Harold (Polo Ravales).

Wala pa siyang mabanggit na next project dahil wala pang sinasabi sa kanya ang management ng GMA-7. Ang pagkakasama niya raw sa Sine Novela na Dapat Ka Bang Mahalin ay sa entertainment press lang niya nalaman. Nanganganib pang hindi ito matuloy dahil umatras si Heart Evangelista na kapareha dapat ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang ikinatuwa ni Nadine sa Gagambino ay ang nabuong friendship sa kanila nina Isabel Oli, Jennica Garcia, at Glaiza de Castro. Hindi nila mami-miss ang isa't isa dahil tuloy ang pagkikita nila. Sa February 26 nga ay pupunta sila sa Boracay at hanggang katapusan ng buwan sila roon.

Nakatulong din para maging close sila ang pagiging fan nila nina Robert Pattinson at Kristen Stewart, ang mga bida sa Hollywood film na Twilight. Ngayon, pare-pareho nilang hinihintay ang movie adaptation ng sequel nitong New Moon.

Older sa kanilang apat si Isabel at pinakabata si Jennica. Paano sila nagkakasundo gayong hindi pare-pareho ang kanilang edad?

"Hindi problema yun dahil si Isabel ay isip-bata at si Jennica naman, isip-matanda. Kami ni Glaiza ang nasa gitna sa edad nila. Kapag magkakasama kami, walang bata at walang matanda sa amin," saad ni Nadine.

"Isip-bata" ang description niya kay Isabel, paano naman niya ide-describe sina Jennica at Glaiza?

"Si Jennica, harot yun, makulit. Si Glaiza sa simula lang tahimik. Pag inumpisahan nang magkuwento, walang tigil. Super-kulit ang isang yun."

Kasama nila si Katrina Halili sa Gagambino, bakit hindi nila ito naging close?

"Oo nga. Mas close pa nga kami kay Jean [Garcia]. May sariling mundo kasi si Katrina, pero okey naman kami. Mas close lang talaga ako dun sa tatlo," paliwanag ni Nadine.


NOT YET MARRIED. Kamakailan, nabalitang magpapakasal na si Nadine sa boyfriend niyang si Emerson Chua, na three years na niyang karelasyon. Bagay na itinanggi ng dalaga dahil wala pa raw siyang balak mag-asawa at marami pa siyang gustong gawin.

Hindi ba nila pinag-awayan ng boyfriend niya ang mga kissing scenes niya?

"Nagkakatampuhan kami, pero never kaming nag-away dahil sa kissing scene," sagot ni Nadine. "Pinapanood niya ang kissing scene ko para makita raw niya kung may feelings ang pakikipaghalikan ko. So far, wala pa siyang nakikitang dapat niyang pagselosan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong mabalitang puwedeng magkasakit sa pakikipaghalikan, tinawagan ko siya at sabi ko, 'Hon, may sakit daw pag nakipaghalikan.' Ang sabi ba naman, 'Sino ba ang nakikipaghalikan kung kani-kanino?' Natawa na lang ako," natatawa ring kuwento ni Nadine.

Hindi rin naging isyu sa kanila ang family ni Emerson dahil hindi pala ito purong Intsik. Ang lola lang daw nito ang pure Chinese.

If ever mag-decide silang magpakasal kahit ngayon, walang tututol. Pero inulit ni Nadine na wala pa sa plano nila ang lumagay sa tahimik.

"Bukod sa marami pa akong gustong gawin sa career at buhay ko, bata pa ako para mag-asawa. Magtu-21 pa lang ako. Nagulat talaga ako sa isyung yun. Hindi pa nga siya nagpo-propose, hindi pa kami engaged, ang weird ng balita," sabi ni Nadine.

Kumuha na rin si Nadine ng unit sa isang condo sa may Ortigas na puwede niyang tirhan o ibenta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN