FIRST READ ON PEP: Joey de Leon on Willie Revillame: "May sakit na nga, walanghiya pa rin!"

"Kailangan din kasi ng show niya, e, para mapag-usapan ulit. Hindi naman mawawala sa competition 'yan," says Joey de Leon (right) about the comment of Willie Revillame (left) on their competing noontime shows.


Maagang nagsidatingan sa presscon kaninang tanghali, February 23, sa GMA-7 compound ang mga host ng bagong comedy-reality show na Joey's Quirky World na sina Joey de Leon; Ryan Yllana bilang si Vicki Bola; at sina Cookie, Belly, at Boobay na ngayon ay "The Triplets" na. Sila rin ang magkakasama sa magpapaalam nang Takeshi's Castle.

Kung sipag at promotion lang din naman ang pag-uusapan, kakaiba talaga si Joey dahil nagpagawa pa siya ng t-shirt to promote his new show, tulad noong nagpu-promote sila ng kanilang Iskul Bukol movie.

Sabi ng production manager ng Joey's Quirky World, ubos na raw kasi ang episodes ng Takeshi's Castle kung kaya't simula sa March 1, Sunday, papalitan na ito ng Joey's Quirky World. Magiging regular sa susunod na linggo, tuwing Sabado at Linggo, bago ang Eat Bulaga! at SOP, respectively.

Masayang nakipagkuwentuhan si Joey sa press kung paano nagkaiba ang dalawang shows. Sa Takeshi's Castle daw kasi, isang Japanese show ito. Pero sa Quirky World, sa iba't ibang bansa ito kinukuha at soon, magkakaroon din ng local flavor dahil magpapakumpetisyon din sila.

WILLIE'S COMMENT. Sa gitna ng usapan, may nagtanong kay Joey kung napanood niya ang isa sa mga episode ng Wowowee, kung saan na-phone patch ang host nitong si Willie Revillame noong naka-confine pa ito sa hospital. Sinabi ni Willie na, "Nanonood nga ako ng kalabang show [Eat Bulaga!] at in fairness, mas maganda pa rin ang show natin," or to that effect.

"Huwag na 'yan ang pag-usapan natin, Joey's Quirky World na lang," ang paunang hiling ni Joey.

Ayaw na nga sanang sumagot ni Joey, ngunit may isa pang manunulat na nagsabing napanood niya rin ito.

"Okay, sana pag isinulat n'yo ito, hindi ako ang nagpasimula ha? Tinanong niyo lang ako," paglilinaw muna ni Joey.

Pero aniya, "Sa totoo lang, napanood din namin ito sa Eat Bulaga! set. May monitor din kami ng kalabang show. Ganoon naman talaga, e, pag magkatapat na parehong show, nagmu-monitor sa kalaban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi sa akin ni Malou [Choa-Fagar, executive producer ng Eat Bulaga!], 'Huwag na, ninong, huwag na nating pansinin.' Kami, hindi na lang namin pinapansin. Talagang hindi na kami sasagot kasi ganoon naman talaga siya [Willie], e."

Hirit ni Joey, "Basta ang nasabi ko na lang, may sakit na nga, walanghiya pa rin!"

Sa labas, habang naghihintay pa ng ibang press, sumundot ng tanong ang PEP (Philippine Entertainment World) kay Joey dahil ang pagkakaalam namin, nagkaayos na sila ni Willie.

Matatandaang sa Supreme to the Extreme Awards ng Philippine Star noong October 18, 2008 ay nagsama sila sa stage at nagkabati. (Click here to read related story.)

"Oo nga," sabi ni Joey. "Nung nagkita pa nga kami niyan, sabi pa sa akin, 'Gawa tayo ng pelikula. Sabi ko na lang sa kanya, 'Busy ka, e.'"

Dagdag niya, "Kailangan din kasi ng show niya, e, para mapag-usapan ulit. Hindi naman mawawala sa competition 'yan."

Huling tanong namin, may galit ba siyang muli kay Willie dahil sa patustadang ito?

"Wala, wala talaga. Ganoon lang talaga siyang tao," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN