Lovi Poe feels vindicated by R-18 rating of former X-rated Walang Hanggang Paalam

"We are left with choices naman. Gaya sa akin, ayoko pa ring basta nanonood ng sexually explicit films. Kasi, choice ko yun. Pero kung sa palagay ko, worth watching yun, o maganda ang sinasabi ng mga nakapanood, bakit hindi ko papanoorin? Ganoon lang naman," argues Lovi Poe about the sensitive themes of most of indie movies.


Sa wakas, naaprubahan na ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikulang Walang Hanggang Paalam with an R-18 rating. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na masaya si Lovi sa turn of events dahil kahit paano ay na-vindicate siya.

"Hindi naman talaga kasi ako gumawa ng anything objectionable sa movie," sabi ni Lovi. "At least, wala na akong worries. I have done everything for that film, na sa palagay ko ay tama at mabibigyan ng justification yung character ko.

"I play a 16 year-old girl na rebellious sa movie. At kahit noong nabigyan siya ng X-rating, proud pa rin ako sa ginawa ko. Affected lang ako sa maling impressions. Finally, mapapanood na ang movie at malalaman ng mga tao kung ano ang point ng mga sinabi ko about it.

"Sayang lang at hindi mapapanood ng younger fans ko ang movie. I must admit, delicate din sa young minds ang theme ng movie, about incest. Hindi naman forever na gagawa na lang ako ng pa-tweetums na roles."

IT'S A MATTER OF CHOICE. Hiningi rin ng PEP ang opinyon ni Lovi na napapag-initan ang karamihan ng indie films ngayon dahil pagrabe nang pagrabe ang mga tema nito. Kung hindi raw palasak ang kabaklaan, tungkol naman daw sa perversion, gaya ng incest.

Ani Lovi, "Hindi sa dyina-justify ko ang movie namin, pero siyempre, iba't ibang subject matter ang dapat na napapanood sa pelikula. Hindi naman puwedeng puro pa-wholesome na lang. It's a matter of choice.

"Like for one thing, I'm already an adult. I believe that I am entitled to watch movies na gusto kong mapanood, di ba? Pero 'pag menor de edad, gaya sa karamihan sa fans ko, of course, I discourage them from watching.

"We are left with choices naman. Gaya sa akin, ayoko pa ring basta nanonood ng sexually explicit films. Kasi, choice ko yun. Pero kung sa palagay ko, worth watching yun, o maganda ang sinasabi ng mga nakapanood, bakit hindi ko papanoorin? Ganoon lang naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm so happy being in an indie film," patuloy niya. "Hindi ko nga pinagsisisihan that I did something like Walang Hanggang Paalam and I'm proud of it, no matter what."

JOEM BASCON. Kapareha ni Lovi sa Walang Hanggang Paalam ang promising actor na si Joem Bascon. May kissing scenes ba sila sa pelikula?

"That you have to see," sabi ng young singer-actress. "It's really something done in good taste.

"Kami ni Joem," patuloy niya, "first day of shooting namin, okey agad kami. Magaang dalhin kumbaga, and he's very professional. Kaya pumayag din ako sa kissing scenes dahil alam kong magaling na actor ang magdadala sa akin."

ALJUR ABRENICA. Mas bongga raw kung ang kapareha niya ay si Aljur Abrenica na mas gusto ng fans para sa kanya. Dito na lang sa PEP, nagre-react ang fans kapag may interview kay Lovi, and openly sinasabi nilang dapat ay si Aljur ang maging kapareha nito.

"I don't know about GMA-7," sabi ni Lovi. "Pero sila naman ang magde-decide sa bagay na 'yan. Kung kami ni Aljur ang tatanungin, okey kami. Madalas nga kaming mag-usap, and both of us are very much aware about the fans, and they even call themselves Jury of Love, for Aljur and me.

"As of now, dream pa rin ang tungkol sa love team daw namin ni Aljur. Sa ngayon, masaya rin ako dahil iba-iba ang nakakapareha ko, at hindi naman ako nawawalan ng trabaho kahit wala akong permanent ka-loveteam, as of now.

"Kami pa rin ni Prince Stefan sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, at marami rin ang nagkakagusto sa team-up namin. Pero nagugulat nga ako kasi lahat ng fan mail na natatanggap ko, gusto talaga nila, Aljur-Lovi loveteam, na sabi ko nga, it's all up to GMA-7 to decide," pagwawakas ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN