Dingdong Dantes and Marian Rivera set new record on live chat

"Hindi namin makokontrol yung desisyon ng mga magulang. Hindi namin sila masisisi. Pero kami kasi, we believe in the project. Alam naman namin na may tiwala ang GMA. The network put the show in that timeslot for a reason. More importantly, it's the story, e. Kumbaga, kung ano yung pinagmumulan ng mga characters, kailangan maintindihan yun ng mga viewers," argues Dingdong Dantes about reports that some parents restrict their children from watch his primetime soap with Marian


Tuwang-tuwa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na na-break nila ang record sa live chat history ng www.iGMA.tv, ang official website ng GMA-7. Ang live chat na ito na in-organize ng GMA New Media Inc. (NMI) ay nasaksihan ng PEP (Phillippine Entertainment Portal) kahapon, February 19, sa mini-studio sa NMI office sa GMA Network kaugnay na rin ng teleserye ng dalawa na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

ALL-TIME HIGH LIVE CHAT NEW RECORD. Ayon sa official figures na nakuha ng PEP mula kay Connie Macaraeg-Tungul, ang online production coordinator ng NMI, ang bagong all-time high record na nai-set nina Dingdong at Marian ay 6,908 questions mula sa mga iGMA chatters at fans ng dalawa within of two hours of live chat. Pangalawang pagsasama na ito nina Dingdong at Marian sa iGMA live chat.

After ng nakakakilig na live chat ay nakausap ng PEP si Dingdong. Talaga namang overwhelmed siya sa bagong record na naitala nila ni Marian.

"Masayang-masaya ako, nakakataba ng puso!" sambit ni Dingdong. "Hindi naman namin maa-achieve ito kung wala ang mga fans namin, e. We owe it to them. Kaya nagpapasalamat kami ni Marian dahil hanggang ngayon ay solid pa rin ang suporta nila sa amin."

Ano ang ilan sa memorable na tanong sa inyo ng mga fans sa live chat?

"Karamihan sa mga tanong, concerning Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, na nagugustuhan na raw nila yung istorya, at nae-excite na sila sa mga twists sa story at sa characters namin ni Marian as Homer and Proserfina. Siyempre, hindi mawawala yung mga tanong tungkol kay Marian, sa aming dalawa."

Ano ang kaibahan noong first live chat n'yo together sa latest live chat n'yo ngayon?

"Well, masaya yung game. At least alam ko na hindi pa pala niya [Marian] alam lahat," ani Dingdong.

Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang nakakakilig na kissing game, kung saan magtatanong sila sa isa't isa ni Marian ng personal questions at kapag mali ang sagot ng isa ay may consequence na halik. Malalaman nila kung saang parte ng katawan sila hahalik sa mga nakasulat sa mga heart-shaped paper na nasa loob ng isang bowl. Nang magkamali si Marian, sa lips niya hinalikan si Dingdong. Nang si Dingdong naman ang magkamali ay sa leeg niya hinalikan si Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SIGNIFICANT OTHERS. Inamin ni Dingdong na binigyan niya ng Valentine's gift si Marian. Puting kumot ang regalo ni Dingdong kay Marian, na magagamit daw nito sa taping.

Ano naman ang ibinigay sa kanya ni Marian?

"Siya na lang ang tanungin n'yo," sagot niya. "Basta ang masasabi ko lang, yung gifts namin sa isa't isa ay simple lang, pero magagamit naman talaga namin. It doesn't have to be expensive. It's more of being meaningful and significant."

Significant ang mga gifts n'yo, so gaano ka-significant si Marian sa iyo?

"Well, siyempre very-very," matipid na sagot ni Dingdong.

Natural lang na tinanong din ng mga fans sa live chat nila kung ano na ang estado ng relasyon nilang dalawa. Ano naman ang naging sagot nila rito?

"Well, kaya nga live chat, e, kasi doon magandang mag-'ha-ha-ha.' Tapos mag-smiley. O kaya, 'I'll get back to you later.' Hindi, biro lang," ngiti niya.

Ano ang reaction mo kapag may nagsasabi sa inyo na gusto nila kayong magkatuluyan ni Marian?

"Siyempre nakakatuwa kapag nalalaman mo na gusto ng certain tao na yun na magkatuluyan kami ni Marian. So, siyempre ako, ipinapakita ko sa kanila yung appreciation na kung gusto nila kami, nagpapasalamat ako sa kanila.

"Kaya lang, mahirap ding magbigay ng definite answer. Kasi ayaw din naman namin ma-disappoint sila na kung sakaling hindi man namin masunod yung eksaktong gusto nila para sa amin, di ba? Ayaw naming ma-disappoint sila."

HIGH EXPECTATIONS. Ano ang comment mo tungkol sa expectation ng iba na dapat mag-number one din ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, since number one sa ratings ang Marimar at Dyesebel?

Ani Dingdong, "Gusto ko lang sabihin na ever since na gumawa kami ng teleserye ni Marian together, hindi namin inisip na kailangan number one kami. Ang importante sa amin ay nagagawa namin ang trabaho namin. Mahal namin yung trabaho namin at marami kaming napapaligayang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natural lang siguro na maninibago sila sa mga characters na ginagampanan namin ngayon, lalo na kay Marian as Proserfina. Pero marami pa kayong matutuklasan kay Proserfina, pati na rin kay Homer. Siguradong mas maiintindihan n'yo sila kung bakit ganito, kung bakit ganun," paliwanag pa ng aktor.

Madalas ang pagpapakita ng kaseksihan n'yong dalawa ni Marian sa teleserye. Sa tingin mo ba ay may epekto ito sa mga manonood?

"Wala naman akong nakikitang problema, kasi that's what the role requires us to do. Hindi naman namin ginagawa yun just to excite people. Part yun ng story, na as the soap goes on, malalaman n'yo kung bakit. 'Tsaka matatalino naman ang viewers natin. So, I don't see any bad effects sa mga daring scenes namin."

Pero ano ang masasabi mo sa report na binabawalan daw ng ilang mga magulang ang kanilang mga anak na manood dahil sa pagkakaroon ng sexy scenes nito?

"Hindi namin makokontrol yung desisyon ng mga magulang," sagot ni Dingdong. "Hindi namin sila masisisi. Pero kami kasi, we believe in the project. Alam naman namin na may tiwala ang GMA. The network put the show in that timeslot for a reason. More importantly, it's the story, e. Kumbaga, kung ano yung pinagmumulan ng mga characters, kailangan maintindihan yun ng mga viewers. 'Eto nga sa mga susunod na linggo, dun patungo ang relasyon ng bawat characters, bawat istorya ng mga characters."

Ano pa yung ibang aabangan ng mga manonood sa inyong teleserye?

"Marami pang twists na mangyayari. Lahat ng mga characters, may back story para mas maintindihan ng mga tao kung bakit ganun sila. Kay Homer naman, kaabang-abang yung mangyayaring transformation sa character niya. Mula sa pagiging boring ay magiging exciting na siya. Mas titindi rin ang conflict with Paolo Contis."

MEETING MARIAN'S DAD. May balitang pupunta ng Pilipinas ang daddy ni Marian na isang Español. Kung sakali, willing ba siyang makilala at makita ang daddy ni Marian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course. It will be a great honor."

Nagkaroon na ba ng chance na nakausap mo ang daddy ni Marian even by phone?

"Actually, naririnig ko sila kapag nag-uusap sila sa phone. Sa taping kasi, minsan biglang tumatawag yung daddy niya, so naririnig ko silang nag-uusap. Nagta-Tagalog nga, e, kasi marunong pala siyang mag-Tagalog at siyempre Spanish. Pero hindi pa kami nagkakausap," lahad ni Dingdong.

MOVIE WITH DIREK CARLO. May balita rin na tila hinihiram kayong dalawa ni Marian ni Direk Carlo J. Caparas sa inyong film companies—si Marian sa Regal Entertainment at si Dingdong sa GMA Films—para maisama kayo sa gagawin niyang movie. Totoo ba ito?

"Talaga?" tila nagulat na sabi niya. "Ngayon ko lang po nalaman 'yan. Salamat kung ganun. Sana nga matuloy. Sino ba naman ang hindi gustong makatrabaho si Direk Carlo? E, siya pa ang original creator ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, di ba? It will be a great honor. Tapos, movie pa with Marian. So, okey sa akin yun."

May aabangan din daw na mga bagong product endorsements na gagawin si Dingdong for 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN