Kris Bernal sheds tears of joy for her first lead role in an afternoon soap.

"Nakakakaba naman dahil malaki na ang expectations nila sa amin ni Aljur. Pero kami naman ni Aljur, gagawin namin ang lahat para mapasaya at mapaniwala namin sila na deserving kami sa projects na binibigay ng GMA-7," says Kris Bernal about Dapat Ka Bang Mahalin?


Hindi napigilan ng young actress na si Kris Bernal na maiyak sa story conference ng GMA Sine Novela na Dapat Ka Bang Mahalin? last Wednesday, February 18, sa 17th Floor ng GMA Network Center. Bida na kasi sila ng kanyang ka-love team na si Aljur Abrenica sa naturang afternoon soap.

Hindi makapaniwala si Kris na sila ni Aljur ang napili para gumanap sa remake ng 1984 film na Dapat Ka Bang Mahalin? na pinagbidahan noon nin Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

"Overwhelmed ako talaga kaya naiyak ako," sabi ni Kris sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Before kasi, kapag story conference ay supporting lang kami ni Aljur. Sa tabi kami nakaupo. Ngayon, nasa gitna na kami at kami ang sentro ng istorya. Kaya sa sobrang tuwa ko, naiyak ako.

"Marami kaming gustong pasalamatan ni Aljur, most especially GMA-7, dahil sa StarStruck kami nagsimula ni Aljur at nagtitiwala na sila sa love team namin."

Bagamat sina Kris at Mart Escudero ang nanalong Ultimate Loveteam sa Batch 4 ng StarStruck, naging mas click ang tambalan ng young actress kay Aljur.

Nagsimula ang tandem nina Kris at Aljur sa TV show na Boys Nxt Door. Nasundan ito sa Zaido: Pulis Pangkalawakan, Dyesebel, at sa ipinalalabas pa ngayong Luna Mystika. Nagkaroon na rin sila ng movie together, ang Loving You ng Regal Entertainment.

THE PRESSURE. Isang magandang opportunity ang nabigay sa love team nina Kris at Aljur kaya ngayon pa lang daw ay nararamdaman na nila ang pressure dahil bida na sila sa isang TV drama.

"Nakakakaba naman dahil malaki na ang expectations nila sa amin ni Aljur," sabi ni Kris. "Pero kami naman ni Aljur, gagawin namin ang lahat para mapasaya at mapaniwala namin sila na deserving kami sa projects na binibigay ng GMA-7.

"Kung paano kami sinuportahan ng aming mga fans sa mga show na sinamahan namin, sana ay gano'n pa rin ang pagsuporta nila sa pagbibida namin sa Dapat Ka Bang Mahalin?."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First mature role nina Kris at Aljur ang bagong drama project na ibinigay ng GMA-7 sa kanila. Gaganap sila bilang young married couple na dumaan sa maraming pagsubok sa buhay.

"Pinapanood muna sa amin ni Aljur ang movie at nagandahan kami sa takbo ng story. Hindi ba, nanalo pa si Sharon Cuneta ng Best Actress [sa FAMAS] for her role as Myrna? Kaya lalo akong nakaramdam ng pressure dahil award-winning role pa pala 'yon. Pero nagtitiwala naman ako sa director naming si Maryo J. delos Reyes. Makikinig ako sa kanya talaga para makuha ko ang mga gusto niyang ilabas ko sa mga eksena namin."

MYSTERIOUS BRACELET. Napansin namin ang suot na mamahaling bracelet ni Kris. White gold ito na may mga maliliit na diamonds. Sa gitna ay may heart shape na puro diamonds ang nakapaligid. Nangiti si Kris at sinabing regalo sa kanya ang bracelet na 'yon ng isang taong malapit sa puso niya.

"Last year pa niya binigay sa akin ito," pagmamalaki ni Kris. "Around September 2008 niya ito binigay sa akin bago ako nagbakasyon sa Hong Kong with my family. Gusto raw kasi niyang maalala ko siya sa bakasyon ko. Kapag suot ko raw ang bracelet, siya ang maaalala ko kaagad.

"Sinusuot ko lang naman ito kapag may special occasion. Tulad ngayon, may story conference kami, special occasion ito for me. Nalaman ko na expensive pala siya at mahirap na't baka ma-misplace ko. Hindi siya pang-araw-araw na jewelry kaya super ingat ako sa bracelet na ito."

Napag-alaman namin na Charriol bracelet pala ang suot na iyon ni Kris. At sa research namin, ang halaga nito ay Php31,000. Kaya dapat lang naman na pag-ingatan niya ang alahas na iyon.

Tinanong namin kung si Aljur ba ang nagregalo sa kanya ng bracelet. Hindi agad nakasagot si Kris at nagtitigan sila ni Aljur nang matagal. Parang tinatanong ni Kris kung okey lang ba na aminin niya na galing ito sa kanya, pero ngiti lang ang isinagot ni Aljur sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung sino ang malapit sa akin ngayon, siya ang nagbigay ng bracelet na ito," sagot ni Kris, pahiwatig na galing nga kay Aljur ang suot niyang mamahaling bracelet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN