Rafael Rosell takes a long time to recover from a breakup

"Kahit paano, na-realize ko na mas magandang huwag muna akong magseryoso sa pag-ibig, and give more time sa iba pang bagay, which I found out, nae-enjoy ko naman kahit loveless ako," says Rafael Rosell.


Halatang umiiwas si Rafael Rosell sa entertainment press noong mga unang araw na napabalitang nag-split na sila ng girlfriend niyang si Malaya Lewandowski. Pero nagulat na lang kami nang basagin ni Rafael ang katahimikan niya nang mag-text ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya para kumustahin ang lagay ng puso niyang nasugatan.

"I discovered that I have so much love pala for everybody, na for a time, umiikot lang sa iisang babae ang buhay ko," sabi niya. "I'm okay naman. It's true, iniyakan ko ang paghihiwalay namin ni Malaya, pero gaya sa nagawa kong pagpapaka-private ng relationship namin, kahit alam na ng mga tao na tapos na ang relasyon namin, I can't just talk about the details."

SINGLE AGAIN. Napabalita ang tungkol sa pagde-date daw nila ni LJ Moreno noong Valentine's Day. Totoo ba ito?

"That's not true," tanggi ng hunky actor. "Kung nakikita man kaming magkasama ni LJ noon, it's because magkabarkada talaga kami, since we worked together sa Status: Single. Isang grupo kami kung lumabas, with Rufa Mae Quinto. Naging friends talaga kami with P-chi.

"Kahit paano, na-realize ko na mas magandang huwag muna akong magseryoso sa pag-ibig, and give more time sa iba pang bagay, which I found out, nae-enjoy ko naman kahit loveless ako."

Tahasang nasabi ni Rafael na wala pang kapalit si Malaya sa puso niya. Matindi raw kasi talaga siyang ma-in love at hindi third party ang karaniwang nagiging dahilan on his part.

"At least, free na kami to do whatever we want," sabi niya. "Puro trabaho nga ako. 'Pag na-in love kasi ako, bigay-todo talaga, to the point na matagal usually bago ako maka-recover.

"Besides, ayoko namang nagbibilang ng girlfriends. Hangga't maaari, kung may karelasyon ako. Gusto ko, siyempre, siya na. Pero hindi ganoon ang usually nangyayari."

LIFE GOES ON. Tuloy ang buhay kay Rafael. Napapanood siya sa ASAP '09 na parang walang mabigat na dinadala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na rin talaga. Pero kapag nag-iisa ako, doon ko nare-realize yung nangyari. Kaya nga I make it a point to go out with friends. And most of us, singles din kasi, kaya nakaka-relate na ako sa kanila!" natatawang sabi niya.

Sa kinabibilangan niyang grupo na Coverboys, napansin ni Rafael na mas masaya ang grupo sa tuwing nakakasama siya ngayon.

"Noon kasi, may time na hindi ako nakakasama sa kanila. Naiintindihan naman nila dahil mas gusto ko yung time for them, kay Malaya na muna. Pero ngayon, single ako. E, iba ang dating sa kanila. Sa grupo kasi, ako ang parang pinaka-big brother kaya they always ask advice from me. Ngayon daw, mas may substance pa yung mga nasasabi ko sa kanila pagdating sa relationships.

"Maski sa trabaho, gusto ko, mas focused ako. I have always been professional, kahit may lovelife pa ako noon, never na naging problema ako. Pero ngayon, gusto ko laging magtrabaho. I'm glad hindi ako nawawalan ng raket, although may tapings ako ng soaps na hindi nag-progress, hindi pa rin talaga ako nawalan ng trabaho sa Dos.

"Sa palagay ko, mas makakagawa na ako ng moves. Let's face it, marami rin akong dapat i-consider just to make a career decision, although in fairness to Malaya, never siyang naging dahilan. Iba nga lang talaga ang prinsipyo ko. Pero sa ngayon, tingnan natin if I can compromise," pahayag ni Rafael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN