Kristine Hermosa is happy that Diether Ocampo has new girlfriend

"Kasi wala naman akong...hindi naman talaga tayo pwedeng mag-dwell sa past, e. Lahat naman tayo we all have to move forward, di ba? Yun. I'm happy kasi naka-move on na siya," says Kristine Hermosa about her ex-husband, Diether Ocampo.


Pigil na pigil si Kristine Hermosa na magsalita sa paglabas ng desisyon ng korte sa annulment case ng kasal niya sa aktor na si Diether Ocampo. Hindi pa raw siya kasi puwedeng magsalita o kumpirmahin ang lumabas na balita sa mga babasahin.

"Hindi po akong puwedeng magsalita. Pero alam naman na 'ata ng tao 'yan," bungad ni Kristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the Kapamilya trade launch.

Mas nauna pa nga raw na lumabas sa dyaryo ang desisyon ng korte kesa kay Kristine.

"Yes, nauna kayong lahat. Wala pa po talaga akong alam. Ha-ha-ha!"

Matatandaan na ayon sa mga report tutol ang pamilya ni Kristine nung malaman nila na ikinasal na siya kay Diet. Ngayong napawalang-bisa na ang kasal nila Diet, ano ang reaksyon nila?

"Wala na po rito ang family ko. Nag-migrate na sila [sa Canada]. So, hindi ko po alam kung ano ang reactions nila and kung narinig na po nila about it."

Hindi ba niya nakakausap ang pamilya niya sa Canada?

"No, kapag nag-uusap naman po kami, nag-uusap lang kami ng kung ano yung mga bagay-bagay, ganyan. Kung kumusta na sila doon. So, yung mga showbiz stuff, hindi na."

But what about her? Ano ang initial reaction niya noong lumabas sa newspapers na annulled na ang kasal nila ni Diet?

"Happy naman ako. Okey naman ako, e. I'm very okay. 'Tsaka, sinabi ko naman na happy ako para kay Diet kasi okey na siya."

Happy siya kay Diet dahil may bago na itong girlfriend?

"Oo, alam naman na 'ata ng lahat ng tao 'yan."

LOOK-ALIKES? How does she find Diet's new girlfriend, Rema Ostwani?

"Uhm, she's pretty. Yun lang. Kasi I don't really know her, so, I can't comment."

Sabi ng iba, hawig daw sa kanya si Rema. Agree ba siya?

"Parang malayo naman," tanggi ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-usap na ba sila ni Diet?

"Hindi pa rin po."

Pareho ba silang hindi pa nakatanggap ng official document from the court na nagsasaad na wala nang bisa ang kanilang kasal?

"Yes, kaya nga po hindi pa rin kami puwedeng magsalita at wala pa rin talaga kaming masasabi."

Ipinaalam ng PEP kay Kristine na nagbigay na ng kanyang statement si Diet sa Showbiz News Ngayon regarding the decision of the court.

"Di nga?" balik tanong ng aktres sa PEP.

Sabi pa nga ni Diet, gusto raw niyang makausap si Kristine.

"E, di mag-usap kami. Ha-ha-ha!" natawa na nang tuluyan si Tin.

Sa tingin niya, hanggang kailan kaya siya maghihintay na dumating ang official annulment document from the court?

"Hindi ko po alam, e, kung hanggang kailan. Sila lang po ang nakakaalam. Wala po ako talagang idea kung hanggang kelan. Well, hintayin na lang natin.

Ano ang masasabi niya na mukhang talagang naka-move on na si Diet lalo't may bago na itong girlfriend?

"Ah, happy ako for him. Kasi wala naman akong...hindi naman talaga tayo puwedeng mag-dwell sa past, e. Lahat naman tayo we all have to move forward, di ba? Yun. I'm happy kasi naka-move on na siya," sagot ni Kristine.

How about her, magpapakasal ba siya ulit?

"Sobra naman. Hindi pa muna. Mahirap. Ha-ha-ha!"

Na-trauma ba siya sa inabot ng ginawa niyang desisyon na magpakasal with Diet?

"Mahirap. Basta mahirap. Kailangan siguradung-sigurado talaga," sagot na lang ng dalaga.

Mas nahihirapan ba siya ngayong annulled na sila ni Diet kesa noong on going pa ang kaso sa korte?

"Wala," sagot ni Kristine. "Medyo nasanay na rin ako doon sa waiting period. So, ayun, medyo hinahabaan ko na lang yung pasensya ko pa more."

SEXY ECHO. Samantala, magbabalik-tambalan na sila ng ex-boyfriend niya na si Jericho Rosales sa soap opera na Dahil May Isang Ikaw. Kumusta naman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ah, okey naman. Okey naman si Echo."

Ano ang masasabi niya sa seksing katawan ni Echo?

"Yeah! Very sexy si Echo. Surfer body. It's very fit. Dati nang maganda ang katawan ni Echo," ani Kristine about her ex-boyfriend.

Ito rin ba yung katawan ni Jericho noong dating sila pa?

"Hindi ko na po matandaan talaga. Parang bago'ng katawan ni Echo."

Kapag niyaya siya ni Echo na mag-surf, sasama ba siya?

"Oo naman. Sasama naman po ako. Wala namang masamang sumama."

Naniniwala ba siya sa kasabihang love is lovelier the second time around?

"Malay naman natin. Puwede, di ba?"

So, open siya sa possibility na magkabalikan sila ni Echo?

"Okey lang. Hindi naman kasi ako nagko-close talaga ng doors ko, di ba? Sinabi ko naman yun before pa lang," pagtatapos ni Kristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN