Dingdong Dantes says he is happy being with Marian Rivera

"Gusto namin yung ganoon kami sa isa't isa. Masaya kami na ganoon kami. Huwag na lang sigurong tanungin pa kung ano ang meron kami, kasi ganito kami. Masaya kami kung magkasama kami," says Dingdong Dantes on being sweet with Marian Rivera.


Naging memorable para kay Dingdong Dantes ang celebration niya ng Valentine's Day this year. Kahit sinasabi ng aktor na hindi siya sanay mag-celebrate ng Valentine's sa mismong araw na yun, still, he was able to spend it with screen partner Marian Rivera and other people he worked with before.

Kuwento ni Dingdong nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa SOP noong Linggo, February 22, "Kasama namin yung dating grupo namin sa Atlantika, yung ibang cast, like Jean Garcia. Same cast kasi yung Atlantika at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Nagkataon kasing walang taping. So yun, kainan, inuman, masaya."

Hindi ba niya naisip na mag-date na lang silang dalawa ni Marian?

"Never kasi akong nag-date ng Valentine's Day mismo," sabi niya. "Although, noong February 13, magkasama kami, nag-rehearsal kami. Kumain ng konti, sandali lang. Hindi naman talaga... Hindi ako naniniwala na dapat mag-date talaga. Kasi ako, kahit sa sari-sari store lang yun, basta masaya, enjoy kayo."

Tinanong namin ulit si Dingdong tungkol sa naging regalo nila ni Marian sa isa't isa noong Valentine's. Siya na rin naman kasi ang nagbuko na kumot ang iniregalo niya kay Marian, although itinatanggi niyang mamahaling klase ito ng kumot. Pero bakit yung regalo ni Marian sa kanya ay mariin niyang isinisikreto?

"Simple lang naman, okey na yun. At saka pangit din naman baka sabihin nila palagi na lang naming ina-announce yung mga regalo namin. Simple lang talaga. And for me naman, ang Valentine's Day ay every day. Ayoko namang porke Valentine's Day, magbibigay ka ng regalo. If you feel like giving something, kahit walang okasyon ay kaya mo naman, then you can give. Hindi naman dapat magara, simple lang," saad ni Dingdong.

NOT IN A RUSH. Sinabi namin kay Dingdong na marami na ang nakakapansin ng kakaibang closeness at sweetness nila ni Marian. Tila hindi na rin naman nila itinatago ang closeness nilang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, gusto namin yun, e," sabi ni Dingdong. "Gusto namin yung ganoon kami sa isa't isa. Masaya kami na ganoon kami. Huwag na lang sigurong tanungin pa kung ano ang meron kami, kasi ganito kami. Masaya kami kung magkasama kami.

"Pero yung mga technicalities, siguro darating din tayo riyan. Pero sa ngayon, hindi namin kailangang magmadali. Sa ngayon kasi, mahirap pagsabayin yung mga bagay na importante, at unang-una na nga riyan yung mga trabaho namin."

Is he enjoying being single?

"Very much!" bulalas niya. "Kumbaga, wala naman akong ibang dine-date. Hindi naman ako nagde-date. The fact na nakakasama ko si Marian sa trabaho, minsan lumalabas kami, e, wala naman akong ibang idine-date na iba. Sa akin, e, sa ngayon, tama na muna yun."

NEW BENCH PICTORIAL. Ibinalita ni Dingdong na sa March 5 ay magpi-pictorial siya para sa bagong summer campaign ad ng Bench Body, kung saan siya ang main endorser. Balita naming tulad noong una siyang ni-launch as image model ng Bench Body, isang naiibang unveiling na naman ang magaganap para sa summer campaign ad na ito.

Bukod pa rito, napag-alaman din ng PEP na si Dingdong ang nagsabing gusto niyang i-endorse ang "I Am Ninoy" merchandise ng Bench.

"Kasi, bilang siya [Ninoy Aquino] ang ating bayani, talagang bilib na bilib ako sa kanya. Ever since, sinusundan ko ang istorya niya. I am a fan of him," pag-amin ni Dingdong.

Alam daw ng anak ni Kris Aquino, anak ni Ninoy, na si Dingdong ang endorser ng "I Am Ninoy" merchandise.

"Alam niya, alam niya yun. Nagpaalam kami sa kanya. Kumbaga, it's their family. It's her father. Natutuwa ako at nagbibigay ako ng pasasalamat dahil hindi sila nag-alinlangan na ipaubaya sa amin yung campaign. In fact, it's in the spirit of heroism and love of country," saad ni Dingdong.

May isa pang malaking project na ilu-launch si Dingdong this summer. Pero tumanggi na siyang pag-usapan ito at hintayin na lang daw yung time na ilu-launch ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN