JC Tiuseco on being object of fantasy: "Wala na sa kontrol ko yun."

"Okay lang kung pagdudahan nila ako, kasi alam ko naman yung sarili ko. Kilala ko ang sarili ko," says JC Tiuseco about the staple gay rumor among male newcomers.


Okay lang sa first Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco ang sexy pictorials, pero hindi pa raw niya kayang mag-pictorial na skimpy trunks lang ang suot niya.

"Depende po sa manager ko [Jonas Gaffud], hindi ko alam kung okay sa kanila yun. [Kung] naka-boxers lang, kaya ko. Pero hindi ko pa talaga kaya ang mag-trunks," sabi ni JC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nagdyi-gym ba si JC to maintain his well-proportioned body?

"Opo, nagdyi-gym ako para sa abs ko," sagot niya. "Kasi, nakakahiya naman kung hindi nasa tamang porma ang katawan ko. Dati five times a week, pero ngayon mga three times a week na lang. Siyempre, madami pa akong gustong i-improve."

Okay rin daw sa kanya na magpa-sexy sa isang eksena sa TV or sa pelikula.

"Okay naman sa akin na medyo sexy, basta topless lang muna. Yung higit pa dun, hindi ko pa kaya, hindi ako makakaarte nun. Conservative po kasi yung family ko. Supportive naman sila sa mga ginagawa ko, pero kapag pagpapa-sexy na, ewan ko lang kung okay sa mommy ko!"natatawang pahayag ni JC.

Speaking of being sexy, tinanong namin kung sino ang sexiest local female celebrities para kay JC. At ang napili niya ay sina Heart Evangelista, Rhian Ramos, Marian Rivera, at Iwa Moto.

Ano namang bahagi ng katawan ng apat na Kapuso stars na ito ang type niya?

"Si Heart yung eyes niya. Si Rhian, hair at legs. Si Marian, yung face. Si Iwa, yung body niya," paglalarawan ng 23-year-old model.

Aware ba siya na pantasya siya ng maraming kababaihan at mga bading?

"Aware po," sagot ni JC. "Wala naman po akong magagawa dun, wala na sa kontrol ko yun. Okay lang naman po sa akin, normal naman sa tao yun."

Ang mga baguhang lalaki sa showbiz, kung hindi pagdududahan na may syotang bading ay pinagdududahan namang bading. Ano ang magiging reaksiyon ni JC kapag may nagduda sa pagkalalaki niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay lang kung pagdudahan nila ako, kasi alam ko naman yung sarili ko. Kilala ko ang sarili ko," sabi JC, na isa sa mga prized talents ng Mercator Artist Management ni Jonas Gaffud.

Kababata at kapitbahay pala ni JC ang isa sa participantes ng Pinoy Fear Factor na si Ram Sagad, na isa ring modelo. Natsitsismis na may gay benefactor si Ram.

Pero ayon kay JC, wala siyang pakialam rito. Kung totoo man ito o hindi, hindi raw siya nakikialam sa buhay ng may buhay.

Idiniin naman ni JC na wala siyang gay benefactor. Hindi rin siya nagagalit kung may mga tsismis man na ganito about him. Ang importante raw, alam niya ang totoo at malinis ang konsensiya niya.

Never pa raw siyang nakatanggap ng indecent proposal mula sa kahit na sinong gay.

Regular na napapanood si JC sa morning show ng GMA-7 na Unang Hirit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN