Jennylyn Mercado's manager defends the actress against malicious rumors

"Puro negative na lang ang inilalabas kay Jen doon. Paano kung mawalan ng trabaho dahil sa ginagawa nila? Tigilan na nila si Jen. Naghahanap-buhay lang yung tao para sa anak niya at sa nanay niya. Siya ang mag-isang nagtataguyod sa baby niya at walang ama na nagsusustento kaya maawa naman sila. Paano siya makakapagtrabaho nang diretso kung ayaw siyang lubayan ng mga detractors niya?" says Becky Aguila about her ward Jennylyn Mercado (in photo).


Galit na galit pa rin si Jennylyn Mercado sa tabloid na Pinoy Parazzi dahil ayaw raw kasi siyang tantanan nito. Nakukumbinsi na sana ang aktres ng kanyang manager na si Becky Aguila at ng legal counsel nito na si Atty. Joji Alonso na huwag nang ituloy ang kanyang demanda laban sa naturang tabloid dahil sa paglalabas ng larawan ng kanyang anak na si Alex Jazz sa binyag nang walang permiso

Pero nabuhay na naman ang galit ni Jennylyn at ngayon ay kinakausap niyang muli ang kanyang lawyer para ituloy na ito.

Patuloy raw kasi na ginagawan ng negatibong balita si Jennylyn sa naturang tabloid at parang pino-provoke na ituloy ang demanda laban sa kanila. Ayon sa mga report na lumabas sa Pinoy Parazzi, kesyo mareremata na raw ang bahay nito, laos na, at patuloy rin siyang iniuugnay kay Sen. Bong Revilla, na nakasama noon ni Jennylyn sa pelikulang Resiklo.

Respeto lang naman daw ang hinihingi ni Jennylyn sa naturang publikasyon.

Kaugnay ng mga naglalabasang isyu kay Jennylyn, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ng aktres na si Becky Aguila upang linawin ang mga ito.

"Paano mareremata yun [Jennylyn's house] samantalang rent to own yun ng six years?" sabi ni Becky. "Hindi bigay yun ni Senator Bong Revilla. Bakit inuulit ang isyu? Tuldukan na 'yan. Unfair kay Jen at kay Senator. Hindi mangyayari 'yan. Nakakahiya kay Lani Mercado [wife of Bong]. Matagal nang tapos ang Resiklo. Kawawa naman si Jen. Hindi siya ganoon. Huwag pababain ang reputasyon niya! Tuldukan na 'yan.

"Puro negative na lang ang inilalabas kay Jen doon," patuloy ng manager. "Paano kung mawalan ng trabaho dahil sa ginagawa nila? Tigilan na nila si Jen. Naghahanap-buhay lang yung tao para sa anak niya at sa nanay niya. Siya ang mag-isang nagtataguyod sa baby niya at walang ama na nagsusustento kaya maawa naman sila. Paano siya makakapagtrabaho nang diretso kung ayaw siyang lubayan ng mga detractors niya?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan ay regular na napapanood si Jennylyn sa GMA-7 Sine Novela na Paano Ba ang Mangarap?, kung saan katambal niya si Mark Herras. Ayon sa survey ng AGB Philippines sa Mega Manila, maganda ang ratings ng pagbabalik-tambalan ng dalawa.

On May 14 and 16, magkakaroon ng birthday concert si Jennylyn sa Music Museum titled I Am Woman. Mga guests niya rito sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Christian Bautista, Richard Poon, at si Mark Herras. Front acts naman sina Nico Antonio, Jasmin, at Jema Fitzgerald at Boys on D' Dance Floor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN