Director Cathy Garcia-Molina compares John Lloyd-Sarah and John Lloyd-Bea love teams

"E, kasi po, ang pangit din naman pong itanggi. Parang itinatanggi mo ang blessing kapag tinatawag sa 'yo. Ako po, kung ano ang itawag, maraming salamat," explains director Cathy Garcia-Molina on her tag as "box-office director."


Aware ang direktor na si Cathy Garcia-Molina na marami sa mga manonood ang nag-e-expect ng mas mataas na level ng kilig sa sequel ng A Very Special Love, ang You Changed My Life, starring John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo.

"Siyempre, marami sa atin ang nag-e-expect ng same level of kilig. Sila, sila pa rin dito, sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Dapat lang talaga na mas mataas na level of kilig," saad ni Direk Cathy sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).


BOX-OFFICE DIRECTOR. Halatang naiilang pa rin si Direk Cathy kapag tinatawag siyang "box-office director" dahil na rin sa pagiging topgrosser ng A Very Special Love last year at iba pa niyang mga pelikula. Hindi pa ba siya "at home" sa title niya?

"E, kasi po, ang pangit din naman pong itanggi. Parang itinatanggi mo ang blessing kapag tinatawag sa 'yo. Ako po, kung ano ang itawag, maraming salamat."

Aminado ang lady director na may pressure sa kanila na pantayan o higitan ang success ng una niyang pelikula with John Lloyd and Sarah.

"At the back of my mind, nandiyan na 'yan. Although, I always prepare myself na time will come, may mga bagong darating na director, mas magagaling, maraming fresh ideas. I am preparing myself. Hangga't kaya kong magbigay, hangga't tinatanggap nila ang mga kaya kong ibigay, yung kuwentong ibinibigay namin."

WORKING TOGETHER AGAIN. Ikinuwento ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Cathy na noong hindi pa ginagawa ang You Changed My Life ay nakausap namin si John Lloyd Cruz. Inamin ng aktor ang hesitation niya sa paggawa ng sequel. On Direk Cathy's part, nagkaroon din ba siya ng ganoong feelings?

"Wala akong hesitation na gawin yung part two," sagot ng direktor. "Ang hesitant lang ako is to make a movie again with him [John Lloyd]. Kasi I said, ayoko muna siyang makatrabaho. Siya rin, para mag-grow rin siya, at ako rin. Kasi, masyado na akong sanay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaso nang i-offer 'to, parang feeling ko, hindi naman puwedeng hindi kami magsama ulit. Kaya sabi ko, 'Lloydie, after nito, break tayo.' Totoo naman po, may gagawin siyang movie with Inang, with Direk Olive Lamasan. Ako rin naman, e, may susunod din daw."

Ito rin daw ang sinabi ng direktor kay Sarah, na subukan niyang makipagtrabaho sa ibang direktor.

THE DIFFERENCE. Ano naman ang bagong makikita ng mga manonood sa You Changed My Life, lalo na't very successful ang A Very Special Love?

"Ang kaibahan? Ako, yun lang, inilagay namin siyang steps higher in terms of kilig and love story. Kapag nagliligawan, iba. Kapag naging kayo, iba. Kapag tumagal-tagal kayo, more than six months, iba rin. So, yung kuwento, naka-based sa ano ang alam natin generally.

"Majority sa atin, e, na-experience yun. Yung first time natin, ganito kilig; after six months, ganito. Kapag nagliligawan ganoon. Para madaling mag-emphatize sa character. Nakikita mo ang sarili mo kay Layda [Sarah], nakikita mo kay Miggy [John Lloyd]."

Si Direk Cathy ang direktor nina John Lloyd at Bea Alonzo sa One More Chance noong 2007 at sina John Lloyd at Sarah sa back-to-back movies nilang A Very Special Love at You Changed My Life. Ano ang nakikita niyang difference ng dalawang love team na ito?

"Mas young, mas young yung Sarah-John Lloyd. Precisely because bago rin sila. Bagong love team, bagong nagkakakilanlan. So, yung mababaw na kilig, light na kilig ang meron sila.

"I would like to believe na yung Bea-John Lloyd tandem, iba ang ino-offer. It's a different kind of love, it's a different kind of kilig. And I think, they have proven it in One More Chance, na kahit break-up movie, may kilig pa rin," pagkukumpara ni Direk Cathy.

Dahil nakikita at nakakasalamuha sina John Lloyd at Sarah, may nakikita ba siyang chemistry sa dalawa even off-cam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, yung sinabi ni John Lloyd na naging masayahin talaga siya. Noong Part One po, panay po ang libre! Totoo po yun! Nanlilibre po ng pagkain, sa cast, sa crew. Sabi ko nga, 'Kumusta ka naman? Ngayon mo lang yata ako nalibre sa buong buhay mo!'" natatawa nitong sabi.

Sabay dugtong na, "Pero ngayon, hindi na... E, mas mayaman siya ngayon. May Betty pa... Well, pagod po kasi yung tao. Siguro yun."

Ipalalabas ang You Changed My Life simula February 25.




Trailer courtesy of Star Cinema and Viva Films


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN