Robin Padilla gets "crossfired" by Totoy Bato co-stars

Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg"> Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg"> Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg">

Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg"> Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg"> Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg"> Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg">

Robin Padilla sits in the middle of the crossfire of questions from Pia Guanio and his Totoy Bato co-stars.


Dumayo pa sa SM Mall of Asia in Pasay City ang Showbiz Central para sa special segment ng "Intriga Crossfire" kung saan isinalang ang bida ng pinakabagong primetime series ng GMA-7 ngayon na Totoy Bato, walang-iba kundi si Robin Padilla.

Tanging si Pia Guanio lang ang SC host na nasa MOA para tumulong sa pagko-crossfire kay Robin. Katulong ni Pia sa interrogation kay Robin ang kanyang mga kasama sa Totoy Bato na sina Regine Velasquez, ang director ng show na si Direk Mac Alejandre, kapatid ni Robin na si Rommel at anak na si Queenie Padilla.

Si Pia ang unang nagtanong kay Robin: Ano ang sinabi sa kanya ni Ogie Alcasid pagkatapos ng very sweet na production number nila ni Regine sa SOP?

Natatawang sumagot si Robin, "Kami ni kapatid na Ogie, lalaki siya at lalaki naman ako. Alam namin sa aming dalawa na, sabi nga ni Oscar dela Hoya, he's the greater man [Ogie]! Kaya okey na yun. Ako ay isang kaibigan na palaging nandiyan at kailanman ay hindi bibitaw kay Regine."

Si Regine naman ang sumunod na nagtanong kay Robin. "Sinabi mo sa mga interviews sa 'yo na kung hindi mo man mahigitan, at least, mapantayan mo ang pagganap na Totoy Bato, may pressure ba sa 'yo ang role na ito?"

"Una, palagi kong sinasabi na pagpupugay. Ang pagpupugay ko, ang pagmamahal ko ay na kay FPJ [Fernando Poe Jr.]. Ang ibig kong sabihin nung malagpasan dahil yung nobela ni Carlo J. Caparas, ano yun, e...una, Totoy Bato: Durugin Si Totoy Bato, Totoy Bato: Ang Pagsasara. Hindi nagawa yun ni FPJ. Pinalad tayo na ang Totoy Bato sa TV, aabutan natin hanggang sa dulo ng pakikibaka. Yun ang ibig ko pong sabihin na mahigitan. Pero ako, kailanman at kahit na sinong action star, hindi mahihigitan ang ginawa ng hari [FPJ]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Direk Mac, kilala raw niya si Robin sa kanyang dedication to creative excellence na mataas. "Ang dedication sa pagiging makatotohanan ng ginagawa natin ay very, very committed. Sa una ninyong pagtatambal ni Regine sa telebisyon, maraming eksenang hindi pa nila nagagawa like action scenes, dramatic, light and comic scenes, at love scenes na kailanman ay hindi pa nagagawa at ngayon pa lang gagawin."

Tanong ni Direk Mac: "Pagpikit ng mata mo at gagawin na ang eksena, nakikita mo ba sa likod ng mata mo si Ogie Alcasid? Meron bang harang, may impluwensiya ba?"

"Malabong mangyari yun! Sa oras ho, ngayon lang kapag nakikita ko si Regine, hindi ko nakikita si Ogie. Bulag ako! Bulag! Ang respeto ko kay Mr. Alcasid, bilang lalaki. Pero hindi ibig sabihin na maapektuhan ang trabaho namin.

"Iba ang personal, iba ang trabaho. Pagdating sa trabaho, ako at si Regine. Pagkatapos nun, malungkot na 'ko nu'n, kasi, kanya na si Regine."

On Rommel's question, para raw ang hirap itanong ang katanungan niya. May kaugnayan daw kasi kay BB Gandanghari [formerly known as Rustom Padilla na kanilang kapatid] ang tanong niya.

Tanong ni Rustom: "Dumating ang punto na habang pinag-uusapan ang paggawa ng Totoy Bato, parang inalok na maging co-director si Rustom. Sa hindi inaasahang dahilan, parang tumanggi si Rustom, so, ano ang naging pakiramdam mo rito?"

"Malaki ho ang katotohanan na inalok talaga kay Rustom yung pagdidirek ng Totoy Bato. Katunayan, sa panahon na ginagawa namin ni Direk Mac yung Joaquin Bordado, binigyan siya ng pagkakataon ni Direk Mac na makasama, na magkaalaman.

"Tinuruan na niya si Utol [Rustom] kung paano ang TV [directing]. Hindi naman niya tinanggihan. Nagkataon lang na nang umpisahan na ang Totoy Bato, iba na...iba na ang gustong gawin ni Utol. Nag-usap naman kaming dalawa. Inimbita niya 'ko sa Manila Hotel, nagkuwentuhan kami at doon niya sinabing pupunta muna siya sa Amerika at hindi niya magagawa ang Totoy Bato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nagtampo?

"Hindi na uso yung tampuhan!"

Pia then asked Rommel, baka ito raw ang nagtampo?

Sagot naman ni Rommel, "Hindi! Nahulog lang ako sa silya!" natatawa niyang sabi. "I love you, BB!"

When it was Queenie's turn, ibinuko ni Pia na meron daw silang ibinigay na list of questions na puwede nitong itanong sa kanyang ama. Pero hindi raw ito tinanggap ni Queenie and instead, meron daw siyang personal na question na gustong ikasa sa ama.

At ang tanong nga nito, "Pa, malapit na po akong mag-eighteen. Puwede na ba 'kong tumanggap ng mga manliligaw?"

Sagot ni Robin na natatawa, "Sabi ko na, e! Ah...ang katunayan niyan, hindi! Ha-ha-ha! Oo... siyempre, anak. Ako na nga ang naghahanap ng mga nakikita kong puwedeng manligaw sa anak ko."

Hirit ni Pia, "Ano yun, set-up?"

"Hindi naman set-up. Kasi, napakalaki ng puhunan ko rito sa mga batang 'to. Dugo, pawis, salapi! Ang gusto ko naman, yung kanilang mamahalin at magmamahal sa kanila ay tutumbasan or hihigitan ang ibinigay ko sa inyo. Ayoko naman na kayo pa ang magtatrabaho para sa mamahalin nyo.

"Ayoko naman na tayo ang bibili ng bahay para sa mamahalin n'yo. Ang gusto ko, isang lalaking may paninindigan. Isang lalaking parang Totoy Bato. Kaya ang sagot, oo! Kahit sino puwedeng manligaw."

Follow-up naman ni Pia, sabi mo kanina, meron ka nang inaasahan or iniisip na potential candidates. Puwede ka bang magbigay ng ilang pangalan?

"Oo...nag-usap na kami ni Chairman Nur Misuari. Yung anak niyang binata, kinausap ko na. Nag-usap na rin kami na umakyat na siya ng ligaw at baka maunahan pa ng iba."

Tinanong naman ni Pia kung kilala na ba yun ni Queenie at sumagot itong hindi pa.

Sabi naman ni Robin, "Huwag silang mag-alala! Mabait ako! Komedyante 'ko e. Patatawanin ko sila palagi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And for the last question, Pia asked Robin kung ano raw ba ang meron kay Regine at siya ang patuloy niyang dine-demand every time meron siyang project?

"Kasi, ang pagmamahal ko kay Regine, wagas 'yan. Walang halong malisya. Talagang kapag siya ang aking katambal, kasi, ang gusto ng aming director, love story ang Totoy Bato, ang pumasok agad sa isip ko, si Regine Velasquez. Kasi, sa kanya lang lalabas yung mga tingin na, yung mga emosyon na...ano nga, Direk ang tawag dun?

Sagot ni Direk, "Emosyong malagkit!"

"Yun!" ani Robin.

Tinanong din ni Pia si Regine kung ano ang pakiramdam niya na siya ang palaging nire-request ni Robin?

"Siyempre, natutuwa ako and I'm honored na ako ang pinili niya para maging leading lady sa Totoy Bato. Actually, he asked me personally. I remember, pumunta siya sa SOP, 'tapos, tinanong niya 'ko. Siyempre, umoo naman ako agad. I know, it's going to be a big project.

"At saka, yung tandem talaga namin ni Robin, subok na, e. Nakadalawang pelikula na kami and I'm so...it's so easy to work with him. Hindi na naninibago. Kung may eksenang kailangan gawin, parang normal na nagagawa namin yun pareho."

Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg"> Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg"> Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg">


Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg"> Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg"> Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg"> Totoy Bato co-stars" data-url="https://www.pep.ph/news/20920/robin-padilla-gets-crossfired-by-totoy-bato-co-stars" data-desc="Robin requested Regine to be his leading lady for her "emosyong malagkit."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5e56f60b4.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN