Jericho Rosales reveals what attracts him to women

"Pag nakakita ako ng mabait, na parang ako rin yun, tipong naa-attract ako doon, naiiintriga ako. Siguro someone who can put me, sort of, ha, put me under a spell, parang ganun, without really even trying. Yung parang hindi ako mapakali," says actor Jericho Rosales.


Sa live guesting ni Jericho Rosales sa The Buzz last Sunday, February 22, ay napag-usapan ang mga babaeng nauugnay sa kanya.

Unang kinumusta kay Jericho ng The Buzz host na si Boy Abunda si Carmen Soo, na nakasama ng aktor sa teleseryeng Kahit Isang Saglit.

"She's good," sambit ni Echo.

Are you in touch?

"Yes. She's currently looking for a Tagalog coach para tuluy-tuloy. Kailangan niya raw 'yon, e."

Nakaka-miss ang Kahit Isang Saglit?

"Nami-miss ko nga rin, e. The good news is yung DVD Volumes 4, 5 and 6, out na. So, yung lahat ng kumuha ng Volumes 1, 2 and 3, thank you very much. Pero ngayon, kumpletuhin n'yo na po. Nandiyan na."

Echo, pag nakikita mo si Kristine Hermosa, meron bang tumitibok? Meron bang kaba na nangyayari sa iyong puso?

"Marami lang akong naaalala kapag nakikita ko si Tin."

Hanggang ngayon?

"Oo, hanggang ngayon, kasi ang dami nung five years."

Kapag nakikita ko si Kristine, sinasabi ko sa kanya kapag nagtabi kayong dalawa, nandun pa rin yung magic, nandun pa rin yung kilig. What do you think?

"Well, actually, yung last time, noong trade launch namin ng Dahil May Isang Ikaw [ang pagsasamahang teleserye nina Jericho at Kristine], after nung song number namin sa Rockwell, yung mga tao doon, pinagki-kiss kami sa stage!" natatawang kuwento ni Echo.

And did you kiss?

"Hindi, muntik lang."

Sabi mo sa isang interview, pagdating sa pag-ibig, feeling high school ka na naman. What do you exactly mean?

"Wala, e, kasi ako naman, parang childlike lang talaga ako, e. Pagdating sa love, kasi lagi akong in a relationship. Parang ngayon, ang dami kong nadi-discover na, ah, ganito pala. You know, yung pag kinikilig-kilig ako, feeling ko high school ulit ako."

May kinalaman ba rito si Karylle?

Hindi agad nakasagot si Echo, at natawa na lang sa tanong. "Ay, napipi daw! Hindi, hindi naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumingin ka sa akin nang diretso...

"Tito Boy, hindi kita makita, e. Si Aldo [ang karakter niyang bulag sa I Love Betty La Fea] ako ngayon, e. Hindi raw ako makatingin nang diretso!"

Inulit ni Boy ang tanong. May kinalaman ba rito si Karylle?

"May kinalaman siya...sa Betty La Fea."

At muli sa ikatlong bese ay inulit ni Boy ang tanong.

"Oh, my God! A... Siguro oo, may kinalaman na rin."

What attracts your attention about girls?

"Maybe, alam mo yung vibe na positive na, alam mo yun, yung malapit sa tao. Yung tipong enjoy kami. Parang pag nakakita ako ng mabait, na parang ako rin yun, tipong naa-attract ako doon, naiiintriga ako. Siguro someone who can put me, sort of, ha, put me under a spell, parang ganun, without really even trying. Yung parang hindi ako mapakali."

For your final confession, you will be a love triangle sa Dahil May Isang Ikaw, with Karylle and Kristine. Tanong, if you were asked kung kanino mo gustong mapunta sa kuwento, kay Karylle o kay Kristine?

"'Yan ang magaling dun sa mga writers namin ng bago naming soap. Talagang kung bibitinin kayo, mabibitin kayo. Kung mapapa-in love kayo, mapapa-in love kayo dun sa soap. Because sa lahat ng ginagawa ko na mga soaps, talagang pinipili namin nang maigi yun, e. And this one, it's like parang tatapatan niya yung Kahit Isang Saglit."

You didn't answer yet my question. So, kanino mo gustong mapunta, kay Karylle o kay Kristine?

"Well, kung sa story, I cannot say because it will destroy the whole story. I'm just a team player. So, kung ano yung gusto ng tao, dun tayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN