Producer-actor Allen Dizon on gay-themed movies: "Sa dami ng gumagawa, bakit pa kami makikisabay?"

Says Allen Dizon on forthcoming projects: "We want to be different. Gusto ko, maayos ang production values at socially-relevant ang tema, gaya ng Marino at Dukot (Desaparecidos). Independent films, pero mainstream in production values, stars, and promotion."

"I have nothing against gay films, pero sa dami ng gumagawa, bakit pa kami makikisabay?" says actor-film producer Allen Dizon.


Never natukso ang award-winning hunky actor at producer na si Allen Dizon na mag-produce ng tinatawag na gay films, pelikulang sa kabaklaan umiikot ang tema. Ito ay sa kabila ng sunud-sunod na paghataw sa takilya ng mga ganitong klaseng pelikula.

"I have nothing against gay films, pero sa dami ng gumagawa, bakit pa kami makikisabay?" sabi ni Allen sa story conference ng pangalawang pelikula ng kanyang ATD Entertainment, Marino, na ginanap sa isang restaurant sa T.M. Kalaw, Manila kahapon, February 18.

Patuloy niya, "Kaya kami natagalang mag-decide sa next project. We want to be different. Gusto ko, maayos ang production values at socially-relevant ang tema, gaya ng Marino at Dukot (Desaparecidos). Independent films, pero mainstream in production values, stars, and promotion."

May baklang character, pero hindi kabaklaan ang unang pelikula ng ATD na Paupahan; pati na rin ang Marino. Ang Marino ay mula sa panulat at direksiyon ng Ateneo graduate at Cinemalaya alumnus na si Paul P. Sta. Ana.

Ani Allen, "First course ko sa college ang Marine Engineering sa PMI [Philippine Marine Institute]. Kahit one semester lang ako dun, marami akong natutunan sa buhay-seaman. Kung hindi ako nag-artista, baka seaman ako."

Maituturing na powerhouse cast ang Marino, pang-mainstream sa laki at best of both worlds—GMA-7 at ABS-CBN stars. Ka-partner ni Allen ang nagbabalik-GMA-7 na si Ara Mina. Dalawang bidang babae pa ang kasama nila, ang Kapamilya stars na si Krista Ranillo at ang Tanduay 2009 image model na si Bangs Garcia.

Sa mga kalalakihan naman, nasa cast din sina Emilio Garcia, Marco Alcaraz, Philippine Idol finalist Jan Nieto, at StarStruck 2 winner Mike Tan ng GMA-7; at ang Pinoy Big Brother housemates na sina Victor Basa at Rico Barrera from ABS-CBN. Kasama rin sina Jaja Jaboom Gonzales, Benjie Felipe, Holy Reyes, Lui Manansala, at ang anak ni Allen na si Nella Marie Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kukunan ang nasabing pelikula sa mga bayan ng Paombong at Malolos sa Bulacan; sa Bangkok, Thailand; at ilang karagatan sa Asya.

Si Jan ang aawit ng theme song ng Marino na "Bakit Kailangang Lumayo?" na isinulat ni Ogie Alcasid.

Pagkatapos ng Marino, isusunod na ni Allen ang Dukot (Desaparicidos) sa direksiyon ni Joel Lamangan. Sinusubukan nilang kunin ang serbisyo ni Iza Calzado bilang partner ni Allen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN