Boy Abunda says filing case against John Lapus "is the strongest option"

"Willing akong makipag-usap, willing akong makipag-ayos, willing akong magpatawad. Pero hindi nangangahulugan na nagpapatawad, hindi mo ipaglalaban ang karapatan mo bilang tao," says Boy Abunda pertaining to his rift with John Lapus (inset).


Unti-unti nang binabasag ng TV host-talent manager na si Boy Abunda ang kanyang pananahimik sa dahilan kung bakit posible niyang idemanda ang Showbiz Central host na si John "Sweet" Lapus.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Boy sa live telecast ng bago nitong programa sa ABS-CBN, ang Showbiz News Ngayon (SNN), noong Miyerkules ng gabi, February 18, pahapyaw na itong nagsalita ng rason kung bakit may posibilidad na kasuhan niya ang dating kasamahan sa The Buzz.

Hangga't maaari, ayoko talaga," bungad niya. "May mga ginagawang steps. Of course, my lawyers are bent on going into the legal options, pero patuloy na pinag-uusapan. But in the next few days, maybe in one week, meron 'yan.

"Ako, gusto ko ng tahimik na pag-aayos. Gusto ko talaga ng tahimik, maayos na usap," giit ni Boy.

Willing ba siyang mag-meet sila ni John?

"Oo naman," sagot ng TV host. "Willing akong makipag-usap, willing akong makipag-ayos, willing akong magpatawad. Pero hindi nangangahulugan na nagpapatawad, hindi mo ipaglalaban ang karapatan mo bilang tao.

"I'm not allowed by the lawyers to talk about it, but I will. Kasi ang hirap mag-'no comment.' Ako rin kasi pag nagtatanong ako, gusto ko ring sinasagot ako... Yeah, pupunta kami doon, pero may mga ginagawa ang mga abugado ko na steps na ipinapaintindi nila sa akin na bahagi ng proseso.

"Pero kung ako ang tatanungin bilang tao, sa tinagal-tagal ko na sa negosyong ito, hindi ako marunong mapikon, hindi ako marunong magtanim. For me to really get mad, it will take a lot," sabi ni Boy.

Ano ang turning point at bakit nagalit siya nang todo?

"The presence of the pattern and the cycle," mabilis na tugon ni Boy.

Ano ang ibig sabihin nito?

"Oo, e. That's the farthest I can go...paulit-ulit at walang katapusan."

Na ginagawa ni John?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, at one point, he came... Ano, e, magagalit na ano ako e..." pigil ni Boy sa sarili para sa susunod na pahayag. "Anyway, akala ko tapos na ito. You know... Dyusko, ang dami kong sasabihin!" natatawang pigil uli ni Boy sa sarili para magsalita ng tuluyan.

"Bawal ito... Okay, the turning point is, this has to stop! It really has to stop. I am condoning something that should not continue. Ayoko talaga."

Puwedeng may nagpapagulo lang ng isyu sa kanila ni John. Maaaring sabihin ng iba na may nagsulsol lang sa kanya.

"Hindi naman, hindi naman. Masyado na akong malaki para masulsulan," tanggi niya.

Aware ba si Boy na may dalawang reporters na nababalitang idedemanda raw ni John?


"May nagsabi sa akin...," nangingiting tugon ni Boy dahil alam niyang naghihintay kami ng susunod pa niyang comment o pahayag.

"Hindi ko talaga alam. Hindi ko talaga alam... Pasensiya na, hanggang diyan lang. Pag kumlaro 'yan, magsasalita ko. Ako pa!" pahabol niyang sabi.

Pero hindi ito isang pagkakataon na malalagay na lang sa isang isang sulok o sa isang tabi. Itutuloy ba niya ang demanda?

"Ang sabi ko nga, it's one of the options. It's really one of the options. It's the strongest option, as of matter of fact," pagtatapos ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN