Anne Curtis wants to end talks about ex-boyfriend Sam Milby

"Sana po, si Sam, huwag na ring magsalita. Kasi kapag may sinabi ako, sasagutin niya. Ako naman, kapag nakarating sa akin, sasagutin ko naman, wala na pong katapusan. Kaya mas maganda na huwag na lang pag-usapan 'yon at ituluy-tuloy na lang namin na mag-move kami pareho," says Anne Curtis.


Biro ng ilang entertainment press na dumalo sa birthday presscon ni Anne Curtis last February 19, para raw siyang may suot na chandelier dahil sa kanyang headdress. Tinanong ng entertainment press si Anne kung saan niya nabili ang headdress na suot niya.

"Sa Hong Kong, nang magpunta ako doon with my friends. Kasama namin si Raymond Gutierrez noong Valentine's Day. By Jennifer Bahr ito at nagustuhan ko nang makita ko kaya binili ko. Ay naku, huwag na ninyong tanungin ang price!" sagot ni Anne, na hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.

Reportedly, kung sa peso equivalent daw ay umabot ng P30,000 ang headdress ni Anne. Kahawig ito ng isinuot ni Pops Fernandez sa Missing You concert nila ni Martin Nievera. Sa mismong concert ay sinabihan ni Martin ang dating asawa na para siyang nabagsakan ng chandelier sa buhok niya.

LET'S ALL MOVE ON. Bakit tila ang saya-saya niya?

"Siguro po dahil naka-move on na ako talaga," sagot ni Anne, na tinutukoy ang breakup nila ng dating boyfriend na si Sam Milby.

Patuloy niya, "Kaya nga po hanggang maaari, nakikiusap akong huwag na siyang pag-usapan. It has been six months na wala na kami. Three months na kaming hindi nag-uusap and the last time na nag-appear ako sa ASAP, bago nag-Valentine's Day, nagkita naman kami doon. Pero nagbatian lang kami."

May hindi pa rin nakatiis na magtanong kung ano ang masasabi niya na nali-link ngayon si Sam sa Pinoy Fear Factor runner-up na si Janna Dominguez.

"E, di, I'm happy for them," sagot ni Anne. "Sana po, si Sam, huwag na ring magsalita. Kasi kapag may sinabi ako, sasagutin niya. Ako naman, kapag nakarating sa akin, sasagutin ko naman, wala na pong katapusan. Kaya mas maganda na huwag na lang pag-usapan 'yon at ituluy-tuloy na lang namin na mag-move kami pareho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman ni Anne, na hindi niya totally isinasara ang pintuan niya kay Sam. Patuloy pa rin daw niya itong susuportahan kung kailangan.

Totoo bang pinaghiwalay sila ni Sam ng Kapamilya network?

"Totoo po at hindi lang network, may iba pa," pag-amin niya.

May binanggit kaming pangalan kay Anne at ngumiti siya bilang tanda ng pagsang-ayon niya.

THE WEDDING. Pagkatapos ng pinagbidahan niyang fantaserye na Dyosa, nag-resume na ang taping nila ng The Wedding. Katambal niya rito sina Derek Ramsey at Zanjoe Marudo mula sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at May Cruz.

"Masaya nga po ako na after ng fantaserye, light drama, love story naman itong The Wedding, na ipalalabas daw po sa June, the wedding month. Akala ko nga po hindi na ito matutuloy, pero nang panoorin nila yung mga na-tape na namin a year ago, okey naman kaya itinuloy na rin," saad ni Anne

Dahil tungkol sa wedding ang susunod na show ni Anne ay tinanong tuloy siya kung naniniwala siya sa kasal.

"Opo naman," mabilis niyang sagot. "Naalaala ko when I was 22 years old, sabi ko at 25, gusto ko may asawa na ako. Now, at 24, iba na ang gusto ko, gusto ko na munang i-enjoy ang buhay ko. Nagpapakahirap po akong magtrabaho, gusto ko namang gastusin ang pinaghirapan ko sa paborito kong gawin, ang pagta-travel.

"Noong birthday ko, nag-celebrate lang ako with my friends sa Antonio's in Tagaytay. From there, nag-hang out lang kami sa bahay, hindi na kami lumabas. Noong Valentine's Day nga, nine kami ng mga friends ko na nagpunta sa Hong Kong, nag-avail po kami ng promo ng PAL. Hindi talaga ako nag-business class, nag-economy lang kami kasi mura.

"Kaya this summer, sana payagan ako ng Viva na magbakasyon for one month. Sa Europe naman kami pupunta ng mga friends ko. Sasama rin si Raymond, pero two weeks lang siya, kasi hindi siya puwedeng magtagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto naming pumunta sa Barcelona and Madrid in Spain, na hindi ko napuntahan last year... Sa Italy, Rome, Paris... Masarap mag-travel na walang boyfriend, walang magbabawal, wala kang aalalahanin," lahad ni Anne.

If ever na gusto na niyang magpakasal, ano ang gusto niyang wedding?

"I want it to be simple. Outside, saka sunset wedding ang gusto ko. Puwede rin ang beach wedding," sabi ni Anne.

"Sa honeymoon? Gusto ko sa Italy. Sabi nila, maganda raw sa Venice ang honeymoon, so hindi ko pupuntahan 'yon sa travel namin sa Europe. Mas maganda yung first time ninyong pupuntahan sa honeymoon."

Ano ang gusto niyang ibigay sa kanya ng pag-aasawa niya?

"Gusto ko lang po ng happy and healthy family, a loyal husband," parang nangangarap na sagot ni Anne. "Pero matagal pa po 'yon, siguro bago ako mag-30."

Paano kung gay pala ang nagustuhan niyang lalaki?

"Tatanggapin at pakakasalan ko siya," maikling wika ni Anne.

May next movie na rin daw siya sa Viva Films, hindi pa raw puwedeng sabihin pero drama muli ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN