Boy Abunda on Dra. Vicki Belo's remark: "Nasaktan ako because I didn't deserve that insult."

"I wanted Vicki to understand that I was hurt, I wanted Vicki to hear me out that I was hurt, I wanted Vicki to know that I was hurt, yun lang 'yon. Pero sino ba naman ang hindi nagkakamali, nagkukulang minsan? So I understand that, ang dami niyang pinagdadaanan," says Boy Abunda (right) about Dra. Vicki Belo (left).


Nilinaw ni Boy Abunda na wala siyang balak idemanda si Dra. Vicki Belo kaugnay ng nangyaring iringan sa kanilang dalawa, matapos ang derogatory remark ng huli sa interview ni Mo Twister sa Showbiz Central. (Click here to read related article).



Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, February 25, si Boy sa set ng Showbiz News Ngayon, ang bagong programa nila ni Kris Aquino na napapanood sa ABS-CBN. Dito'y sinabi ni Boy ang tunay na rason kung bakit siya labis na nasaktan sa tinuran ng kilalang beauty specialist.

"I was really, really hurt, extremely really hurt," pag-amin niya. "Pero may nagtanong sa akin kanina na, 'Kung sa iba ba nanggaling yun, mapipikon ka ba?' Sabi ko, 'Siguro hindi.' And I'd like to clarify, hindi ako magdedemanda, klaro ako roon. Usapang magkaibigan ito, alam ko maaayos ito."

"Pero bakit ako nasaktan?" patuloy ni Boy. "'Yon ang gusto kong balikan. Nasaktan ako because I didn't deserve that insult. Kasi may mga lumalabas na sinasabing wala namang intensiyon, et cetera. Wala akong kinalaman doon sa intensiyon, ang alam ko lang yung naramdaman ko, yung sakit na naramdaman ko nang napanood ko.

"Pangalawa, I wanted Vicki to understand that I was hurt, I wanted Vicki to hear me out that I was hurt, I wanted Vicki to know that I was hurt, yun lang 'yon. Pero sino ba naman ang hindi nagkakamali, nagkukulang minsan? So I understand that, ang dami niyang pinagdadaanan.

"I found it discriminatory, I found it cruel kasi kapag hitsura mo ang pinagtatawanan, ano naman...hindi to apologize... At saka I want to make this clear na walang kinalaman dito sina Piolo Pascual and Dingdong Dantes. Collateral damage lang ito, name-mention lang ang mga pangalan nila dahil na-mention sila noong una, pero walang... Dapat ang mga batang ito, hindi isinasali. At saka, dyusko, talampakan nina Dingdong at Piolo, mas maganda pa sa akin," nakangiting paliwanag ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumawag ba si Dingdong Dantes o si Piolo Pascual sa kanya?


"Sabi ni Kris, tumatawag or Dingdong is trying to reach me, pero hindi pa kami nagkakausap. Wala naman kaming problema. I'm also trying to call them yesterday because I wanted to explain to them na, oo... Please, wala silang kinalaman dito. PJ and I are very, very good friends, close friends."

DRA. BELO'S APOLOGY. Tinanong din ng PEP ang ukol sa paghingi ng sorry ni Dra. Belo kay Boy.

"She sent a text message to mutual friends of ours, common friends. She said, 'Hi Boy, this is Vicki Belo, I'm sorry if I offended you...' I'm paraphrasing, ha. '...I hope you will accept my apology.'"

Ano ba ang naging dating sa kanya nito, okay na kaya ang gesture na 'yon ni Dra. Belo?

"Sa ngayon, oo naman," malumanay na pahayag niya. "Okey na 'yon. I think it's Ash Wednesday, we should find it in our hearts to forgive."

Pero aniya, "Totoong noong una na-bother ako, dahil the apology could have been done in a better way. I was hoping na sana'y dumiretso sa akin o kaya... Pero huwag na, huwag na tayong mamili," pag-iwas niya dahil baka ma-misinterpret daw siya.

"Ang importante'y sinsero ang paghingi ng paumanhin."

Idinagdag ni Boy na hindi direktang nag-text sa kanya si Belo.

"Hindi. Nag-text siya sa isang kaibigan namin, she doesn't know my number because we haven't been in touch for years...over two years."

Pero pinatatawad na ba niya si Dra. Belo?

"Oo naman, sino naman ako para hindi magpatawad? Hard, it's a very difficult process kasi. Siyempre kapag nasasaktan ka, it's not easy, hindi naman ako yung tipong bukas okey na."

BOY'S MOTHER. Kumusta na ang nanay niya?

"Nanay is okay, she's doing well," sagot niya. "Ang nanay naman, Waray woman 'yan. Ang hindi ko lang nakaya, kasi nang tinanong ako ni Nanay nang, 'May ginawa ka bang hindi maganda at ginawa kang katawa-tawa sa TV?' Ang hirap sagutin ng tanong na 'yon, e. Ang hirap sagutin noon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, kaya nasabi ko, 'Nay, tawag ako uli.' Doon ako umiyak, the day after. Kasi hindi ko maipaliwanag sa Nanay na wala akong ginawang masama. But at the same time, ayaw ko namang idamay si Nanay doon sa pagpipighati. Pero she's doing well, she's a strong woman, araw-araw ko siyang tinatawagan. Kahit kumusta lang at kalokahan. Eighty na siya."

TWO YEARS AND COUNTING... Inamin ni Boy na marami nang pinagdaanan ang kanilang pagkakaibigan ni Dra. Belo, subalit ayaw niyang sabihin ang malalim na dahilan kung bakit nasabi ng dating kaibigan na two years nang natutulog ang kanilang friendship.

"Ang sinasabi ko lamang na medyo na-express ko na, nasabi ko na ang sama ng loob ko, nasaktan ako, nagalit na ako, umiyak na ako, nag-usap na kami ng Nanay, umiyak na ako ng apat na oras... Siyempre lahat naman humuhupa.

"Right now na I'm talking ha, pero if she [Vicki] talks to me the day after, I don't want to talk about it. Because if you're hurt or mad, you're vulnerable, and when you're vulnerable, you say the wrong things. So, may mga leksiyon din tayong natututunan. 'Pag galit ka at may ginawa sa iyo ang isang tao na hindi maganda, ang una mong reaksiyon, magagalit ka. Kaya kailangan talaga hinay-hinay ang emosyon, e. Pinag-iisipan mo talaga. That's why ako, I decided not to say a lot. I wanted to keep quiet, kasi baka kung ano ang masabi ko.

"And ang natutunan ko to the best I could, I will do this job better. I don't want to hurt people indiscriminately. Kasi napakadaling magtaray, magbitaw ng mga salita, itong karanasang ito will make me more cautious," seryosong paniniyak pa niya.

Ano ang naging cause ng hindi nila pag-uusap for two years?

"I'd rather not talk about it, mas lalalim," iwas niya. "Ganito na lang ang sasabihin ko, it had nothing to do with me. Kaming dalawa ni Vicki, hindi man kami nag-uusap ng dalawang taon or less, hindi dahil sa kaming dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya selos dahil si Boy na ang endorser ng Calayan Surgicentre na kakumpitensiya ng Belo Medical Group?

"Hindi naman. Huwag na natin anuhin, kasi magkakaayos na. I do not want to go back to the genesis of, 'ika nga, the misunderstanding, dahil hindi makakatulong."

Pero maibabalik pa kaya ang dati nilang pagkakaibigan ni Dra. Belo?

"It's a hypothetical question. Sana, di ba, 'yon ang wish natin? Pero you don't say it, you do it. Pag binigyan ka ng pagkakataon, ng panahon, ng Diyos na maibalik ang mabuting pagiging pagkakaibigan, ako, bukas akong tao, hindi ako nagsasara. Alam n'yo naman yun," saad ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN