Kris Aquino watched dolphins and visited churches on her birthday in Bohol

TV host-actress Kris Aquino celebrated her birthday with her family in Bohol.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris Aquino kagabi, February 20, bago siya sumalang sa live presentation ng primetime show nila ni Boy Abunda na Showbiz News Ngayon (SNN) ng ABS-CBN.

Ikinuwento ni Kris sa PEP kung paano siya nag-celebrate ng nagdaang birthday niya noong February 14, na Valentine's Day rin.

"We were in Bohol, that's a beautiful place!" sambit ni Kris. "Sa Eskaya Hotel kami nag-stay. Claudine [Barretto] stayed there kasi before and then she said, 'You have to stay there, ganyan, ganyan.'

"Yung first day namin dun, ulan nang ulan. Then, sabi ng mga tao dun, tuwing February daw ay talagang maulan dun. Sunrise, we woke by 5 a.m. to watch the dolphins. Si Baby James, galit na galit ba't siya ginising. Sabi ko, 'No, you have to enjoy. Kasi kailangang nandoon ka na sa gitna ng sea by about 7:00 a.m. coz talagang ganun.'

"Ang daming dolphins, grabe! But they're not silver, they're black, yung maitim na dolphin. Kasi, di ba, yung napapanood natin, silvery gray and white? 'Eto black.

"And then, they feed you on the boat, parang there's continental breakfast while we're watching dolphins. Tapos bumalik kami, tapos nag-rest and then nung afternoon, dun na, nag-tour kami ng churches.

"And then, we ate late merienda dun sa Bohol Bee Farm. It's like their version of Sonia's Garden. Everything do'n, parang they grow almost everything. Tapos yung kinain ko na unique, the salad had bouganvilla. Edible flowers talaga, it's different. Iba yung taste. Yung parang sabi ko, 'Oh, we're eating cologne!' May gano'ng flavor ng konti," mahabang salaysay ni Kris.

Isa pang unique na natikman ni Kris ay ang coffee na gawa sa corn.

"After tinuyo yung corn, niro-roast. Until siguro semi-sunog effect, igigiling na yun. Tapos ibo-boil with the water. Ang sarap! Unique yung taste, naaliw ako do'n. Sabi ko, 'Ang sarap pala nitong corn coffee. In Bohol, it's uso daw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga churches na pinuntahan nila sa Bohol?

"Although nung birthday ko, para ma-happy ang mom ko, nag-tour nga kami ng mga churches. Sabi ko, 'Mom, para happy ka, we go to Baclayon Church, Peace of the Assumption Church, Immaculate Concepcion Church...' Nag-Visita Iglesia kami. Ang gaganda ng mga church!

"Yung nakaka-amaze was, I think that was the ano, yung Peace of the Assumption, meron silang balon, as in it's healing water talaga. Tapos [ipagiigib] ka ng mga madre kung gusto mo. But then, you have to drink it and all. Pero parang feeling ko, hindi naman iinumin ng mom ko, so huwag na lang. That's inside the church. But they said it's really miraculous.

"Yung Baclayon church naman, inikot kami. Ang galing, kasi parang it's professionally done, kasi mayroon silang tour guide who teach you about the history. Tapos ang galing, ang ganda na ano nila," bulalas ni Kris.

Binanggit din ni Kris na regular na nanonood ang kanyang ina ng SNN. Minsan, sa panonood daw nito ay nag-alala siya kay Kris.

"Yung first two days, naloka kasi siya, nakaupo ako sa table, ang taas. Sabi niya, 'Kris, you could fall in that table!' O, di ba, stage mom!" tawa ni Kris.

Pero may time na pinuna raw ng dating pangulo sina Kris at Boy.

"Sabi niya, hindi na raw kami stiff ni Boy. It's constructive, at least ngayon may improvement na raw."

Happy rin daw si Mrs. Cory Aquino nang magkabati na si Kris si Dra. Vicki Belo.

"My mom is happy that Vicky and I are okay na. Super happy talaga siya," sambit ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN