Michelle Madrigal doesn't see herself getting back with ex-boyfriend JC de Vera

"Kahit na sabihin mong siya yung first love mo or first boyfriend mo, hindi na. Kasi sobrang ang tagal na naming naghiwalay. Lalong nag-iba na yung... Alam mo yun, yung gusto ko sa buhay, at siya rin, lalo na siya... So I think mas okay kami na magkaibigan," says Michelle Madrigal about ex-boyfriend JC de Vera.


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Michelle Madrigal ay sinabi nitong mas close na sila ngayon ng nakaalitan niya noon na si Pauleen Luna. Nagkasama ang dalawa sa telefantasya na Luna Mystika, kung saan gumanap sila bilang mga lambana (fairies).

"Nung una, sinabi namin na mahirap na pinipilit yung mga bagay," umpisa ni Michelle. "Siyempre nung una, ilangan pa, at yung magkagalit nang medyo matagal, hindi naman agad magiging okay sa isa't isa. Pero ngayon, okay na talaga kami. Kami kasi yung laging magkasama sa taping, dun kami nag-bonding. Yun yung magandang nangyari sa amin, nagkukuwentuhan na kami. Tapos na lahat yun."

Iginiit din ni Michelle na hindi totoo ang lumabas noon na ang naging dahilan ng gap nila ni Pauleen ay si JC de Vera, na pareho nilang naging ex-boyfriend. Misunderstanding lang daw ang pinag-ugatan ng lahat, mga sabi-sabi mula kung kani-kanino, at hindi involved si JC.

JC DE VERA. Speaking of JC, kumusta na ba sila?

"Kami ni JC, okay na din kami. Magkakapatid na kaming lahat ngayon kay Tita Annabelle [Rama]."

Bukod sa iisa ang manager nila, magkaibigan na raw sila ngayon ni JC.

"Okay kami, friends. Ang tagal din naming hindi nag-usap ni JC mula nung naghiwalay kami. Pero naging okay na ulit kami nung nagkatrabaho na ulit kami dito sa GMA."

Seven months daw tumagal ang relasyon noon nina Michelle at JC.

Boto rin daw si Michelle kay Rhian Ramos para kay JC. Aniya, "Gusto ko nga silang dalawa, ang cute kasi nila together."

Pero may chance kaya na magkabalikan sila ni JC? Sarado na ba ang pintuan para maging sila ulit?


"Hindi naman sarado. Kaya lang right now, enjoy muna kami na okay kami na magkaibigan," sagot ni Michelle.

Nagkaroon ba sila ng closure ni JC?

"Hindi maganda yung hiwalayan namin," pag-amin niya."Tapos nung bati na kami, hindi na namin napag-usapan, hindi na namin pinag-usapan. Kasi sa tagal mong hindi nakausap yung tao, given na siguro na okay na. 'Tsaka nagkaroon na kami ng kanya-kanyang relationships kaya I don't think kailangan pang ibalik."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What if manligaw ulit si JC kung wala itong girlfriend?

"Hindi na mangyayari yun!"

Halimbawa lang...

"Ah, halimbawa lang? Sa nakikita ko kasi, isa rin naman sa reason kaya kami nagkahiwalay, kasi magkaiba talaga kami. Ako, sobrang outgoing ako na tao, e. Siya, hindi. Gusto niya relax, chill, mga ganyan.

"So, nung kami dati, yun na yung mga nagiging problema namin, na ako gusto ko lalabas, siya ayaw niya. Gusto niya magkasama kayo, nakaupo tapos nagkukuwentuhan lang.

"So, hindi ko na nakikita na kung mangyari man yun, parang hindi rin, kasi alam mo na kung ano yung pag-aawayan ninyo. So, bakit mo pa ipapasok ang sarili mo sa sitwasyon na yun? Na alam mo na naman kung ano ang mangyayari.

"So, kahit na sabihin mong siya yung first love mo or first boyfriend mo, hindi na. Kasi sobrang ang tagal na naming naghiwalay. Lalong nag-iba na yung... Alam mo yun, yung gusto ko sa buhay, at siya rin, lalo na siya... So I think mas okay kami na magkaibigan.

"Like ngayon, kunyari may problem ako, nakakausap ko siya. Mas okay na yung ganun. Kesa naman sisirain mo pa, e, di ba ang tagal naming hindi nag-usap? Bakit ko pa gugustuhing sirain pa yun?

"Kaya if ever manliligaw siya, hindi na rin kasi alam mo naman na hindi naman din magwo-work. Mas okay na kami as friends," saad ni Michelle.

IDEAL MAN. Kumusta naman ang lovelife ngayon ni Michelle?

"Okay naman, wala. May mga nagpaparamdam na non-showbiz. Masaya naman ako kahit wala. Like last Valentine's, nagpunta kaming Hong Kong with my girlfriends. Three days kami dun, mga non-showbiz friends."

Ano ba ang ideal man ni Michelle?

"Physically? Matangkad. Bihira akong magkagusto na pure Pinoy-looking, gusto ko mixed yung hitsura, mga tipong Phil Younghusband. Yung personality naman, yung may sense of humor, yung mapapatawa mo ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo matagal na ring loveless si Michelle.

"May naging bf ako, long distance. Pinoy siya, pero he's in LA. We met through a common friend. He was here when we met, early 2007. It lasted for eight months," lahad niya.

Bakit hindi nagtagal ang relasyon nila?

"Siguro at that time, hindi din siya ready. Kasi ako, alam niya hindi ko naman igi-give up yung career ko, kasi I was young pa and ang dami ko pang puwedeng ma-achieve; siya rin ganun. Napag-usapan namin na it's not going to work, e, sayang lang naman ang time namin kung alam din naman namin na wala ring mangyayari. Nagiging busy na din ako sa taping kaya ganun."

ZORRO. After her stint in Luna Mystika, mapapanood naman si Michelle bilang isa sa mga leading ladies ni Richard Gutierrez sa Zorro. Tatlo silang female leads dito, along with Bianca King and Rhian Ramos.

Ano sa palagay niya ang edge niya over the two ladies? Anong meron siya na wala sina Bianca at Rhian?

"Morena ako!" hagikhik ni Michelle. "Iba ang beauty ko sa kanila, mestiza sila, e. Iba-iba naman ang mga role namin. Kailangan na lang bigyang-kulay namin yung mga role namin.

"Masaya nga kami ni Bianca kasi the last na kontrabida kami was Dyesebel. Kaya for me, I think it's interesting, di ba? Ang takot ng isang kontrabida is yung ma-typecast ka na lang na ganyan na kontrabida ka na lang forever. E, the fact na mabigyan kami ng chance na isa kami sa mga leading ladies ni Chard, sobrang todo na ito!" masayang sabi niya.

Mapipiga raw nang husto ang acting niya sa Zorro.

"Acting kung acting ito. Yung sa akin, more on the acting side ako doon."

Nagbunga ang paghihintay ni Michelle. Kahit hindi siya bida sa past projects niya ay never siyang nagreklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi. Ako, kung ano lang yung ibinibigay na project sa akin, tinatanggap ko naman. Lagi kong sinasabi dati, alam ko, magugustuhan ng tao anuman yung role ko. Depende yun sa pag-portray ko. Gagawin ko na lang ng maganda, para kung ano yung makita nila, mapansin nila.

"Hindi naman ako nagmamadali sa career ko. Feeling ko, yung dahan-dahan. Three years na naman ako, di ba, pero never naman akong nawalan ng trabaho," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN