Newcomer Alvin Fortuna anxious about "test shot" done for former Rustom Padilla

"Yung three days na sensuality workshop na tinatawag, nagawa namin. After naming magawa yung test shoot, wala na kong nabalitaan hanggang sa pumasok na siya [Rustom] sa PBB [Pinoy Big Brother]. Tapos ngayon, nakikita ko siya, feeling ko, napaglaruan ako," says newcomer Alvin Fortuna about the test shots that he did for a movie that Rustom Padilla (now known as BB Gandanghari) was supposed to direct.


Gumaganap bilang isang pulis sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ng GMA-7 ang newcomer na si Alvin Fortuna. Nakasama rin siya sa katatapos lang na telefantasya na Gagambino. Sa pelikula naman, naging leading man siya ni Eula Valdes sa indie film na Rekados. Pero bago ang lahat ng ito, unang nakilala si Alvin bilang isang commercial at ramp model.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alvin sa ipinatawag na pocket interview ng manager niyang si Lito de Guzman kahapon, February 20.

May mga limitation pa ba si Alvin kaya madalas ay may mga indie movies siyang hindi natatanggap?

"Actually, maraming indie films na offer. Kaya lang, may mga offers kasi na hindi ko pa kayang gawin. Since nagko-commercial din ako, minsan hindi ka na kukuhanin sa commercial," paliwanag niya.

Ayon kay Alvin, hindi pa raw niya kaya yung tipong "man to man" na uso sa indie films ngayon. At bigla nitong naalala ang nagawa na raw niyang para sa kanya ay grabe, pero hindi naman naipalabas kahit kailan. Ang balita raw niya, hindi na yata natuloy ang project.

"Ang pinaka-daring na nagawa ko talaga, hindi pa lumalabas. Yung kay BB Gandanghari before na Rustom Padilla siya, nagdidirek-direk siya. Kasama ko rito si JE Sison [Bikini Open] na naghubad-hubad kami. Yun na ang pinaka-daring na nagawa ko," lahad niya.

Ayon kay Alvin , hindi raw natuloy ang movie na supposedly ay pinagpipilian sila ni JE kung sino ang magiging lead at second lead. Pero ang natuloy at ginawa raw niya nang buo ay ang sensuality workshop at test shoot para sana sa naturang pelikula.

"Naisip ko tuloy ngayon, parang napaglaruan yata ako," bigla niyang nasambit.

Naghubad ba siya sa harapan ni Rustom noon sa sensuality workshop nila?

"Hindi naman sa nagpakita, may plaster naman ako," sabi ni Alvin. "Yung partner ko, babae, may plaster din. Ang alam ko noon, nangailangan siya [Rustom] ng lead na babae at lalaki. Siya ang direktor. Tapos, marami ring bigating artista na nandiyan. Doon siya nagpo-focus sa dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang sa mag-walkout na nga si JE pagdating ng test shoot. Kaya ang nangyari sa amin, ako at si Malaya na lang, yung girl na alaga naman ni Jojo Veloso, ang nakuhanan for test shoot.

"Yung three days na sensuality workshop na tinatawag, nagawa namin nila JE. After naming magawa yung test shoot, wala na kong nabalitaan hanggang sa pumasok na siya [Rustom] sa PBB [Pinoy Big Brother]. Tapos ngayon, nakikita ko siya, feeling ko, napaglaruan ako."

Tinanong ng PEP si Alvin kung bakit niya nasabing ang pakiramdam niya ngayon ay "napaglaruan" siya ni Rustom.

"Actually, wala naman siyang ginawa. Professional naman siya. Bukod sa amin ni Malaya, may mga crew rin. Kaso, noong magkita kami, tinanong ko siya, sabi niya shelved daw. Ito yung bago pa siya pumasok sa PBB.

"Tapos ako, parang, 'A, ganoon lang yun? Hindi na natuloy.' Kasi, puwede rin siyang gawing personal file na lang. Although noong nagkita kami, sinabi ko rin sa kanya na baka lumabas yun. Sabi naman niya, hindi raw. Magdedemanda raw siya kapag may lumabas kaya nagtiwala naman ako sa kanya."

Ayon kay Alvin, tuwing nakikita niya si BB sa telebisyon ay naiisip rin niya ang test shoot na buong araw nilang ginawa. Hindi raw niya maiwasang mag-isip at kabahan. Sabi pa niya, "Puwede kasi siyang sex video. Yung ginawa kasi namin, parang sex comedy."

Kung sakali at magkita sila ni BB, will he ask her about his test shoot?

"Baka hindi na niya ako kilala," sabi ni Alvin. "Pero kung sakali, parang gusto ko rin makita yung test video na ginawa namin. Sinabi naman niya noon na kung gusto ko raw makita dati, pumunta na lang ako sa bahay. Actually, mabait naman siya at saka professional."

WORKING WITH MARIAN. Naikuwento ni Alvin na kadarating lang niya from his stay at London, kung saan magpe-perform sana siya para sa Filipino community roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Two months din ako run. Dun ako nag-Christmas, dun ako nag-New Year," banggit niya.

Noong January 29 lang daw nakauwi si Alvin. Masaya raw siya na pagkauwi niya ay nabigyan naman siya kaagad ng trabaho sa pamamagitan ng Ang Babaen Hinugot Sa Aking Tadyang, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kumusta naman ang pakikitungo ni Marian sa kanilang mga co-star nito at aware ba siya sa mga isyu sa aktres?

"Mabait siya. Mabait naman siya sa aming lahat," mabilis niyang sagot. "Yung mga eksena ko kasi, silang dalawa ni Dingdong yung nakakasama ko. Kaya masasabi ko na okey naman siya, mabait, at saka palangiti. Palagi siyang naka-smile sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN