Dra. Vicki Belo reveals what's in the controversial video of Hayden Kho and Katrina Halili

"If you want to look like Boy Abunda, then go to Calayan. But if you like to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo," says Dra. Vicki Belo.


Ang controversial na si Dr. Vicki Belo ang sumalang sa "Gimme Mo" segment ni Mo Twister sa Showbiz Central kahapon, February 22. Ang ilan sa showbiz personalities na namili ng mga itatanong ni Mo sa kanya ay sina Regine Velasquez, Lorna Tolentino, Lolit Solis, Butch Francisco, at Richard Gomez.

Pauna na ni Mo, ito na raw yata ang isa sa pinakamahirap na interviews na gagawin niya. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na si Vicki ang isa sa kinu-consider ni Mo na pinakamalapit niyang kaibigan.

Pagkatapos i-introduce ni Mo si Dra. Belo, the lady doctor asked Mo: "Hi, Mo, are we friend or foe?"

Sagot naman ni Mo, "I'm your friend. Kaya nga, I'm very, very nervous now. Siyempre, we're so close, and yet I'm gonna grill you. Kaya lang, no exception. Dapat matindi talaga."

Most Wanted Question No. 5: Sa lahat ng mga artista, kanino ka pinakanahirapan dahil sa dami ng dapat baguhin sa katawan niya?

"Number one, never na nahihirapan ang Belo Medical Group dahil napakagaling namin at kumpleto kami sa mga laser. Number two, kahit meron man artista na ganoon, hindi ko rin masasabi dahil sa patient-doctor confidentiality."

Pero ano ba ang napi-feel niya ngayong dumarami na ang competition ng Belo Medical Group? And, of course, their greatest rival is Calayan Surgicentre. Paramihan din sila ng artistang endorser. How does she feel 'pag sinasabi ng kabila na ang artista ko, mas maganda sa artista mo?

"Well, first of all, I feel kinda bad. Kasi, ako naman ang nag-umpisa ng mga bati-bati ng mga artista. I feel bad, kasi parang ginagaya lang nila ako. Sana naman, maghanap naman sila ng unique marketing... And I'd like to say, if you want to look like Boy Abunda, then go to Calayan. But if you like to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo," diretsahang pahayag ni Dra. Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Mo at sabay sabi ulit sa sinabi ni Dra. Belo.

"Joke lang yun ha... Pero Boy is the main endorser of Calayan, right?" bawi ni Dra. Belo.

"Dingdong is your main," dagdag naman ni Mo sa sinabi ni Dra. Belo.

Most Wanted Question No. 4: Sa tingin mo, kaya tumututol ang anak na si Cristalle sa dating boyfriend ni Vicki na si Hayden Kho ay dahil si Cristalle ang unang niligawan ni Hayden?

"You know, I'd like to clear that kasi it's so maling information," sabi ng beauty doctor. "Ang nangyari kasi, nag-meet kami ni Hayden sa isang UST [University of Sto. Tomas] contest, Mr. and Ms. Medicine. Pareho kaming doctor, pareho kaming judges. Dumaan siya, nagpalakpakan ang mga tao. Napaka-popular niya sa UST. Naintriga naman ako na sino itong taong ito.

"Anyway, I've found out na he's an intern at Makati Med. Nasa age na 25 to 26, and my daughter then was 23. So, sabi ko, 'Ay, bagay 'to. Naghahanap na ako... My daughter was taking pre-med, and then, hindi niya type, nag-quit. So, sabi ko, 'Sino kaya ang magte-takeover ng clinic ko ngayon?' The only thing that can happen is for Cristalle to marry a doctor, but hindi sila magkakilala ha, not at all.

"So, noong umuwi ako sa bahay, I told her, 'Cristalle, I've found na someone you can marry!' Cristalle was, 'Mommy, ano ba 'yang sinasabi mo?' So, I said, 'I've found this doctor, guwapo siya, matangkad, matalino, charming. So, 'yan, marry na lang a doctor kasi ayaw mong maging doctor.' And she said, 'Mommy naman, may boyfriend ako, si Jeff,' na we love very much. Pero sabi ko, 'Still, you meet him na lang kasi kailangan ko talaga ng doctor.' Sorry, Jeff, ha..." tuluy-tuloy na kuwento ni Dra. Belo.

So, ikaw ang nag-matchmaker?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako ang nag-matchmaker," pagsang-ayon ni Dra. Belo. "It's not that they don't like each other, it's because my daughter is very faithful. And Hayden had a girlfriend naman at that time. Hayden will visit the clinic. So ako, 'Cristalle, what do you think?' So, she said, 'Mommy, he's cute but I have a boyfriend.' So, I'm proud of you, Cristalle, because you have the right values."

May suspetsa ka ba noon pa na hindi magiging tapat sa 'yo si Hayden?

"Alam mo talaga, most of the time, talagang wala," sagot ni Dra. Belo. "For such a long time, wala. Because he's the most caring, thoughtful boyfriend. And he's always with me. We're together at work, we're together at night.

"Pero one time, I went to Joyce Jimenez's wedding because I'm one of the ninangs. I was in the States and I only went there for four days, tapos six days supposedly. Parang may kutob lang ako na may nangyayari. So, binola-bola ko lang si Hayden na uuwi ako in six days, tapos umuwi ako in four days.

"Galing sa airport, alam mo naman ang flight, di ba, dumarating ng six in the morning? So, dumiretso ako sa condo niya [Hayden]. Tapos yung puso ko, parang ganoon pa...akala ko may mahuhuli ako run. Pero pagpasok ko, nag-iisa lang siya. At saka he was so happy to see me. He was hugging me like, 'I'm so happy you came back early!' So, nawala yung doubt ko," lahad niya.

Talk about the very infamous video circulated. Meron daw siya nito as evidence. So, once and for all, can she tell if there's really a video with Hayden and another girl?

"Yes, there's a video, but it's not what you think," sabi ni Dra. Belo. "No, what I saw was a video that Hayden was taping Katrina [Halili]. Like, asking her a question, 'Do you love me?' Si Katrina naman, 'Mahal na mahal kita.' So, that's enough evidence, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What were the other lines she heard from the video?

"The line that was painful... Actually, there's many painful, but the most painful video, the one that was masakit was: 'Girlfriend mo lang naman siya, e. Ako, asawa mo.' That was what Katrina said," pagsisiwalat ni Dra. Belo.

Most Wanted Question No. 3: Yun bang pagbabati n'yo ni Kris Aquino, sincere at bukal sa puso or imbento lang dahil gusto niyang mag-rate ang bagong show? The question came from Lolit Solis. (Kris interviewed Dra. Belo recently for the former's new show in ABS-CBN, Showbiz News Ngayon). (Click here to read related story.)

"Well, I did the interview kasi tinawagan ako ni Deo Endrinal, yung manager ni Kris. Tapos sabi niya, 'It's the chance also for you guys to bury the hatchet, so to speak.' Talagang ako, sincere ako sa desire na matapos na yung mga bad memories, etc., at maging okey kami ni Kris. And I'd like to really believe na sincere na rin naman si Kris na makipagbati sa akin."

Did you apologize to her or did she apologize to you? May expectation ba na kailangang mag-apologize?

"Hindi, walang nag-apologize, kasi wala naman kaming ginawang masama sa isa't isa. It's just circumstances that were beyond our control."

Most Wanted Question No. 2: Napatawad mo na ba si Katrina Halili?

"Alam mo, Kristiyano ako at sa buong buhay ko naman, palagi akong nagpapatawad. Pero kung tinatanong mo ako kung nasaktan ako? Sobra! Kung upset? Medyo. Kasi, of all people, malapit na malapit ako kay Katrina, at akala ko..."

Ayon kay Mo, gusto niyang i-congratulate si Dra. Belo dahil ang pagpapatawad kay Katrina can be one of the hardest things to do.

"Besides, Mo, anger and bitterness, nakakatanda yun," singit naman ni Dra. Belo.

Despite the denial of Hayden at denial ni Rufa Mae Quinto, feeling ba niya, in her opinion, may nangyari talaga between Hayden and Rufa Mae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opinion ko lang 'to? Gut feel ko lang 'to? Yeah, I really think something happened between them. I really think they had something, like a fling," sagot ni Dra. Belo.

Do you base this sa feeling lang or, kahit paano, may konting evidence?

"Hindi naman evidence, as in sobrang evidence. Pero may evidence na hindi naman yung inaakala mong evidence."

Most Wanted Question No. 1: Kung hindi ka naging successful, sa tingin mo, mamahalin ka pa rin ni Hayden?

"Alam mo, medyo mahirap 'yang question na 'yan, kasi kasama na rin sa package, di ba? Kasi, that's what I am. So, how can I say if that wasn't me? I don't know, di ba? Kasi, hindi na ako yun kung wala ako nun," saad ni Dra. Belo.

Did you ever feel that Hayden, or any of your past boyfriends, was a gold digger?

"Definitely not Hayden," mabilis na sagot ni Dra. Belo. "Because he didn't ask for anything. He never took advantage of me, which he could have done a lot. And he never did. And, in fact, he was trying to match me, di ba? If I give him something, he will. Actually, siya talaga yung nagbibigay ng regalo, palaging nagsu-surprise. So I will never say Hayden is a gold digger. Pero yung past boyfriend ko, bago si Hayden, oo, aaminin ko, gold digger siya."

Sinabi rin ni Mo na, dahil pareho niyang kaibigan sina Dra. Belo at Vicki, hindi raw gold digger si Hayden. In fact, ngayong nag-break na ang dalawa, nagsosoli rin daw si Hayden ng mga gamit na naibigay ni Vicki, gaya ng kotse.

"Yes, pero sinabi ko, 'Huwag mo nang isoli kasi okey lang sa akin.' Because, after all, it's a gift. Hindi naman ako yung type na hatag-bawi, get it back, di ba? But he insisted. When I was in the States, last trip, pag-uwi ko, nandoon na sa garahe yung car ,at sinabi niya sa note na, 'I didn't deserve this car. I will feel better if you'll please accept it back. Parang to show my sincerity that I wanted to change.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Speaking of deserving, does Hayden deserve a second chance?

"Mo, I don't know... What do you think?"

Ayon kay Mo, he has seen how sorry Hayden is. Nakikita rin daw niya sa mukha at sa actions ni Hayden that he is sorry about what he did. At sa palagay niya, Hayden deserves a second chance.

So, ang tanong muli ni Mo, kaya mo ba na magbigay ng second chance?

"I think everybody deserves a second chance," sagot ni Dra. Belo. "All I can say is... and I think it's a lesson to everybody. In my life, it became successful because I always give it all to God. It's like, 'God, bahala ka na sa akin.' And it always comes out well, except sa lovelife ko. Dun matigas ang ulo ko. Dun gusto ko palagi, ako ang namimili. Ako ang nagde-decide kung sino at medyo palpak ako dun. So ngayon, sinasabi ko na, in front of everybody, 'God, bahala na po Kayo na maghanap ng tamang lalaki para sa akin.'"

But Mo insisted, "I think he deserves a second chance."

Humirit pa ng last question si Mo: What's the worst part of being Vicki Belo?

"The hardest part of being me is that, many people... Hayden was not part of them ha, but many people want to take advantage of me. And I feel really, really bad kasi naman, nandito ako para tulungan ang mga tao. To be the best they can be and to be the best version of themselves.

"And I'm sincere in wanting to make the Philippines as the cosmetic surgery capital. To make people fly here and medical tourism. At naniniwala akong lahat ng tao ay mababait at walang gagawing masama sa akin. Pero maraming beses akong nasasawi... Tama ba yung word ko? Kasi medyo talaga, yung you think ang mga tao sincere, tapos nagte-take advantage sa 'yo," pagtatapos ni Dra. Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN