Aljur Abrenica gets chance to realize his fantasy on Ara Mina

"Sino ba namang lalake ang hindi nagkagusto kay Ms. Ara Mina noon, di ba? Before, hanggang sa TV, pelikula, at litrato ko lang siya nakikita. Ngayon, nakatabi ko pa sa pictorial at makakaeksena ko pa siya sa isang TV drama. Parang ang suwerte ko!" exclaims Aljur Abrenica.


Maraming paghahanda ang ginagawa ang Starstruck 4 Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica para sa pagbibida nila ni Kris Bernal sa upcoming GMA Sine Novela na Dapat Ka Bang Mahalin? Ito ang papalit sa malapit nang matapos na Saan Darating Ang Umaga?.

Ang Dapat Ka Bang Mahalin? ay unang napanood sa pelikula na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Sina Aljur at Kris ang gaganap sa mga role nila sa TV remake nito.

Kuwento ni Aljur sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nagkaroon na sila ng acting workshop ni Kris kasama ang kanilang magiging direktor na si Maryo J. delos Reyes. Pinag-aaralan na rin daw nang mabuti ni Aljur ang script na naibigay na kanila.

"Hindi na kasi ito supporting role na nakasanayan namin ni Kris. Malaking project ito para sa amin kaya kailangan magtulungan kami. Natutuwa kami na nagtiwala ang GMA-7 sa team-up namin. Isang malaking bagay 'yon for us considering na ilang taon pa lang kami sa showbiz. Pero gagawin namin ang dapat para patuloy ang paniniwala nila sa amin ni Kris. Ayaw naming mapahiya sa kanila," saad ni Aljur sa story conference ng Dapat Ka Bang Mahalin? last Wednesday, February 18.

SIZZLING SCENES WITH ARA MINA. Inamin ni Aljur na kinakabahan siya sa mga magiging eksena nila ng co-star din nilang si Ara Mina. Si Ara ang gaganap sa role noon ni Chanda Romero bilang other woman na gustong sirain ang samahan nina Aljur at Kris.

Sa pagkakakuwento kay Aljur, may mga maiinit silang eksena ni Ara at first time lang niya ito gagawin.

Natatawang inamin ni Aljur na noong nagpapa-sexy pa si Ara ay madalas niyang titigan ang mga litrato nito sa mga magazine at tabloids. Ngayon ay makakasama na niya ang kanyang pantasya sa isang drama series.

"Parang nabuhay ang pantasya naming mga lalake!" tawa ni Aljur. "Sino ba namang lalake ang hindi nagkagusto kay Ms. Ara Mina noon, di ba? Before, hanggang sa TV, pelikula, at litrato ko lang siya nakikita. Ngayon, nakatabi ko pa sa pictorial at makakaeksena ko pa siya sa isang TV drama. Parang ang suwerte ko!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kinakabahan ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko kapag isu-shoot na ni Direk Maryo ang mga eksena namin. Baka hindi ako makagalaw at tumitig na lang ako!" tawa niya ulit.

MAY-DECEMBER AFFAIR. Pero wala naman daw problema kay Aljur if ever magkaroon siya ng attraction sa isang older woman. Ang importante raw ay may nararamdaman siya para sa babaeng 'yon.

"Okey lang naman if ever na may makarelasyon ako na babae na mas matanda sa akin," saad ng binata. "Huwag lang naman yung 50 or 60 years old, di ba? Tama lang yung edad ni Ms. Ara. Tapos kung kasing-seksi at kasing-ganda niya, magiging proud ako. Ipagmamalaki ko pa siya sa pamilya at mga kaibigan ko.

"Ang importante ay may pagmamahalan sa inyo. May dahilan kung bakit kayo nagkaroon ng relasyon. Ako naman, kapag nakipagrelasyon, nandoon ang puso ko at very loyal ako sa isang babae lang."

Hindi raw pabor si Aljur sa relasyon na ang basehan ay sex lamang. Malaki raw ang respeto niya sa mga babae na nakakarelasyon niya.

"Hindi naman ako papayag sa gano'n. Parang naggagamitan lang kayo, di ba? Hindi maganda 'yon at ayoko ring mabastos ko ang babae. Kailangan may love talaga at kung walang love, maging friends na lang tayo. Ayokong matawag na manggagamit ako," pahayag ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN