Boy Abunda still refuses to talk about rumored case against John Lapus

"I wish I could talk about it. Pangako ko sa inyo, when I'm able to talk about it, iisa-isahin ko ito. I was advised by my lawyer to shut up, but daldal ako nang daldal. Uulitin ko, I'll try to fix this as decently and as quietly as possible," says Boy Abunda about the reported case that he will file against John "Sweet" Lapus.


Usap-usapan ang balak diumano na pagsasampa ng demanda ni Boy Abunda laban sa Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus dahil sa mga hindi raw magagandang salitang binitawan ng huli kay Boy. Nang dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Showbiz News Ngayon last Tuesday, February 17, tinanong namin si Boy kung tuloy ba ang nasabing demanda at kung bukas ba ang puso niyang makapag-usap sila ni John.

"If it's in legal way, might be or might not be," sagot niya. "I wish I could talk about it. Pangako ko sa inyo, when I'm able to talk about it, iisa-isahin ko ito. I was advised by my lawyer to shut up, but daldal ako nang daldal. Uulitin ko, I'll try to fix this as decently and as quietly as possible.

"Kilala n'yo naman ako, ayokong nakikipag-away. Sanay akong mag-ayos ng mga nag-aaway. Nakakapagod makipag-away, wala akong record na ganun. Marunong akong bumalato, marunong akong magpabugbog, at hindi ako papatol. Siguro nalalaman ninyo na pag ako nagalit na, mayroong pinanggalingan.

"Darating ang time that we'll be able to talk about it. Kung mapatawad ko ba siya? Oo naman, of course I will. Pero hayaan na muna nating gawin ang mga dapat gawin," pahayag ni Boy.

MARIAN RIVERA. Nabanggit din ni Boy na naayos na ang hindi nila pagkakaunawaan nila ng Kapuso star na si Marian Rivera.

"Nagkausap kami sa telepono sa pamamagitan ni Ricky Lo. Nasa Samar ako nung tumawag sila. We had a very good conversation, tawanan. Tapos nagpadala siya [Marian] sa akin ng mga fruits na napakasasarap!

"We're very good now. Hindi ko masaasabing best friends, but we're getting there. I will never be surprised [if] we will be very god friends."

SHOWBIZ OVERLOAD. After leaving the morning slot of Boy & Kris and transferring to primetime with a new showbiz-oriented talk show SNN, marami ang nag-aalala na baka magkaroon ng overexposure at kasawaan ang tandem nina Boy at Kris Aquino. Bukod kasi sa SNN ay napapanood din sina Boy at Kris sa isa pang showbiz talk show, ang The Buzz, every Sunday naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Boy tungkol dito.

"Wala namang over-exposure ngayon," paglilinaw niya. "What is exposed is nice. Mayroong kuwento araw-araw. Bahagi na ang showbiz news sa bawat pamilya ng bansang ito. Kung mayroon tayong lugar 'ika nga sa mga hard news, e, ano pa kaya sa show business? Mayroong nangyayari araw-araw sa showbiz, so yun ang ina-achieve namin.

"Aside sa lifestyle, I did a wonderful, wonderful interview with BB Gandanghari [formerly Rustom Padilla] which will start to air by next week. Saka may mga immediate stories talaga na kailangang gawin, like the Nina-Nyoy [Volante], at marami pang iba.

"Dito, ang mangyayari kasi sa aking palagay, ngayon ko lang naisip, I don't think we'll do live interviews. Ang The Buzz, iba naman, may POV, we have Buzz Tough Ten... In other words, the combination of all the news that happened in the week passed, e, hihimay-himayin sa The Buzz. May analysis kami dun, mayroon kaming thorough na pagkukuwento sa iba't ibang kuwento.

"Halimbawa, may mga balitang hindi tapos na dapat tapusin. Sa The Buzz, gagawin natin yun. Kung halimabawa may ibang anggulo, if Nina-Nyoy story happened for example on a Friday, I think I should do Nyoy on The Buzz. Mas malaki ang pagkakataon ang mga artista at manonood na mas maunawaan ang mga nangyayari," paliwanag ni Boy.

Ayon sa pinakahuling national survey na inilabas ng TNS, pumapalo sa ratings ang SNN. Ano ang reaksiyon dito ni Boy?

"Alam mo, importante ang ratings. Ratings is good, it is an affirmation that people support you, that people are watching you, and that's very good. But I don't think that it should consume you, dapat hindi ka nahihila doon.

"Sa tinatagal-tagal ko sa negosyong ito, sa tinagal-tagal natin sa trabahong ito, it does not become principal in my work. I wanna do my job well. Kaya kami pag nag-uumpisa yung show, I wanna make sure we collaborate with the writers, nagtatanong kami. 'Tama ba ang kuwentong ito?' Tumatawag kami... Kami ang tumawag kay Nyoy, kami ang tumawag kay ganito...we get involved in the making of the show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PASSING THE TORCH. Ang pumalit sa iniwanang timeslot ng Boy & Kris ay ang Ruffa and Ai naman nina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai de las Alas. Ayon din sa national survey ng TNS ay maganda ang ratings ng bagong morning show na ito.

"I'm very happy for them," sambit ni Boy. "I gave them a pep talk. Alam ninyo kung bakit I was very emotional about the morning show? Kasi matagal ako dun. Pinuhunanan ko yun ng pawis, dugo, buhay, pagmamahal. It was not easy but you move around. You just can't be on your comfort zone. Gusto mo ng maganda ang laban at maganda ang kahihinatnan ng iyong karera, you should push your limits."

Kung si Kris ang nagrekomenda kay Ruffa, si Boy naman daw ang nag-recommmend kay Ai-Ai. Totoo ba ito?

"Oo naman, ako naman ang manager," sagot niya. "But we're toying around, we were planning with a lot of things. Tinanong naman kami... Yun naman ang maganda sa ABS, kumukonsulta. So Ruffa, Aileen [Ai-Ai], lahat pinag-usapan yun."

Masaya ring ibinalita ni Boy sa PEP na from ANC ay ililipat na ang show niyang Private Conversations sa ABS-CBN.

"Isa yun sa aking hiling sa ABS, to move it from ANC to ABS, and ibinigay naman nila ang hiling ko. Mag-i-start kami right after Holy Week."

BACK TO SCHOOL. Sinabi rin ng mahusay na TV host na nag-aaral siya ngayon.

"I'm on my second term, International on Public Diplomacy sa Helena Benitez School of Diplomacy and by March, I'm supposed to defend my thesis. Sa isa naman, I'm doing my ComArts thesis also this March.

"Mahirap ang oras, pero hahanap ka talaga ng oras. Gusto ko lang lumawak ang aking perspektiba, gusto kong ma-excite ako, gusto ko pang maraming matutunan and, eventually, I want to teach either in Ateneo or sa Women's [University]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN