Mark Herras hits the gym to surprise viewers of Paano Ba Ang Mangarap?

Mark Herras has been working out in preparation for a daring scene in Paano Ba Ang Mangarap. "Gusto ko lang ma-surprise ang lahat ng tao para may bago naman silang makikita or mapapanood," says Mark.


Obviously, masaya si Mark Herras sa mga naririnig niyang komento tungkol sa patuloy na pagganda ng katawan niya. Nagbubunga na raw kasi ang sipag niya sa pagdyi-gym.

Tuloy, PEP (Philippine Entertainment Portal) asked him kung nagbago na ba ang desisyon niya not to appear in one scene sa latest TV team-up nila ngayon ni Jennylyn Mercado ng Paano Ba Ang Mangarap, wearing only a pair of swimming trunks.

"Well, steady lang...abangan na lang nila kung ano ang mangyayari. Gusto kong ma-surprise ang lahat ng tao," sagot naman ni Mark.

Pero pinilit pa rin ng PEP si Mark na kumpirmahin kung mangyayari nga ang "swimming trunks scene" niya.

"May mangyayari...gusto ko lang ma-surprise ang lahat ng tao para may bago naman silang makikita or mapapanood."

At hindi raw totoo na nakiusap siya sa direktor ng show na si Joel Lamangan kung puwedeng huwag na lang niyang gawin ang eksenang iyon.

"Hindi naman sa nakiusap, pero, alam naman nila...Alam naman ni Direk kung kailan ako puwede na. Siya rin naman yung nagsasabi na hindi pa nga raw maganda ang legs ko. Siyempre, hindi naman din kami gagawa ng eksena sa Paano Ba Ang Mangarap na pangit naman ang kalabasan, di ba?"

Happy na ba siya ngayon sa bulas ng katawan niya?

"Ayos lang...masaya ako na nag-improve naman siya. Pero, kailangan ko pa ring mag-workout. Feeling ko naman, konti na lang din. Kaso, nakakaadik mag-gym. Parang kapag sinimulan mo pala, gusto mo tuluy-tuloy lang siya."

So, kasunod na ba nito ay ang pagpapa-sexy na rin niya?

"Hindi naman...sexy siguro in a way na soap...pictorial, siguro, depende rin."

How about doing a Cosmopolitan Bachelors shoot?

"Okey lang, kung kukuhanin nila 'ko at kung maganda na talaga ang katawan ko. At saka, ang pinanggalingan kasi nun, si Paolo Contis. Hindi ko naman sinasabi na gusto ko, ganoon din ang katawan ko, pero, ayoko naman masabihan na, si Paolo Contis yung dating model, 'tapos, biglang ngayon, ganyan na lang. Ayoko naman na masabihan ng ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron ba siyang ginagayang body o celebrity na gusto niyang tularan ang ganda ng katawan?

"Wala naman, wala naman akong tina-target. Gusto ko rin naman na meron akong originality. At saka, it's part of being mature na rin siguro kung bakit ko ito ginagawa. Nasabihan din ako na mag-work-out and napaisip din ako na I need this naman for my job."

DRUG TESTING. Kamakailan ay nagkaroon ng drug testing ang ilang Kapuso stars at isa si Mark sa mga young stars na nagboluntaryong mag-undergo ng drug testing. Ano nga ba ang nag-udyok sa kanya para gawin yun?

"Well, para malinis ang pangalan. Para matahimik yung mga nagbibintang about drugs. Para matahimik na rin sila once and for all. Now, kung umepala pa rin sila, at least, napatunayan namin na malinis talaga kami, hindi namin ginagawa yun."

Ano ang feeling nang mapatunayan nga niyang he's drug-clean?

"Wala lang...parang, o, ano kayo ngayon? Parang ganyan...kumbaga, matagal na rin kasi na may ganoong isyu, so, at least now, hindi ko na kailangang magsalita or i-defend ang sarili ko from the issue."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN