You Changed My Life premieres successfully at SM Megamall

Last night, Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz attended the premiere of their latest movie You Changed My Life.


Kagabi, February 24, mula pa lang sa ground floor gate ng Building A ng SM Megamall ay dagsa na ang mga taong gustong makita nang personal ang mga artistang kasama sa pelikulang You Changed My Life, lalo na ang mga bida ritong sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Hindi mo kakikitaan ng pagkainip or pagkainis ang mga taong matiyagang naghihintay sa bawat lugar na daraanan ng mga stars ng movie na ito ng Star Cinema. Alam nila sigurong hindi sila makakapasok sa premiere screening ng movie—bukod kasi sa wala silang tickets ay talagang punung-puno na ang loob ng sinehan. Kaya matiyagang naghintay na lang ang mga tagahanga na masilayan ang kasalukuyang Box-Office King and Queen na sina John Lloyd at Sarah.

YOU CHANGED MY LIFE REVIEW. Umpisa pa lang ng movie ay nakaaaliw na at may kilig na hatid kaagad sa mga manonood ang mga eksena at palitan ng dialogue ng dalawang bida na sina Miggy (John Lloyd Cruz) at Layda (Sarah Geronimo).

Kumpara sa A Very Special Love, ang You Changed My Life ay nagpo-focus na sa pagiging mag-boyfriend-girlfriend nina Miggy at Layda. Maganda at mabilis ang pagkukuwento ng first six months nila bilang ,mag-"Bhebhe Ko," pero may kilig pa ring hatid sa manonood.

Pumasok ang conflict sa relasyon nila nang maging isyu na sa relationship nila ang pagkakaroon ni Miggy, ang bunso ng pamilya Montenegro, ng malaking responsibilidad sa kanyang trabaho.

Naniniwala kaming hindi man kasing-yaman ni Miggy ang ibang lalaking nanonood ng movie, siguradong makaka-relate ang mga ito sa situwasyon niyang madalas na hindi nakakasipot sa sa mga plano nila ng girlfriend dahil sa trabaho. Sa realidad, nangyayari naman talaga ito sa kahit na kaninong relasyon.

Tamang-tama lang din ang pagpasok ng bagong character sa movie sa katauhan ni Rayver Cruz bilang dating best friend ni Sarah noong high school pa sila at siyang pinagseselosan ni Miggy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung umaapaw ang chemistry sa pagitan nina John Lloyd at Sarah, pagkatapos namin mapanood ang premiere screening ng You Changed My Life, masasabing may malakas na chemistry rin pala between Sarah and Rayver naman.

Okey rin ang ginawang execution sa character ni Rayver dahil kahit may anggulong may gusto rin ito kay Sarah, hindi mo kakainisan or sasabihing kontrabida ito sa dalawa.

Kung kilig ang hanap ng manonood, highly recommended namin ang You Changed My Life dahil kaya ng tandem nina John Lloyd at Sarah ang magpakilig ng audience of "all ages," na natural na natural at hindi pilit. Mas may touch of drama ang sequel movie, pero, hindi ito nakakabagot or halatang ipinasok lang.

Matagumpay rin na nagawa ng kabuuang movie na kung hindi man mahigitan ang naipakita sa original movie, definitely, napantayan naman nito ang kilig at maayos na execution ng A Very Special Love.

Yun nga lang, sana ay mas nagamit pang mabuti ang theme song ng movie na "You Changed My Life" (originally sung by Janie Fricke), compared sa "Kailan" ng grupong Smokey Mountain .

Nandoon pa rin ang "Sundance" na pinauso ni Sarah sa A Very Special Love at ngayon ay "Power Hug" naman ang tila pinauuso ng You Changed My Life. Kung dati ay humirit ng kanta si John Lloyd, ngayon naman ay nakipagsabayan ito sa dancer naman talagang si Rayver, at in fairness, nakakaaliw si John Lloyd sa eksenang yun.

Hindi nakapagtatakang muli ay Graded A ng Cinema Evaluation Board ang movie.

Bukod kina John Lloyd, Sarah and Rayver ay nagtatampok din kina Dante Rivero, Rowell Santiago, Joross Gamboa, Matet de Leon, Gio Alvarez, Bernard Palanca, Beverly Salviejo at ang nagbabalik sa big screen na si Mikee Cojuangco-Jaworski.

STAR-STUDDED PREMIERE. Nandoon din sa loob ng sinehan ang director ng movie na si Direk Cathy Garcia-Molina at ilan pang bigwigs ng Star Cinema at ABS-CBN—even Boss Vic del Rosario of Viva Films, Direk Rory Quintos and Direk Wenn Deramas—and other stars like Maja Salvador, Mark Bautista, Mariel Rodriguez, Bianca King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Obviously, masayang-masaya sina John Lloyd at Sarah sa napanood na kabuuan ng kanilang pelikula. Natuwa rin sila, siyempre, sa masayang reaction ng mga manonood na fans.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang mga bida ng movie after the screening. Natatandaan pa namin ang nakita naming reaction ni John Lloyd noong premiere night ng A Very Special Love dati na halos hindi nito napigilan ang mapaiyak. Ngayon ba, masasabi niyang same feeling ang naramdaman niya after watching the sequel?

"Masayang-masaya pa rin pero sabi ko nga kanina, bago pa 'ko pumunta rito, merong lungkot kasi, it may take a long while bago kami makagawa or kung magkakaroon man ng another movie na ganito."

All-smiles din si Sarah after the screening of the movie, and when we asked kung posible kayang another box-office hit ito, nakangiting sagot ng dalaga, "Sana ... sana po. Sana po, magustuhan pong muli ng mga tao yung sequel ng movie."

Sa totoo lang, naka-jackpot talaga ang Star Cinema sa Sarah-Lloydie love team, dahil kung ibang artista siguro ang magpo-portray ng mga characters nila in both A Very Special Love and You Changed My Life, malamang ay hindi ito makakakuha ng magandang reaksyon mula sa fans.


Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN