Melissa Ricks denies live-in rumor with Matt Evans

"Ano ba naman yung live-in? Hindi kami nagli-live-in ni Matt. Si Matt, may sarili siyang bahay, may sarili din akong bahay. Kasama ko sa bahay ang mga magulang at kuya ko. Live-in kami ng parents ko," says Melissa Ricks about rumors that she is living in with screen partner Matt Evans.


Isang panibagong istorya na naman ang handog ng ABS-CBN Sunday drama anthology na Your Song Presents ngayong Marso. Ito ay ang remake ng '80s Regal movie na Underage, na pinagbidahan noon nina Dina Bonnevie, Snooky Serna, at Maricel Soriano.

Si Melissa Ricks ang gumaganap sa dating role ni Dina, habang sina Lauren Young at Empress Shuck naman ang gaganap sa mga role noon nina Snooky at Maricel, respectively.

"Nineteen na po ako. Pero ang role na pini-play ko is 17. Ako si Celina, yung ate nina Empress at Lauren," kuwento ni Melissa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, February 25, sa presscon ng Underage na ginawa sa UKG studio ng ABS-CBN

Dahil ang original na Underage movie ay may temang pagka-sexy, magsisimula nang magsanay sina Melissa, Lauren, at Empress para sa mature roles. Ngunit nilinaw naman ni Melissa na ang TV version ay hindi ganun ka-sexy kung ikukumpara sa orihinal na pelikula.

"This is different," sabi ng young actress. "Magpapakita kami ng konting skin. This is another step na naman. Kumbaga, inuunti-unti na namin yung paggawa ng mature roles. We're not kids na rin. We're still teenagers, but we're going into the transition of becoming adults na. May ilang sensitive scenes dito kaya yun ang pinaghahandaan namin."

Since ginagampanan ngayon ni Melissa ang naging role ni Dina sa Underage, sa palagay kaya niya ay mararating din niya ang narating ni Dina?

"Siguro marami pa po akong pagdadaanan. Marami pa po akong bigas na kakainin bago ko marating ang mga narating ni Ms. Dina. Pero sana po kahit kalahati man lang ng narating niya ay marating ko, sobrang magiging happy na po ako nun. In the future, sana magkaroon din ako ng acting awards gaya niya. Kaya talaga pong pagsisikapan ko at mas gagalingan ko pa ang pag-arte ko," saad ng Star Circle Quest alumna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MATT EVANS. Si Matt Evans ang kapareha ni Melissa sa Underage. Ang laging sinasabi noon ni Melissa ay hindi nanliligaw sa kanya si Matt, magkaibigan lang daw sila ng binata. Pero may nakarating na impormasyon sa PEP na may relasyon na raw sina Melissa at Matt at nagli-lve-in na raw ang dalawa ngayon. Gaano ito katotoo?

Natawa muna si Melissa bago niya nasagot ang tanong. "Ano ba naman yung live-in? Hindi kami nagli-live-in ni Matt. Si Matt, may sarili siyang bahay, may sarili din akong bahay. Kasama ko sa bahay ang mga magulang at kuya ko. Live-in kami ng parents ko," sabi ni Melissa.

Isa pang nali-link ngayon kay Melissa ay si Jake Cuenca. Totoo bang nanliligaw sa kanya si Jake?

"Hindi, ha! Hindi siya nanliligaw sa akin," tanggi niya.

JAKE CUENCA. But how true na nagpadala si Jake ng flowers at food sa kanya sa tinutuluyan niyang condo sa Greenhills noong Valentine's Day?

"Oo, nagpadala siya," pag-amin ni Melissa. "Pero hindi naman ibig sabihin na pag pinadalhan ka ng flowers ay nanliligaw na or anything. Wala naman sigurong ibig sabihin yun."

Ilang flowers ang ipinadala sa kanya ni Jake?

"Isang dosena," sagot niya.

Aminado naman si Melissa na kahit paano ay kinilig siya nang makatanggap ng flowers mula kay Jake.

"Siyempre naman, hindi naman kasi lahat ng tao ay nakakatanggap ng flowers. Wala naman akong inaasahan nung araw na yun kaya sobrang saya ko nung may natanggap ako," paliwanag ng dalaga.

Paano kung ligawan siya ni Jake?

"Kung manliligaw siya, siya'ng bahala dun. Hindi ko naman sinasabing huwag or ganyan. Pero kaibigan ko lang naman talaga siya."

May maaasahan ba naman sa kanya si Jake?

"Kailangang makilala ko pa siya siguro, makilala ko pa siya nang husto, ganyan," saad ni Melissa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN