Anne Curtis denies kissing non-showbiz guy in a bar

"I know naman na may pangalan na akong pinangangalagaan, so hindi ko naman ito gagawin. Ang nakapagtataka, bakit ngayon lang ito naisulat, ang paglabas-labas ko, e, ang tagal na nga nito?" says Anne Curtis about a rumor that she was spotted in a bar kissing a non-showbiz guy.


Sa Hong Kong nag-spend ng Valentine's at ng kanyang birthday ang MMFF Best Actress (for Baler) at Viva Artist Agency's top girl na si Anne Curtis, kasama ang kanyang mga kaibigan.

Shopping spree at pahinga ang ginawa ni Anne sa Hong Kong bago siya bumalik sa trabaho. Ang dati kasing napabalitang naisantabi na miniseries niyang The Wedding, ka-partner si Derek Ramsey, ay itutuloy na raw ulit at malamang ay sa June ipalalabas.

Tulad ng napasimulan niya dalawang taon na ang nakalilipas, si Anne ang nagbibigay ng thanksgiving party sa mga kaibigan niyang press tuwing kaarawan niya. Ngunit sa pagkakataong ito, imbes na advanced ay post-birthday na niya ito ginawa—kahapon ng tanghali, February 19, sa Timog Ave. dahil kararating niya nga lang from Hong Kong.

"Getting there" yata ang word of the month ng mga artista na tinatanong tungkol sa kanilang relasyon. Narinig na namin ito kina Nikki Gil at Billy Crawford nang tinanong ang dalawa kung sila na ba; kung moving on na ba si Isabel Oli pagkatapos ng tatlong taong relasyon kay Paolo Contis; at ngayon nga kay Anne tungkol naman sa split nila ni Sam Milby kung moving on na rin siya.

Ayaw nang pag-usapan ni Anne ang sa kanila ni Sam. May request din siya kay Sam na kung siya hindi na nagsasalita, sana raw pati na rin si Sam para matapos na ang lahat.

"Ang problema kasi, hindi na kami nag-uusap talaga," paliwanag ni Anne sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Naiintindihan ko naman siya kasi napanood ko yung last interview niya, parang he was being forced to answer or the question is being forced on him. Sam is a nice guy, e, hindi siya makatanggi kapag nire-request na siya.

"So ang request ko sa kanya at sa ibang press na rin, since ako hindi ko na ito gustong pag-usapan pa, sana siya na rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balik sa estado niya, bagamat masaya siyang muling single siya, hindi naman daw ibig sabihin ay magwawala na siya. Kamakailan kasi, isang news item ang naisulat na nahuli si Anne na nakikipaghalikan sa isang non-showbiz boy sa isang bar sa Makati.

Ito nga ang sinagot ni Sam nang tinanong ito at hiningan ng reaction ng PEP. Sabi ng Pop Icon, wala na siyang karapatan kung ano man ang gawin ni Anne. (Click here to read related story.)

Pero sa panig ni Anne, wala namang katotohanan ang nasabing tsismis.

"I must admit there was a three-month stage in my life na lumalabas ako at umiinom. Pero I'm done with it at wala akong hinalikan na guy. Wala, wala talaga! Lalo pa ngayon, how critical I am to myself sa mga ganitong situation.

"I know naman na may pangalan na akong pinangangalagaan, so hindi ko naman ito gagawin. Ang nakapagtataka, bakit ngayon lang ito naisulat, ang paglabas-labas ko, e, ang tagal na nga nito?" pahayag ng young actress.

Hindi alam ni Anne kung sino ang nagkakalat nito at wala na rin siyang pakialam kung bakit may mga ganitong balita. Statement niya nga tungkol sa ganitong klase ng balita: "Hindi naman ito ang pinakamalaking tsismis sa akin. Na-video scandal na nga ako noon!" sabay tawa nang malakas.

Nanalo si Anne kagabi, February 19, sa USTv Awards bilang Most Popular Actress for TV Series para sa Dyosa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN